"Y-yes, Mom.." Sabay ang pagtango habang nasa harap ako ng salamin, nag to-tooth brush. Nag vi-video call kasi kami ni Mommy.
As usual, ang dami niyang bilin.
Nasa Canada siya kasama ni Ate. Isang private nurse ang kapatid ko doon tapos si Mommy sa isang company nag wo-work, sa marketing department.
Hindi ko alam exactly kung anong position niya. Mahalaga lang naman sa'ken ay masaya silang parehas.
Mag-isa ko lang talaga dito sa Pinas at susunod na din kapag may green card na sila at naasikaso na ang pagkuha sa akin.
Sabi ko naman, tatapusin ko na lang muna ang pag-aaral ko saka kami magsa sama-sama.
"Ang sabi ng ate mo, hiwalay na raw kayo ni Drei."
Pinunasan ko ang labi at mukha ko matapos kong mag toothbrush at hilamos bago humarap kay Mommy.
"Ang daldal talaga ni ate, kahit kailan," nakasimangot akong lumabi.
Narinig ko ang pagtawa ni ate sa background. Ganitong oras ko sila nakakausap, 9 p.m. kasi 6 a.m. naman doon at yun ang free time nila.
Miss ko na talaga sila. Even though we have different dads, it didn't make us less of a sister. We're super close.
Lahat sinasabi ko kay ate maliban lang ata ang tungkol kay Creepy Girl. Masesermunan kasi talaga ako nun.
Ngayon lang kasi may na involve na ibang tao sa naging yearly challenge namin ng mga kaibigan ko.
Kung si Xander na halos kasabay ko ng lumaki, si Rafa at Kera naman since junior high. Pare parehas kaming sa Samson University nag aral.
"Hanap ka na ng kapalit!" Sigaw ni ate na ikinasimangot naman ni Mommy. Nakita kong may ibinato siya sa ate ko tapos tawa na'to ng tawa.
"Ate! Bat ka ba nagtatago kasi? Pakita naman sa camera oh! Miss na kita!" Saka pa lang siya sumulpot. Pawisan ito at sa suot halatang nag wowork out ito.
"Ipahinga mo na muna yang puso mo Ice.." Paalala ni Mommy. Nag flying kiss naman si Ate bago bumalik sa ginagawa niya.
Habang si mama kumakaen naman ng almond. May gatas pang iniinom.
"I miss you, guys sobra. I love you both.." With lots of flying kiss bago natapos ang usapan naming mag-iina.
10 p.m. na din kasi at kailangan ko ng matulog. Hindi pa ako nakakabawi sa puyat ko nung isang gabi.
Tulog is life pa man din ako. Parang lantang gulay talaga ako kapag hindi umaabot ng 7 hours ang tulog ko.
Sobrang napaka useless ko kapag puyat.
Isang malalim na paghinga ang kumawala sa'ken ng komportable na akong makahiga ng kama.
Bumalik sa ala-ala ko ang kaninang naging tagpo sa pagitan namin ni Creepy Girl. Wala siyang sinabi after namin magyakapan maliban sa sorry tapos umalis na din siya agad.
Ano nga kayang eksaktong dinadala niya. At sino ba yung namatay na tinutukoy ni Alexa base sa mga narinig ng halos lahat ng mga chismosa, chismoso sa cafeteria kanina.
SA DAMI ng puyat ko muntik na akong hindi magising sa lakas ng alarm ko. Nagmamadali na akong naligo at hindi na din nakapag breakfast.
Timing pa talaga ang traffic jam. Panay na ang pag busina ko at ang kapwa ko mga traveler nag iinit na din ang ulo.
May sumisigaw na nga. Wala na daw talagang pag-asa ang Pinas.
Yung isa naman nagmumura na, mawawalan na daw siya ng trabaho.
Wala akong nagawa kundi ang paulit ulit na bumuga ng hangin. Twenty minutes na lang at late na ko. First time in history na-late ang isang Ice Queen kung nagkataon.
Kahit nung kasagsagang broken-hearted ako never nangyari ang ganito.
Mapuyat at ma-late.
Pagkahinto pa lang ng kotse ko sa parking lot ng university, paspasan na agad ang kilos ko.
Kahit sa lolo ko itong university, hindi ko pinanghawakan yun ni minsan para sa sariling interest.
Habol hangin akong nakarating ng elevator. Mabuti na lang talaga dahil sa 4th floor pa ang punta ko.
Shit!
Pagbukas na pagbukas pa lang nagmamadali na akong lumabas. Patakbong hinanap ang room number ng unang klase ko.
Wala na akong paki kung tumutulo na ang pawis ko.
"401.. 402.." Sa 405 kasi ako. Sumilip pa ako sa oras.
"Gotcha!" Pasigaw at hinihingal akong umupo sa unang bakanteng upuan na nakita ko. Eksakto 1 minute before my class.
Nakahinga ako ng maluwag.
"What happened?!" Si Xander.
"Hingal na hingal ka girl!" Si Rafa naman. "Oo nga.." Pahabol ni Kera pero nasa phone nanaman ang mata.
