DALAWANG araw na ang lumipas ngunit nananatili pa ring blanko ang katauhang kumuha sa anak ko, hindi ko alam kung iniligtas ba ng taong iyon ang aking anak o isa sa mga taong aking nakabangga dahil sa mga kasong aking nahakan. Malinaw rin na wala kay Mr. Tomoharu si Maxine, dahil sa impormasyong nakuha namin ay ay hindi pa alam ni Mr. Tomoharu ang itsura ng aking anak, at ang tanging alam lang nito ay may anak ako, na gusto na rin nitong idamay mula ng malamang ako ang taong nagpoprotekta kay Jm at David, at isa rin sa sinabi ng tauhan ni Mr. Tomoharu, na no'ng araw na iyon ay mga tauhan ni Jm ang kanilang nakabangga at wala silang alam nado'n kami ng aking anak. Pero alam na rin daw ng mga ito na ipinapapatay na rin daw ako ng kanilang amo. "Director, wala pa rin ho kaming makuhang impor

