Chapter 6 : Cielo

1160 Words
The Revenge Of Consuelo| 6 CIELO ____ "THANKS FOR THE HELP—" may maluwag na ngiti sa labing sambit ni Luna para kay Franco. Inabutan siya nito ng isang mineral water— kahit na sinabi niya at pinakita niya ang tumbler niyang dala dito. He still insisted! Wala silang pinagkaiba ni Rio, iyon ang galit na sumagi sa isip niya. Natuto na siya kay Rio hindi na siya muling magpapadala pa sa gentleman effect ng isang ito. Sa una lang naman sila magaling, iyon ang galit niyang turan habang pinagmamasdan ito. Pareho silang nakaupo sa isang bench paharap sa isang malaking salamin. Franco suggested to do dumbbells since beginner daw siya ang hindi nito alam matagal na siyang nagsasanay mula pa sa Amerika. Nag inarte lang s'ya para mag-offer ito ng tulong sa kaniya, one of her tactics at hindi siya nabigo. "Do you feel good?" Ilang sandaling tanong nito sa kaniya. Tumango-tango siyang nakangiti pa rin dito mukhang mangangawit na yata ang bibig niya sa kakangiti dito kailangan niya lang panindigan. Nauna ng umuwi si Rana— isa sa plano niyang ipagamit ang sasakyan niya rito. Gusto nyang alukin siya ni Franco na ihatid siya nito sa ganoong paraan mas makakapag-usap at may oras pa sila ng lalaki; mas marami siyang malalaman dito. "Saan ka nga pala umuuwi? I don't see your records pa eh. I think I should to check it—" "Sa Riverside.. Trenta minuto mula rito. Nakakainis nga at hindi na ako nahintay ni Rana may date daw kasi." "So! You will commute? Ano'ng sinakyan mo papunta dito?" "I have my ride. But Rana used it. Masisira daw ang lakad niya kapag hindi ko siya pinahiram ng sasakyan," natatawang tugon niya. Dinala niya ang bottle ng tubig sa bibig niyang nakatingin pa rin kay Franco nang sumulyap ito sa gawi niya. "Countryside lang ako. I'm on my way. Pwedi kang sumabay sa akin if you want too." Tama ang sinabi sa kaniya ni Franco halos magkalapit lang ang subdivision na tinutuluyan nila at ng pamilya ng mga ito. Noong buhay pa ang pamilya nila d'on rin sila nakatira sa subdivision ng lalaki; mga kilalang tao ang halos nar'on.. negosyante, politiko, masasabing may sinasabi sa buhay. Hindi na siya nagagawi sa bahay nila d'on; matagal na daw nabenta ng broker iyon ang hindi niya lang alam kung sino ang nakabili. Isa sa mga misyon niya ang mabili ulit ang bahay nila sa subdivision na nabanggit nito. Nandoon lahat ng memories ng pamilya niya maging ang ala-ala ng anak niya kahit na isang taon niya lang ito nakasama. "Iyon ay kung walang magagalit, Ms. Lozano?" untag nito. Lihim siyang natatawa sabay na rin ang natutuwa siya sa naging pasakalye nito. Mukhang umaayon sa kanya ang panahon. Just like of what she said! Noone can resist her lalo na ang isang ito. "It's my pleasure.. Since sabi mo nga along the way ka naman. I will accept it. Ako na lang siguro ang mag-gas ng car mo? Or, you want to dine somewhere? Ikaw? Name it.." alok niya rito. Muli silang nagkatinginan ni Franco; una niyang iniwas ang mga mata niya rito nang maalala ang bughaw na matang mayroon din si Rio. 'Magkapatid nga ito!' "It's my pleasure too, Luna. Coffee is fine with me kung ipagpipilitan mo para naman makasama kita ng mas matagal.." Wari siyang tumawa.. 'Bolero! Rio na Rio!' sigaw ng isip niya. Ganito si Rio! Ganito sila nagsimula ng lalaking una niyang minahal na akala niya huli ding magmamahal sa kaniya— ang lalaki lang pala na iyon ang magiging sumpa sa buhay niya. INALALAYAN siya nito hanggang sa makasakay sa magarang sasakyan nito— isa itong BMW i8 sa gara ng kotse nito mukhang madami na yatang naisasakay na babae d'on ang lalaking nasa tabi niya ngayon. "Are you okay, Luna?" untag nito sa namayaning katahimikan sa kanilang dalawa. Lumingon siya kay Franco, ngumiti siya rito nang magpasalamat siya sa pagbukas nito ng pinto patabi sa driver's side tumalima na itong mabilis kumilos pasakay sa pwesto nito. "So! How do you think my ride? Okay ba sa iyo? Coding kasi madalas kung gamit kaya ito ang dala ko ngayon—" simula nito sa usapan. 'Mayabang!' unang salitang sumagi sa isip niya. 'Montaño nga!' dugtong pa. Kung alam lang nito ang BMW collections niya sa Amerika; baka ito ang mas malula sa sarili niyang sasakyang galing sa pagod niya. "Nice. Mukhang marami ka na yatang babaeng naisakay dito, Mr. Montaño," hindi niya napigilan ang sariling sabihin ito rito. Tumawa si Franco. Tawa ng nagpaalala sa kaniya kay Rio. Umiwas ng tingin si Luna, hindi mawari kung bakit kaunting kibot ng lalaking to sa tabi niya dinidikit niya si Rio. Lihim siyang napalunok para pigilan ang emosyon ng damdamin niya. "Ikaw lang.. Believe me or not. They are not special like you, Lun—" Napahawak si Luna sa ibaba ng puson niya sa akmang pagsusuka sa narinig niyang mga salita sa lalaking ito. 'Hindi mo 'ko maloloko! Wala ng Montaño ang pwedi lumuko sa akin!' sigaw ng utak niya. "Coffee muna?" tanong nito. "Sure—" Mabango, malinis at maaliwalas ang loob ng sasakyan nito halatang alagang-alaga— iyon siguro ang pinagkaiba nila ni Rio tanda niya na siya ang madalas maglinis at magtapon ng mga basura sa sasakyan nito. Maraming nakakalat na mga notes, pinagbalatan ng pagkain nito; mahilig kumain ng kung ano-ano sa sasakyan si Rio. Kapag may mga pagkakataong nakakatakas sila ni Rio kung saan-saan sila nagagawi ang paborito nila ay sa Isla Paraiso malayo ito mula sa Leviste boundary na ito ng Leviste at Buenavista dalawang oras mula sa bayan nila. Binaling ni Luna ang tingin nya sa kaliwang bahagi niya. Nandito siya para kay Franco hindi para sa ala-ala nila ni Rio. Tawag sa cellphone ni Franco ang muling nagpabalik sa kasalukuyan niya nang bumalik siya sa nakaraan. "Yes, Cielo! How are you? How's Aira?" Narinig ni Luna na bungad ni Franco sa kabilang linya. "Good! Good! Intindihin mo na lang si Rio. You know his tantrums. Send regard to everyone there. Ingat." Napalunok ng ilang ulit si Luna nang marinig ang pangalan ni Rio sa kabilang linya.. Aira? Cielo? Mga pangalang bago sa pandinig niya. Tumingin sa gawi niya si Franco nang binaba nito ang tawag. May kung ano siyang hinihintay na sasabihin nito sa kaniya tungkol sa naging kausap sa kabilang linya. 'Rio? Rio's tantrums!' echo sa punong tenga niya. 'Topakin pa rin ba siya?' may kung ano'ng lungkot na naramdaman si Luna sa dulo ng utak niya. Isa pang tingin ang binigay ni Luna sa katabi umaasang magbubukas ng usapin si Franco; iyon nga lang bigo siya. Wala siyang narinig mula rito. Inis niyang pinukol ang tingin sa harapan ng sasakyan nito. 'Pangalan pa lang ni Rio ang narinig mo, Luna.. 60 degrees na naman ang pag-ikot ng mundo mo!' galit niyang kausap sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD