" 3 years, kaya naman natin diba? Sa 3 years na yun asahan mong faithful ako sayo, basta ganun ka rin. " saad ni Kenneth habang akap-akap ako nito sa mga bisig niya.
" LDR, kasi yun eh. Alam mo naman na gusto kita makita araw-araw diba? " malungkot kung sagot. Naramdaman ko namang bigla niyang hinigpitan ang yakap sa'kin.
He sighed, " Trust me, I won't cheat." tanging sabi niya.
Busangot 'kong kinagat ang fishball na binili namin kanina. Tahimik lang kami hanggang sa naubos ko yung fishball, inis ko namang kinuha sa kanya yung fishball niya.
" Sachi? I love youu! " pasigaw niyang sabi sa'kin.
" A-ano ba, ang ingay pero I love you too. " ngumiti ako pero I feel the pain within me. Para akong lantang kangkong.
" Tara na uwi na tayo? Maaga pa kasi flight ko bukas. " he said as he helped me to get up.
We slowly walk like we don't want this day to end.
" Wag ka nalang umalis. Lab mo naman ako di'ba? Wag ka na alis. " naiiyak na sabi ko habang naglalakad at yakap-yakap siya.
" Para rin naman sa future na'tin to eh and much better kung dun ako mag-aaral. " he said as he caressed my hair.
I can't stop my tears and they just run away through my cheeks, napansin ni Kenneth ang pag-iyak ko. He sadly wipe my tears away.
" Wag ka nang umiyak, maguguilty talaga ako pag-alis ko. " he sadly said.
" Edi maguilty ka para hindi ka na umalis. " inis na sabi ko sa kanya. Bumusangot naman siyang nakatingin sa'kin, he just pinched the tip of my nose.
" Oh, kanina ka pa naglalakad na hindi ayos 'yang sintas mo? " kunot-noo niyang sabi. Dumuko siya at inayos ang sintas nang sapatos ko.
Malungkot 'kong tinignan ang paligid, ako nalang mag-isa pag-umalis na siya.
" Ugh. " rinig 'kong ungol ni Kenneth. Napatingin naman ako sa kanya, pansin 'kong para siyang namimilipit sa sakit.
" Kenneth, bakit? " nagaalala 'kong tanong, dumuko ako at tinignan siya.
" M-masakit yung likod k-ko. " dumadaing niyang sabi.
" T-tignan mo nga. " namimilipit niyang sabi, pansin ko rin ang pamumutla niya. Dali-dali ko naman siyang sinunod pero wala naman akong nakita kahit na ano. He was wearing a maroon shirt, napansin ko nalang na parang basa malapit sa batok niya at butas ito. I touched it.
" Ugh! M-masakit, may sugat ba ko dyan? " daing niyang tanong. Nag-aalala ko siyang tinignan habang nanginginig ang kamay ko na may bahid ng dugo.
" I think it's a gunshot but I don't hear anything. Kenneth maybe I'm wrong baka nadaplisan ka lang ng matulis na kahoy di'ba? Tell me! " Natataranta at nag-aalala 'kong sabi.
" Sachi, please c-calm down. " he weakly said.
" Pano ako kakalma? Kenneth! You have a gunshot out of nowhere. I need to bring you to the hospital as soon as possible. " nalilito 'kong sabi at naghanap ng pwedeng makatulong sa'min pero wala man lang tao. Dali-dali 'kong kinuha ang cellphone ko at halos magkahulog-hulog ang cellphone sa panginginig ng kamay ko. Kung ano-anong hotline ang natawagan ko para sa ambulansiya.
" N-nahihilo ako, pwedeng pahiga muna? " papikit-pikit na sabi ni Kenneth.
" No! You don't, just hold on. Okay. Don't leave me yet. " tarantang sabi ko at tinatabunan ng punit na tela mula sa dress ko ang sugat niya. He just smiled at me and just collapsed.
" K-Kenneth? No. Kenneth! " sigaw ko, tinapik-tapik ko siya pero wala kahit anong response. I check his pulse, it's slowly beating.
No! Okay lang sana yung 3 years but not permanently.
Iyak ako ng iyak sa pagsigaw ng tulong, ilang minuto pa dumating ang ambulance.
The nurse said there was someone on rage with a g*n. Pinaputok niya ito, mismo sa lugar namin. Kaya tinamaan ng ligaw na bala si Kenneth. I hope he'll be fine.
Nang makarating kami sa hospital dali-dali siyang pinasok sa emergency room, gusto ko rin sanang pumasok at malaman kung ano ng kalagayan niya pero hindi pwede. Gulong-g**o akong umupo sa upuan, ni hindi ko man lang hinugasan ang kamay ko. My white dress was full of blood, and have big torn in below of the knees. I don't care what they say about me.
Halos ayaw 'kong tignan ang natuyung dugo sa katawan ko, parang ayaw ko ng gumalaw sa kinalalagyan ko. Kung sana sinintas ko yung sapatos ko at 'di umiyak edi sana wala siya sa kinalalagyan niya ngayon.
Maya-maya pa, lumabas ang doktor mula sa emergency room. Lumapit ito sa'kin at mukhang may dalang masamang balita, wag naman sana.
" Iha? Malala ang tama niya sa dibdib at tinamaan ang puso niya. Alam 'kong impossible na siyang mabuhay, ginawa na namin lahat-lahat but his gone. I'm sorry. " he disappointedly said, halos mabingi ako sa narinig. Tinamaan ang puso niya? He's gone? No!.
Tinapik ng doktor ang likod ko at umalis, napasalampak ako sa sahig. He's gone? For good? This is not true right? Mabilis na nag-unahan ang mga luha ko sa sakit. Nag-iinit ang mata ko, sumasakit ang ulo at halos mabingi ako sa nararamdaman. This is all my fault.
Napatingin ako sa isang nurse na lumabas sa emergency room, siya yung nakasama ko kanina sa ambulance. Nagulat siya sa sitwasyong nakita niya sa'kin, alam ko namang nakaka-awa akong tignan. Lumapit siya sa'kin at inalalayan akong tumayo, pinaupo niya ako at pinainom ng dala-dala niyang tubig.
" Tara samahan na kita sa room ng boyfriend mo, para makapag-pahinga ka na. " ang sabi ng nurse. Tatayo na sana ako ng bigla na naman akong napa-upo. Ganito pala ang feeling na mawalan. Nakakapanghina.
" Ano ba nangyari sayo? 'Bat para kang lantang kangkong? " takang tanong sa'kin ng nurse, hindi niya ba alam ang pakiramdam ng nawalan ng importanteng tao at parang wala lang sa kanya?.
" H-he's gone. " tanging na sabi ko nalang. Parang namanhid lahat ng katawan ko.
" Anong he's gone? " nagtatakang tanong ulit ng nurse sa akin. Halos magdikit na ang kilay ko.
" patay na siya, okay! " mabilis na sagot ko, pano ba naging nurse to?
" Ahh, yung lalaking kasama mo? Buhay pa yun. Sinasalinan na namin ng dugo sa kwarto niya, hindi naman masyadong critical yung nangyari sa kanya. Mabuti pa nga yang boyfriend mo eh, kaysa sa isang pasyente namin na namatay kasi sa heart natamaan ng bala ng b***l. " mahabang sagot niya.
" Oh my goodness. " huli kong sabi bago nawalan ng malay.