(Naya's POV) Totoo ngang nakakabahala ang mga nangyayari sa ngayon, kasalukuyang may hila hila ang mga guards na lalaking infected na ng venom, bigla na lang daw siyang nanugod ng mga kaklase niya habang nasa gitna sila ng PE class sabi nung kaklase niya, obviously narinig ko yun dahil andito lang ako kanina pa at nagmamasid. Hindi ko nga alam kung bakit venom drugs ang itinawag nung mga gumawa nyang drugs na yan dyan, ang pangit naman pero mas pangit kung matuturukan ka non. Sa ilang araw na pagmamasid ko, totoo rin yung sinabi ni Styx na ilang g**g ang nagme-emerge. Tapos ngayon tulad kahapon nakakita na naman ako ng lalaking tulad nung nasa gym. Umalis na agad ako doon pagkaalis ng mga guards, college premises na naman kasi yung pinasok ko. Sa ilang araw din na pagmamasid ko may

