Chapter 5: Night 1
Third person
Malapit ng mag-alas otso ng gabi kaya naman napilitan na ang lahat na lumabas sa kani-kanilang mga kwarto. "Ang misyon lang naman na'tin ngayon ay makasurvive ngayong gabi right?" Sabi ni Owen at tumingin siya kay Raven na para bang ipinapaalam niya sa larong iyon, Sila ang magkakampi. Lahat ay maaaring kalaban nila ngunit silang dalawa lang ang magtutulungan hanggang huli.
"Oo kailangan lang naman ay maging maingat tayo sa mga gagawin nating kilos. Siyempre pagbutihan ang pagtatago, tatlong oras lang naman gagawin ang laro at diskarte na natin kung paano tayo mabubuhay," Sabi naman ni Bryan.
Nakaupo silang lahat sa may lobby ng hotel habang hinihintay ang hudyat ng killer. Tumunog ng malakas ang bell na umalingawngaw sa buong park kaya nabaling ang kanilang mga mata sa speaker.
"The Game will start in 5 minutes, The doctor and the nurse decided to save June for this night... Once again the doctor and the nurse decided to save June this night"
Nabaling ang lahat ng atensyon namin kay June at binigyan siya ng malisyosong tingin. "Wala akong alam d'yan! Kahit ako man ay nagulat na ligtas ako ngayong gabi." Pero sa loob-loob ni June ay nakaramdam siya ng ginhawa dahil alam niyang sa gabing iyon... Walang mangyayaring masama sa kanya.
Tumayo na isa-isa ang bawat players. "Paano kaya nakapag-decide ang doctor at nurse kung lahat naman tayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Stacy.
"Maaaring kanina pa nila sinabi kung sino ang ililigtas nila, Mas pinipilit lang itago ng doctor at nurse ang kanilang mga identity dahil sila ay isa sa may kakayahan na magligtas ng mga innocents, malaki ang papel na ginagampanan nila kaya't hanggang maaari ay inilalayo nila ang kanilang sarili sa radar ng killer." Pagpapaliwanag sa kanya ni Tomy
Sa oras na iyon ay naglaro sa utak ni Stacy na baka maaaring si Tomy ay isa sa mga doctors dahil sa galing ng paliwanag nitong ibinigay. "Ahh! Siguro nga." Mahina niya na lang sabi.
"GAME START!"
Naghiwa-hiwalay na silang lahat dahil sa tatlong oras ay dapat nilang mabuhay ng mag-isa. Iyon kasi ang nakalagay sa rules, bawal silang magkumpulan ng sama-sama.
Bago lagpasan ni Owen si Raven ay may mahina itong ibinulong "Bookstore." Batid na ni Raven ang sinabi sa kanya ni Owen. Ibig sabihin lamang nito na magkita sila sa bookstore.
Noong lumabas si Raven sa pintuan ng hotel, alam niyang iyon na ang hakbang upang ipaglaban ang kanyang buhay. Mas passionate siyang mabuhay sa laro dahil sa kanilang lahat alam niyang siya ang nangangailangan ng pera. He will admit na isa siya sa mga nasilaw dito... Pero ang role niya naman ay pigilan ang mga killers. Kumpara sa killers mas malaki ang chance na manalo sila dahil marami sila pero ang disadvantage nila ay kaya silang ubusin ng killers ngunit hindi niya alam ang identity nito.
Hindi naman siya agad dumiretso sa bookstore dahil kahit papaano ay sanay siyang mag-ingat, hindi niya rin namang gusto na isa siya sa maging mainit sa mga mata ng killers.
“Saan ka pupunta, Ian?" Pagtatanong ni Raven kay Ian ng makita niya itong tumatakbo kasabay niya.
"Ba't ko naman sasabihin sa'yo?" Nawala sa isipan ni Raven na sa mga oras na iyon ay lahat sila ay magkakalaban pansamantala at kailangan niya munang isantabi ang kanilang pagkakaibigan.
Fifteen minutes na ang lumipas at wala na siyang makitang ibang players sa paligid. Maliliit na hakbang ang ginawa ni Raven at pilit iniiwasan na gumawa ng kahit anong ingay habang nasa loob siya ng isang Horror booth. Hindi naman madaling matakot si Raven sa mga ganoong klaseng booth at sa tingin niya nga na ito ang isa sa pinakaligtas na pagtaguan dahil sa madilim sa buong lugar.
Habang nag-iikot siya ay bigla siyang nakaramdam ng mabigat na kamay na humawak sa kanyang balikat. Mabilis na lumingon si Raven at naglakad paatras dahil nga madilim sa loob ng booth ay nahirapan siyang maaninag ang mukha nito, ilang segundo ang lumipas bago niya ito makilala-- Si Owen.
"Sabi ko na nga ba wala kang balak na siputin ako sa Bookstore," Mahinang sabi sa kanya ni Owen. "Napakagaling mo naman pala, Police ka pa naman pero sarili mo lang ang iniintindi mo."
"Humahanap lang ako ng tiyempo kung kelan ako makakapunta sa bookstore. Kanina kasi ay halos kasabay ko si Ian, medyo nahirapan akong lumayo." Pagpapaliwanag nito sa kanya.
"Si Ian? Kung ganoon ay dapat na'ting bantayan si Ian kung gano'n," Sabi ni Owen sa kanya.
