(Naya's POV) Nakakahalata na ko dito sa pamilya ko, pamilya ko ba talaga sila? Bakit parang mas gusto nilang kasama yung mga yon kaysa sakin lalo na si Eos, Ayos yun ah, hindi na nga sila halos naghihiwa-hiwalay. Napabuntunghininga na lang ako saka ako muling tumanaw sa baba mula dito sa taas. Kaylan kaya mauubos yung mga bisita? bgusto ko ding maupo sa harapan ni Lola. Teka nga kilala ko yun ah, napatitig ako sa mga lalaking pumasok ng mansiyon namin na parang may hinahanap. Oh em gee. Umalis na ako mula sa pagtanaw sa baba at nagmamadali akong pumunta sa hagdan. "San ang punta mo Naya?" Tanong ni Dad sa akin kaya napatingin ako sa kanila na nasa sala kasama ang mga yun, tinaasan ko sila ng kilay. "I have visitors" Pangiinggit ko sa kanila saka ako bumaba kahit na wala naman sila