"May meeting pa sila.." Dugtong pa nito.
Mentally, I cussed. Halos lumipad na ako sa pagmamadali tapos may meeting pala ang mga prof.
Animal!
What the hell!? Sa sobrang frustration naibagsak ko na lang ang mga kamay ko sa desk at dumukdok roon ang mukha ko.
Gosh! What a disaster.. Second-day pa lang.
"Ayan ba ang nagiging epekto sayo ni Val?!" Kinilabutan pa ako sa ibinulong na yun ni Kera.
Muntik kong mabigwasan ang mukha niya kung di siya agad nakalayo.
Lakas talaga ng sapak. Anong kinalaman ni Creepy Girl sa hindi ko pagka gising sa alarm ko.
"Speaking of the devil.." Napaangat ako ng mukha sa sinabi ni Rafa. Sa iisang direksyun lang sila nakatingin kaya sumunod din ako.
Si Creepy Girl agad ang nakita ko, nasa labas sa tapat ng pintuan ng room namin.
Akay-Akay siya ni Alexa.
What happened to her? Mukha siyang bangag. Muntik pa ngang matumba. Lasing ba siya?
Kung walang meeting ang lahat ng Prof for sure late na siya.
Sa nakikita ko mukhang nagtatalo pa ang dalawa. Ang tyaga ni Alexa sa kanya, ibig sabihin hindi lang sila basta basta sa isa't-isa.
There's something more going on between them. Cross out na roon ang romantic way kasi naalala ko ang sinabi ni Creepy Girl na straight siya.
"Baka matunaw, Ice.." Bumalin ako kay Kera at sinamaan siya ng tingin. Pagbalik ko sa gawi nung dalawa, wala na sila.
Dumating ang Prof namin pero 30 minutes na lang matatapos na ang oras namin sa kanya kaya nagbigay na lang ito ng assignment.
30 minutes pa before 9 a.m. tapos 1 p.m. pa ang sunod na subject kaya ang haba pa ng oras.
Naisip naming magkakaibigan na magpalipas sa complex building.
"Sakto ngayon ata yung try out sa swimming. Tara nood na lang tayo," putol ni Rafa sa katahimikan.
Wala kasing nagsasalita kanina pa habang naglalakad kami papunta ng complex building.
Kung si Kera matik ng nasa cellphone, nakakapanibago naman ang pananahimik ni Xander.
Kami lang ata ni Rafa ang nag-uusap kanina. Natanong niya kasi kung anong nangyari nung sinundan ko si Creepy Girl kahapon.
Kinuwento ko lahat at tila hindi interesado si Xander o baka wala lang din siyang ma-say.
"Amin na! Baka nabibigatan ka na kaya ang tahimik mo!" Pabirong sigaw ko kay Xander saka kinuha ang backpack ko na nasa balikat niya.
Payak na ngiti lang ang sinukli niya. Napansin kong hindi talaga siya okay. "Are you sick?" Napasapo ako sa noo niya. "Hindi ka naman mainit."
"I'm fine, Ice. Masyado kang nag ooverthink diyan." Ngumiti na din to. This time, masasabi kong totoo na.
Napayakap ako sa braso niyang tila naglalambing. Ganito na talaga kami kakomportable sa isa't isa, walang malisya kahit pa nga siguro mag smack kami sa lips ay wala lang sa'ken.
"Ganyan! Si Xander lang ang may hug?! Pano naman ako?!" Kunwaring pagtatampo naman ni Rafa.
Inilahad ko ang isang kamay, pahiwatig ng pagyakap habang ang isa ay naka kapit pa din sa kaliwang braso ni Xander.
Sinalubong ni Rafa ang kamay kong nakalahad at napayakap roon. Nasa gitna na nila akong dalawa habang naglalakad.
"Hoy! Kerara! Make haste!" Sigaw ko ng balingan siya sa aming likuran. Busy nanaman sa cheater niyang boyfriend.
Pagtango lang ang naging sagot nito dahil may kausap.
Nang makarating kami ng stadium ng swimming pool area, napili naming umupo sa gitnang bench kung saan kitang kita ang mga sasabak sa try out.
Naririnig ko ang pito ng mga kalalakihan sa kabilang banda. Exclusive for girls ata kasi ung try-out.
Mga animal talaga, nagpunta lang dito para mabusog ang mga mata nila sa nagseseksihang katawan ng mga babaeng swimmer.
Maharot!
Heto nanaman ang masakit na paniniko ni Rafa. Nag scroll pa man din ako ng F@cebook ko. Nagiging habit na ata niya, kaloka.
"Ice.. Look.."
"Ano ba?!" Sa kabila ng pagrereklamo ko tumingin pa din ako sa nginunguso niya. "That's Four eyes!"
Damn! Wala sa sariling napalunok ako sa nakita. Is that her? Bat ang sexy nya??
Gaya kanina nasa malapit lang uli si Alexa. Mag anu ba talaga sila? Ewan ko pero na-iintriga ako.