The Revenge Of Consuelo |
___
"HELLO, LUNA! POSITIVE NASA LOOB SI FRANCO. MALAPIT KA NA BA SA PLACE?" magandang balita ni Rana kay Luna.
Tulad nga ng sinabi nito nauna ito sa lugar; si Rana na rin ang umayos ng membership niya sa gym ni Franco. Hindi nya alintana kahit na malayo ito sa mismong lugar niya; imagine bibiyahe siya ng mahigit trenta minuto mula sa bahay niya hanggang sa pagmamay-ari ng lalaki.
Ano pa nga ba ang hindi niya kaya isakripisyo para sa paniningil niya? Wala na. Hinanda na siya ng sampung taon— wala ng dahilan pa para hindi niya bigyan pansin ang mga posibleng planong mapapadali ang lahat.
Napahawak sa manibela si Luna, kagagaling niya lang sa musoleo ng buo niyang pamilya hindi sya pwedi magtagal d'on. Nag-iingat siya na baka may makakita sa kaniya, makakilala kung sakali. Sa lahat ng tao, patay na siya.
Tama ang plano ng lolo niya, mabuti na lang hindi niya inuna ang emosyon n'on. Kung siya lang ang masusunod lalabas siya sa madla na babawiin niya ang lahat ng pinalabas ng mga pulis non na kasama siya sa namatay.
Matalino ang lolo niya, iyon nga lang iniwan din siya nito pagkatapos ng dalawang taon. Naging mahina ang katawan nito mula ng namatay ang daddy niyang nag-iisang anak ng Lolo Lito niya.
Napatingin siya sa langit sa unang bahagi ng sasakyan niya; ngumiti siya ng pilit. Naalala niya ang pangako niya sa lolo niya— na siya ang gagawa ng lahat ng mga hindi nito nagawa. Ito ang dapat mangunguna sa paniningil sa pamilya Montaño.
'I promise you, Lo. Hindi sila makakaligtas sa batas tulad ng pinangako mo sa akin n'on. I'll be strong, Lolo.'
Ang sabi sa kaniya ng lolo niya kailangan niyang maging malakas, iyon ang lagi niyang linalagay sa isip niya; hindi lang siya malakas sa pisikal kun 'di kailangan niyang maging mas malakas emosyonal.
Ang emosyon nya raw ang nakikita ng lolo niyang makapagpabagsak sa kaniya kapag hinayaan nyang manatili ang pagmamahal na mayroon siya kay Rio.
'That asshole! That coward! Paano ko mamahalin ang lalaking iyon kung hanggang ngayon pinili niya pa rin magtago sa palda ng nanay niya? Ni hindi nga siya umuwi para ipagluksa ako!' naalalang sandali ni Luna.
Tama siya! Imposibleng hindi mabalitaan ni Rio na kasama siya sa mga namatay. Kahit sana magpakitang-tao lang ito sa puntod niya mababawasan pa siguro ang galit na naramdaman niya rito. Iyon nga lang hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng burol nila, walang Rio ang dumating sigurado siya r'on dahil lihim siyang nagmamatyag ng mga sandaling iyon kahit na may ilang sugat siyang iniinda.
Napalingon si Luna sa waze ng cellphone niya. Tanaw niya na ang lugar ni Franco.
'Franco Wellness Gym' Binasa ng mata niya ang banner sa harapan ng gusali.
Tama si Rana, madali nga lang mahanap ito. Sinulyapan ni Luna ang lahat ng dala niya— ang bag niya, tumbler at bihisan niya.
Matapos i-kalma ang sarili, inayos niya ang mukha niya sa salamin na dala niya— nagpahid siya ng lip gloss at kaunting face powder. Hinayaan niyang ilugay ang blonde niyang buhok d'on na lang siya magtatali sa loob kung kinakailangan.
Fitted white shirt at sports leggings ang suot niya na tinernuhan niya ng white nike sneakers.
'See you around, Franco..' sambit ni Luna sa sarili.
Hindi siya magsasayang ng oras; kailangan maging malapit siya rito bago mangyari ang Victory party ng mga Montaño. Mas magiging madali sa kaniya ang pumasok sa mundo ng mga ito kapag nangyari iyon.
