_{GENE's POV}_ "Papa!!" "Papa!!" Magkapanabay na sigaw ng aking mga anak nang bumukas ang malaking gate at pumasok ang sasakyan ni Jm, kasunod ang lima pang mga sasakyang nasa huli, ang mga tauhan nito. Kita ko ang kasiglahan ng aking mga anak nang makita ang ama ng mga ito, halos isang linggo rin kasing hindi nakita ng mga bata si Jm dahil umalis ito at may inasikasong mga negosyo. LIMANG BUWAN na rin mahigit ang lumipas nang dalhin ako rito ni Jm, at sa limang buwang iyon, unti unti na akong nasasanay sa gan'tong buhay, na waring isang masaya at buong pamilya kami, na iyon rin naman talaga ang totoo. Nagulat ako nang malaman kong kasal na ako kay Jm, hindi ko agad pinaniwaalan ang lahat ng sinabi nito kahit pa ibinigay na nito sa akin ang kopya ng aming marriage contract na pirmado

