Habang nasa biyahe, naisipan kong dumaan na muna sa isang flower shop para bumili ng paboritong bulaklak ng aking asawa at bumili na rin ng paboritong pagkain ng aking mga anak sa isang Italian Restaurant. "Greg, flower shop tayo," sambit ko saka ko kinuha ang aking cellphone at tinawagan ito. Napangiti ako naman ako nang makita kong agad rin nitong sinagot ang aking tawag. "Hello? Where are you?" agad nitong tanong mula sa kabilang linya, na 'di ko napigilang hindi mapangiti sa paraan ng tatanong nitong para bang hinahanap hanap nito ang aking prisensya, at dahil sa gano'ng isipin ay nagdulot naman sa akin ng kilig. "I'm going home, wife. How are you and our kids doing?" nakangiti kong sambit, subalit hindi ito tumugon at waring ingay lang ang naririnig ko, na para bang may pinagkakaa