She trust herself! Hindi siya ipagkakanulo nito.
Matapos buntong-hininga ng ilang beses nagpasya ng lumabas si Luna ng sasakyan niya.
Isa itong Lamborghini na pamana sa kaniya ng lolo niya bago ito nawala. Binili pa nito ang sasakyan na iyon sa Europe; dumating ito ng bansa isang araw bago nalagutan ng hininga ang Lolo Lito niya.
Sinunod niya sa pangalan ng abwelo sa sasakyan niya tinatawag niya itong Lolo Lito.
Napangiti si Luna— she is so tough sa ibang bagay pero sa mga ala-ala ng pamilya niya malambot siya.
'I'll be back, Lolo Lito.'
NAGMARTSANG naglakad si Luna papasok sa gusali ng gym ni Franco. Sa mga larawang pinasa sa kaniya ni Rana pamilyar na sa kaniya ang mukha nito.
"Ms. Luna Lozano—" ani niya sa reception. Tiningnan nya ng tingin ang galaw nito nang tingnan ang pangalan niya sa monitor ng computer sa harap ng mga ito.
"You have your premium membership ho, Ma'am by Miss Rana Roxas," kumpirma sa kaniya.
"Yes. She's my friend. Shes there inside."
"I will assist you ho, Ms. Lozano."
"No, Miss. I can manage. Thank you," magalang niyang untag dito. Nagpalitan sila ng ngiti sa isa't isa. Matapos pirmahan ang ilang binigay nito tumuloy siya sa loob sa direksyon na tinuro sa kaniya ng isa.
Maaliwalas ang malawak na gym, iyon ang unang ekspresyon na nabuo sa isip ni Luna. Hinanap ng tingin niya si Rana— nang madapo ito sa pamilyar na lalaking totoo niyang sadya sa lugar na iyon.
Napataas kilay siya nang may ina-assist itong babae kaya hindi siguro napansin ang presensiya niya. Tinulungan nitong magbuhat ang babae. Malaya niyang pinagmasdan si Franco—naka casual gym outfit ito.
Sa pang ibabang parte ng katawan ni Franco natuon ang tingin ni Luna.
"Hey. Ang laway mo—" Napalingon si Luna sa boses na nagmula sa likuran niya si Rana.
"You will seduce him, Luna. Not he will seduce you. Magkaiba 'yon, Pren."
Mahina ang ginawa niyang paghampas sa braso nito. Natatawa siya sa naging reaksyon ng kaibigan. Hindi niya sadyang matuon ang pansin niya sa kargada nito— what the f**k! Kargada?
"Franco.. Franco.. Here!'
Malakas na sigaw ni Rana para makuha ang atensyon ng lalaki mabaling sa kanila.
Kinalma niya ang sarili! Tumingin sa gawi nila si Franco. May ngiti sa labing sumilay dito. Sa sulok ng mga mata niya nakita niya ang paglakad nito papunta sa gawi nila.
Napahawak ng mahigpit si Luna sa bag na hawak niya; nandoon ang baril niyang lagi niyang dala-dala.
'Ano kaya kung itutok at barilin ko na lang ang lalaking 'to para matapos na!' sigaw sa isip niya.
"Hi, Ladies.."
Maluwag na ngiting sumalubong sa kaniya mula kay Franco. Pekeng ngiti ang pinaskil niya sa labi niya.
"Si Luna Lozano, my friend.. Luna si Franco the owner of this wonderful gym—"
Pagpapakilala ni Rana sa kanilang dalawa ng lalaking nasa harap niya; napalunok ng lihim si Luna nang sa mga mata nito hindi maitatago ang resemblance nito kay Rio.
"Please to meet you, Ms. Lozano."
Tiningnan ni Luna ang kamay ng lalaking nakalatag sa harap niya. Muli niyang binalik ang tingin sa mukha nito nag-iisip kung tatanggapin ang pakikipagkamay na iyon sa pormal na pagpapakilala.
"Please to meet you, Mr. Montaño—"
Nakangiting tinanggap ni Luna ang kamay nito.
'This is it, Luna! This is the real game begin!' sigaw ng isip niya.
____