9

1175 Words
Five minutes bago ang sunod naming klase nasa room na kami ng mga kaibigan ko. Nasa isip ko pa din si Creepy Girl. Namangha ako sa galing at bilis niyang mag swimming. Hindi rin maikakailang maganda talaga ang hubog ng pangangatawan niya kahit hindi ganun kalapit ang pwesto namin kanina. Inaasar na nga ako ni Kera. Ako daw talaga ang ma-iinlove. Posible pero hindi pa din talaga ei. Malabo. As in malabo kasi sa ugali pa lang nito. Hindi na swak. After ng huling subject namin kanya-kanya na kami pagdating ng parking lot—Nasa loob na ko ngayon ng kotse ko pauwi ng bahay habang nakikinig ng music. "Oh s**t!" Naibulilas ko sa biglaang pagbuhos ng ulan. Halos hindi na makita ang daan at nagdilim din ang kalangitan. Honestly, I hate rain. I felt alone and lonely and gloomy when it was raining. Habang binabagtas ang daan napansin ko ang nakahintong pulang kotse. Napatingin lang naman ako ron, no reason in particular until maningkit ang mga mata ko sa paglabas ng babae. Siya nanaman? That Creepy Girl was now kicking the car's wheel. Mukhang naplatan siya. Good thing mabagal ang usad ng sasakyan at nakita ko siya. Umatras ako hanggang magpantay muli sa nakahinto niyang kotse. Binaba ko ang bintana ng kotse ko saka bumusina. "Get in the car!!" Malakas kong sigaw. Nakita naman niya ako pero as usual, DEADMA nanaman si Creepy Girl. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at walang pagdadalawang isip na lumabas ako ng kotse. Sa kawalan ng payong at bugso ng ulan, mabilis akong nabasa. Kapit na kapit sa katawan ko ang suot kong blouse. Puti pa naman ito kaya for sure kita ang itim kong bra. "Get in the car! Let the towing company deal with it.." Paliwanag ko pero parang umandar nanaman ang pagka bingi niya. Nagmukha nanaman akong invisible dahil parang wala lang sa kanya ang presensya ko kahit basang basa na ako sa ulan. "Please.. Avry.. Let me drive you home," pagpupumilit ko pero di pa din ako nito sinusulyapan hanggang bumahing at ubo na ako. That's another reason kaya ayoko sa ulan. Mabilis akong magkasakit. Blessing in disguise dahil finally nakuha ko din ang attention niya. May kunsensya din pala kahit pano. "Fine. Let's go," kasunod ang pag akay niya sa'ken. Ang kinagulat ko dumiretso pasok na siya sa passenger, ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto sa driver's seat. I know she doesn't have to pero kahit konting pagka gentlewoman wala? Bagsak ang balikat kong pumasok na lang din—Bago ko pinaandar ang kotse hinanap ko muna ang isa pang backpack ko. Girlscout ata to. Lagi akong may dalang towel at extra shirt just in case for emergency use pero walang payong eh noh... "Here.." Inilahad ko sa kanya ang isang towel na hindi kalakihan at ang extra t-shirt. "..wear this.." Hindi nya yun kinuha. "No. You need it more than me.." Aangal sana ako kaya lang muli nanaman akong bumahing at ubo. Fuck! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magkakasakit ako nito agad agad. Hindi ko na tinuloy ibigay sa kanya ang kaninang inaabot at ako na ang gumamit nun. Hinubad ko ang suot ko. Napangisi ako ng mapansin ko ang pag iwas niya ng tingin na parang napaso. Sunod ko ng sinuot ang tuyong t-shirt matapos punasan ang sarili ko. Binigay ko na lang sa kanya ang box ng tissue saka pinaandar ang kotse. Habang nagmamaneho panay pa din ang bahing at ubo ko. Sunod kong pinatay ang aircon dahil nagsimula na akong manginig. This isn't a good sign already. "What is your address?" Tanong kong hindi nakatingin sa kanya. Inulit ko pa kasi hindi siya agad nagsalita. Bingi lang? Ang lakas na ng boses ko. "Are you sure about this? My place was a bit far sa way mo," Medyo concerned niyang tanong. May emosyon din naman pala akala ko robot siya na nagkatawang lupa. "I'm sure. Unless you wanna stay-" Nabahing nanaman ako. "You don't look good. Better to your place then." NANG makapasok kami ng unit ko, diretso agad ako ng kwarto para kuhanan siya ng pamalit dahil nababad na din ang katawan niya sa tubig ulan. "Here.. Bago yang mga undergarments, don't worry," paglalahad ko sa kanya. Mabuti na lang at wala na siyang naging kontra dahil masama na ang timpla ko. Wala na akong panahon para makipag sabayan pa kung sakali man makipag debatihan nanaman siya. "Go head first," turo ko sa kwarto ko. Andun kasi ang banyo. Tanda naman niya siguro dahil hindi naman ito ang unang tapak niya sa unit ko. Sumunod naman ito na pinagpa salamat ko. Napili kong maupo na lang muna sa may stool sa small dining area ko habang inaantay siya. Kung sa couch kasi malamang mababasa yun, tapos babaho. Eww! Hindi pa din matapos tapos ang bahing ko at ramdam kong sinisipon na din ako. Sa paglabas ni Creepy Girl nakuha niya ang attention ko. Ang sexy at ang puti ng mahaba niyang legs. Parang naka autopilot ang mga mata kong pinasadahan siya mula ulo hanggang paa. Suot nito ang short shorts at spaghetti blouse ko. Magkasing katawan lang pala kami at sakto lang sa kanya ang damit ko. Bago pa man niya mapansin ay nag iwas na ako ng tingin. "What are you waiting for?" Kumunot akong bumalin uli sa kanya. Tumaas ang kilay nito. Saka ko lang narealize kung anong gusto niyang ipahiwatig. Pwede naman kasing magsalita. Tumayo na ako para magpunta ng banyo at habang naglalakad panay pa din ang bahing ko. Matapos kong makaligo at bihis tumingin na muna ako sa salamin. Mapanglaw na ang mga mata ko. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Napayuko ako saglit na tila kinukondisyun ang sarili at katawan. May isang tao kasi sa sala na kailangan kong asikasuhin. Naisip kong uminom ng gamot bago pa man lumala kaya pagbalik ko ng labas agad akong nagtungo sa kitchen area. Nasa may kitchen drawer sa dulong kanan nakalagay ang mga gamot para sa iba't ibang sakit sa katawan. "What are you doing?" Bigla na lang itong sumulpot sa tabi ko at hawak na ngayon ang kamay kong akmang isusubo na sana ang nakuha kong capsule. Naibaba ko tuloy ang kamay ko. "Can't you see? I'm gonna take meds," walang buhay kong sagot. Akmang isusubo ko na sana ulit pero pinigilan nanaman niya ako. Nagtama ulit ang mga mata namin at this time medyo nagtagal yun. "What?" Ako na ang pumutol sa titigan portion naming dalawa. "Is it even allowed with an empty stomach?" Ayun naman pala. Saglit akong natigil. Tama siya at hindi pa nga ako kumakaen. Napakurap kurap ako at naging balisa. Sa timpla kasi ng katawan ko gugustuhin ko na lang mahiga kaysa ang magluto. "Let me just order a food." "You can't cook?" Natigil ang dapat kong pagkuha sa phone ko sa sinabi niya. Napapikit na lang ako at pilit hinahabaan ang pasensya. "You sit. I will cook," hindi na'ko kumontra pa at ginawa ang utos niya. May puso din pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD