Chapter 4: Tactics
Raven
After nung announcement na naganap, ewan ko pero na-weird-an ako bigla sa mga kasama ko. They all become more sociable.
"Hello my name is Stacy, ikaw?" Pagtatanong sa akin ng isang babae. Mukhang may lahing german ito dahil sa maputi nitong kulay na balat at natural na brown na buhok.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Raven," Sagot ko sa kanya at kinamayan ko na lamang siya.
Siguro naging mas sociable sila dahil na-excite lang silang makakilala ng mga bagong tao. Almost 15 days din naman kami magkakasama.
Umupo ako sa isang upuan at pinagmasdan ang lahat. Napadako ang tingin ko kay Crystal at masaya na siyang nakikipagkwentuhan sa ibang babaeng players. Noon pa man ay magaling na talaga makisama sa ibang tao si Crystal. It's one of the traits na gusto sa kanya ng maraming tao.
"Bakit hindi ka makipag-usap sa iba? Raven ang pangalan mo right?" Pagtatanong sa akin ng isang lalaki. Inisip ko ang kanyang pangalan dahil kakapakilala lang nito kanina.
“Phil, right?” Simpleng tango ang nagging tugon niya sa akin. “Medyo naninibago lang siguro ako.”
“Kung ako sa’yo, bibilisan ko ang pag-a-adjust dahil karamihan ditto ay gumagawa ng tactics para makatagal sa laro,”
"Tactics? Eh parang introduce yourself nga lang ang nangyayari sa ngayon eh" Nakangisi kong sabi sa kanya. Well it’s base on my observation.
“Kung titingnan mo siya ay parang simpleng introduce yourself lamang ang nagaganap pero may hidden agenda ang mga ‘yan,” Tumingin siya sa akin at nakita niyang naguguluhan ako. “Alliance. May nabubuong alliance,”
"Alam mo kasi kapag dumating ang trial phase at bigla kang nadiin na ikaw ang killer, sa tingin mo sino ang magtatanggol sa'yo?"Dugtong niyang tanong.
"Mga magiging kaibigan ko?" Unti-unti nang lumilinaw ang lahat.
“Kung nasa normal tayong sitwasyon ay tatawagin mo itong friendship but we’re on a survival game. Kailangan mo ng alliance para makatagal sa lugar na ito. Gagamitin mo sila at gagamitin ka nila,” Ang tagal bago ko naintindihan ang lahat. Hindi ito isang simpleng pagpapakilala lang, they are forming an alliance.
"'Wag kang masyadong maniwala sa kung ano ang mga nakikita ng mata mo. Lawakan mo ang isip mo" Sabi ni Phil at tinapik ang aking likod bago siya naglakad palayo. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya sa ginawa niyang pagpapaunawa sa akin.
It really help me, tumayo ako at naglakad patungo sa direksyon ni Caleb. "Caleb!" Inangkla ko ang aking kamay sa kanyang balikat na ikinagulat niya. That's right Raven... Sumunod ka lang sa agos.
"Raven! Kilala mo na rin naman sila 'diba?" Pagtatanong sa akin ni Caleb habang itinuturo ang tatlong lalaking kanyang kausap.
"Ikaw si Mario, right?" Pagturo ko sa isang lalaki na medyo maliit at mayroong baby face. Tumango naman siya bilang sagot.
Sunod kong itinuro ang lalaking naka-mushroom ang buhok. "Owen tama?" Nakipag-apir pa ito sa akin bilang pagkumpirma.
Huli kong tinignan ang lalaking matangkad na may morenong kulay. "Ikaw si... ikaw si Bryan 'diba?"
Hindi naman akong nahirapan pakisamahan sila dahil para kaming nagsasagot ng slumbook sa isa't-isa. Kailangan ko rin patibayin ang bond namin upang mas masigurado ko ang pagtagal ko sa lugar na ito.
I don’t know kung totoo ang game na sinasabi ni Amanda pero isa lang ang alam ko sa sarili ko. Ayoko yung natatalo ako.
"Guys pwede ba tayong magkaroon ng short meeting sa loob ng restaurant!" Biglang may lalaking sumigaw na nakatayo s isang bench. If I'm not mistaken he is Tomy.
Napunta ang atensyon naming lahat sa kanya. "Sunod na lang po kayo sa akin sa restaurant."
***
Umupo kami sa loob ng isang restaurant sa loob ng restaurant. Well ang refreshing ng atmosphere at eto yata ng unang beses na nakatapak ako sa pangmayamang restaurant.
Umupo kami sa iba't-ibang table. Dahil nga 26 kami ay hindi kami kasya. Pero sapat na ang ganitong lugar upang makilala ko sa mukha ang aking mga kasama. "Tabi tayo." Ngumiti sa akin si Crystal at kinuha ang katabi kong bangko at umupo.
“Siguro, guys, kailangan nating magpakilala sa isa’t-isa. Sisimulan ko then susunod yung nasa kaliwa papuntang kanan,” Sabi ni Tomy which is a good idea, he has a good leadership skill. “I am Tomy Lawrence.”
"Guys maybe dapat magpakilala muna tayo sa isa't-isa. Sisimulan ko then susunod yung nasa kaliwa papuntang kanan" Sabi ni Tomy which is a good idea and he has a good skill of leadership. "I'm Tomy Lawrence,"
Isa-isa nga kaming nagpakilala and this time ay medyo tanda ko na ang pangalan ng lahat at mukha. Muling nabaling ang atensyon naming kay Tomy. “Guys, pwede bang for the next three days ay magsuot tayo ng name tag? Para mas matandaan natin ang isa’t-isa.”
“Can I request something?” Nick raised his hand. “Pwede ba na iligtas na lang natin ang taong maaakusahan sa judgment phase para mapabagal ang pagpatay.”
“Hindi pwede ang gusto mo dahil iyon lang ang chance natin na mapatay ang killer,” Sagot ni Phil na sinang-ayunan ng karamihan.
"e’di 'wag na lang pumatay ang killer par--" Pinutol ni April ang mga sinasabi ni Shane.
"Hindi pwede dahil required sa mga killer na pumatay every night," Pagsasabi niya.
Pakiramdam ko ay napag-iiwanan ako dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa mga sinasabi nila. They are ready in this game, I am not.
Natapos ang diskusyon at mas pinili ko na ang bumalik sa aking kwarto ke'sa mag-ikot sa buong parke. I should prepare myself mentally na nasa ganito na akong sitwasyon. Kailangan kong kumbinsihin ang utak ko tungkol dito.
Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at bumungad sa akin ang isang envelope na nakapatong sa aking kama. f**k, not again.
Binuksan ko ang envelope at tumambad sa akin ang mukha ni Owen... He's the Detective. Siya ang taong magiging katulong ko sa pagtatanggol sa mga inosente.
Ngayong nalaman ko na si Owen ang Detective. Pakiramdam ko ay may isang mabigat ng pressure para sa aming dalawa. We are the one who will find the Killer's identity.