"Hindi naman, 'wag kang mag-jump in conclusion. Coincidence lang ang nangyari kanina." Sabi ni Raven sa kanya.
"Tanga ka ba? Anong 'wag mag-jump in conclusion eh iyon nga ang role na'tin dito... Lahat ng kahina-hinala, dapat na'ting bantayan." Pansin ni Raven ang magaling na pag-arte ni Owen, sa tingin niya ay kanina lamang ay parang masayahing Owen ang kanyang nakita na nakikipagbiruan pa sa kanilang mga kasamahan. Ngayon ay napakaseryoso nito.
"Maghiwalay na rin tayo agad, sasabihin ko lang ang napansin ko. Pansin ko baka si June ang doctor o kaya naman ang nurse... O kaya naman isa sa malalapit na kaibigan ni June ang Doctor." Sabi ni Owen.
"Bakit naman?"
"Ikaw ba, sa unang araw mo rito, ililigtas mo ba agad ang ibang tao? Hindi 'diba? Pero bantayan mo lang muna. Si Ian at si June muna ang pagtutuunan na'ting pansin dalawa." Sabi ni Owen at naglakad na palayo sa kanya.
‘Kung si June ang doctor, isa siya sa mga taong dapat nilang protektahan.’ Iyan ang tumakbo sa utak ni Raven nung mga oras na iyon.
***
Tahimik na naglalakad si Evan sa buong paligid ng park ngunit naging maingat siya sa kanyang mga ginagawang hakbang. Dadaanan niya na dapat ang Ferris Wheel ng may tao siyang makita sa tapat nito. "Evan sa likod mo!" Malakas na sigaw nung tao, napalingon si Evan sa kanyang likod at mayroon ngang isang player na papalapit sa kanya. May hawak na kutsilyo.
Tumakbo si Evan tungo sa Ferris Wheel. "Dito Evan!" Sumakay si Evan sa isang puwesto sa Ferris Wheel.
"Salamat sa'yo. Iniligtas mo ang buhay ko," Nakangiting sabi ni Evan habang umaandar ang Ferris Wheel.
"Walang ano man," Nagulat si Evan ng biglang maglabas ng isang pocket knife ang taong kasama niya ngayon. "Kung hindi ka mapapatay ng Mafia, e’di ang Serial killer ang papatay sa'yo." Sabi nito at madiing sinaksak sa tiyan si Evan.
Pilit na inaagaw ni Evan ang pocket knife ngunit ginamit parang nanghihina din siya dahil sa pagkakabaon sa kanya ng kutsilyo. "Tang ina pinagkaisahan niyo ko,"
"Hindi ka namin pinagkaisahan Evan, kasalanan ba namin na nagtulungan kami upang mapatay ka? Para kang usa na nahulog sa patibong ng mga mangangaso.” Hinawakan nito ang ulo ni Evan at inumpog-umpog sa bakal na gilid ng cart nilang sinasakyan sa Ferris Wheel.
Madiin niyang hinawakan ang bibig ni Evan upang hindi ito makagawa ng ingay. "We will remove the weaklings first para malaman namin ang identity ng Doctors at Detectives." Nawalan ng malay si Evan dahil sa matinding paghampas sa kanya sa bakal. Umagos ang dugo mula sa kanyang ulo.
Pagkadating nila sa pinakatuktok ng Ferris Wheel. "Paalam na Evan, ikumusta mo na lang ako kay Lord at ikuwento mo kung gaano ako kasamang nilalang."
Sinipa niya pababa si Evan. Pinagmasdan niya ang pagkakalaglag ng bangkay nito. Pagkabagsak nito ay may lalo pang kumalat ang dugo nito sa sahig at lumabas rin ang ilang lamang loob nito sa lakas ng impact.
"Oh magpalit ka na ng damit, malapit ng matapos ang killing time." Abot sa kanya ng Assasin ng damit.
"Salamat!" Nakangiti niyang sabi habang pinupunasan ng basang bimpo ang kanyang kamay na may bahid ng mga dugo.
"By the way Serial killer, you did a very good job. Walang nakahalata sa ginawa mo."
***
Raven
Ilang minuto na lang ay matatapos na ang laro at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli kong nakasalubong si Ian. Tatawagin ko dapat ito ngunit nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy sa paglalakad.
Tumunog ng malakas ang bell.
"Player it's a game over for Evan Wilkins! Once again it's a game over for Evan Wilkins! His game identity... Innocent.”
Bago ako pumunta sa crime scene ay nagpalit muna ako ng damit pagkatapos kong magpalit ay agad akong tumakbo patungo sa harap ng Ferris Wheel at karamihan sa mga players ay nagkukumpulan na.
Tang ina! Akala ko ba ay laro lang ito? Bakit totoong bangkay ang nakikita ko? "Raven!" Tumakbo patungo sa aking direksyon si Crystal ay umiyak. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay. Hindi rin naman kami makapaniwala na ganito ang mangyayari.
"Tahan na Crystal magiging okay din ang lahat."
"Gusto ko nang umuwi!" Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap kay Crystal dahil mas kailangan niya ito. Sa oras na ito, nagsisimula ko ng seryosohin ang laro. Poprotektahan ko lahat ng innocents hanggang sa aking makakaya.
Muling tumunog ang bell.
"Pinili ng Silencer na patahimikin si Mario bukas sa trial. Once again Mario Reese hindi ka puwedeng magsalita sa buong oras sa paghuhukom!"