"Are we leaving, Mama? Is Tito Mark also going with us?" bungad na tanong sa akin ni Maxine habang naghahanda ako ng babaunin namin sa Park. Sa park nito nagustohang mamasyal. Kaya naman naisipan kong dalhin ito sa Luneta Park at doon magpalipas ng oras, saka ko ito ipapasyal sa Mall, para mamili ng mga laruang ipinabibili nito. "I'm not sure, my Princess, hindi pa kasi tumatawag si Tito Mark eh." ngumiti akong bumaling dito, "So? Let's go?" Napatawa na lang ako nang makita kong agad nitong isinuot ang paborito nitong bagpack Tinkerbell Character Princess. Ramdam ko ang kasiyahan nito sa mga oras na ito, aminado rin naman akong hindi ako perpektong Ina na may 100% na atensyong ibinibigay rito, dahil sa daloy ng aking trabaho ay bihira kaming magkaroon ng gan'tong oras mag-ina, kaya kahap

