_{GENE's POV}_ "Lieutenant Lopez, nadito na po si Agent Sarah." bungad sa akin ni Joey. Tinanguan ko naman ito, at kasunod no'n ay pumasok na rin si Sarah. "Good morning po, Lieutenant Lopez," bati nito sa akin. "Is there any news?" agad kong tanong dito. "It has been confirmed. Nakay Mr. Morrison po ang anak n'yo. Alam na rin po n'ya ang totoo na buhay kayo, at pineke n'yo lang ang pagkamatay n'yo," sagot nito. Napakuyom naman ang aking mga kamay dahil sa nalamang nasa poder ni Jm ang aking anak, at alam ko ring hindi magtatagal ay malalaman na rin nito ang katotohanang anak nito si Maxine. "Did Mark know about it already?" seryoso kong tanong. "Hindi pa po, Lieutenant," sagot nito, "Kayo pa lang po ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na 'to," "Keep an eye on my daughter, Agent Sara

