CHAPTER 1
I'm just wondering why some people were mesmerized by someone's beauty. But they didn't know that having this beautiful face like an angel was a curse for me. "Nami, anak bumaba ka na rito! Mahuhuli ka na sa trabaho mo!" sigaw ni Mama Naomi sa 'kin na nagpabalikwas sa 'kin sa higaan.
Lingid sa kaalaman ni mama na tuwing umaga ganito ang ginagawa ko. Nag-iisip ng mga bagay-bagay tungkol sa nangyayari sa buhay ko habang nakahiga sa kama ko.
Parang lagi kasing may kulang sa parte ng buhay ko. Hindi ko alam kung sino ano. Pero alam kong may kulang sa 'kin.
"Opo ma!" tipid na sigaw ko sa kanya. Mabait at masipag sina mama't papa wala akong masabi dahil lahat ng gusto ko sa isang magulang ay nasa kanila na.
Tumayo na agad ako upang maghanda na sa pagpasok sa trabaho. Pinagkasya ko ang tatlumpong minuto sa pagligo, pagbihis at paghahanda ng mga dadalhin ko bago pumunta sa baba para kumain.
May sarili naman akong sasakyan na ginagamit tuwing pumapasok ako sa trabaho kaya hawak ko ang oras sa pagpasok. Alas-siyete pa naman ang pasok ko sa trabaho kaya hindi ako mahuhuli dahil alas-sais pa lang naman ng umaga.
"Nami, bilisan mo na baka ma-traffic ka pa sa daan alam mo naman dito sa Pilipinas laging may traffic. Mabuti nga may sasakyan ka kaya hindi ka hirap sa pagpasok," paalala ni mama sa'kin habang nakatingin sa 'kin.
"Opo ma, sila Kuya Sanji ba umalis na?" tanong ko kay habang kumakain.
"Oo anak, sumabay na si Ate Robin mo sa pagpasok sa trabaho. Alam mo naman, kuripot ang ate mo at ayaw bumili ng sasakyan niya kaya laging nakasabay sa kuya mo," nangingiting sabi ni mama sa 'kin.
"May bago pa ba kay ate? Sige ma, tapos na po akong kumain doon na ako sa office magto-toothbrush. Naalala ko may gagawin pa pala ako," sagot ko sabay tayo sa kinauupuan ko at humalik sa pisngi niya bago umalis
Nakaalis na ako sa bahay para pumasok sa kompanyang pinagtatrabahuan ko sa Makati bilang isang sekretarya.
Mga dalawampung minuto na pagmamaneho rin ang gagawin ko mula sa bahay namin hanggang Makati. Dito rin kasi sa Makati ang subdibisyong tinitirhan namin ng pamilya ko kaya hindi kami hirap ng mga kapatid ko pumasok.
Ilang minuto rin ang lumipas ay nakarating na rin ako. Pagkatapos kong iparada ang kotse ay mabilis na akong naglakad paakyat sa opisina ng amo kong si Fabio Evangelista na apo ng may-ari ng Evangelista's Winery Corporation.
"Good morning po," bati ko kay Manong Seb and guard dito sa building na pinapasukan ko.
"Good morning din Ma'am Naomi," nakangiting tugon din ni manong.
Ngumiti rin ako sa kaniya bilang tugon bago naglakad papasok sa elevator at kung sinusuwerte nga naman ako sabay pa kaming papasok ng amo ko. Mabuti na lang hindi niya ako napansin kaya walang dahilan para batiin ko pa siya.
Mahigpit ko na lang na hinawakan ang shoulder bag ko habang sakay ng elevator papuntang 5th floor. Mabuti na lang marami ang sakay sa loob nito kaya hindi niya ako mapapansin.
Narinig kong tumunog na ang bell sa elevator hudyat na nandito na kami sa 5th floor mabuti na lang nasa unahan siya at ako ay nasa likuran niya nakapuwesto.
Kaya nauna siyang lumabas at sumunod ako pagkatapos kong makita na medyo malayo na siya.
"Nami ang ganda mo talaga kahit kailan. Nakakainggit ka dahil para kang manika sa sobrang perpekto ng mukha mo pati ang katawan mo," sabi sa 'kin ng nakasalubong ko na empleyada rin dito sa kompanya.
Tumango na lang ako bilang tugon at habang naglalakad ako papuntang opisina ni sir ay hindi ko maiwasang mapailing sa mga naririnig ko na usap-usapan ng mga katrabaho ko tungkol sa 'kin.
Wala na ata silang ginawa kung hindi ang pagkuwentuhan ako nang pagkuwentuhan sa araw-araw.
Minsan gusto ko na lang silang sagutin. "Ang kagandahan ng isang tao ay hindi nasusukat sa kulay, taas ng estado, buhok, mukha, katawan o ng kung ano pa man. Dahil ang kagandahan ay maaaring makita sa ugali ng isang tao. Bonus na lang kung pati panlabas ay maganda rin," kaso hindi ko magawa dahil baka sabihin nila na lumaki ang ulo ko dahil sa mga papuri nila sa akin.
Pumunta na ako sa sarili kong cubicle kung saan ako nakapuwesto bilang sekretarya ng boss ko na nasa labas ng opisina niya. Ibinaba ko na ang bag at nag-ayos lang saglit pagkatapos ay kumatok na ako sa pinto ng boss ko.
"Pasok," narinig kong sabi ni sir kaya mabilis ako tumalima sa sinabi niya.
"Good morning! Sir Fabio, I will just remind you about your meeting to Mr. Sebastian Arcilla after lunch it is about the contract you need to sign," magalang na sabi ko habang nakatayo sa harap niya hawak ang maliit kong notebook.
"Thank you, Ms. Erin!" sagot niya sa 'kin. Tatalikod na sana ako pero bigla siyang nagsalita. "By the way I have something to tell you and I hope you will accept my offer. I just need your help about it," seryosong sabi niya na naging dahilan upang makaramdam ako ng kaba.
Ano naman kaya 'yong mahalagang sasabihin niya sa 'kin? Ilang buwan pa lang naman akong nagtatrabaho sa kompanya pero pakiramdam ko parang matagal na ako rito.
"It's between you and me Nami. No one should know about my offer to you. Even my lolo and your family," seryosong sabi niya sa 'kin habang ako nakatayo lang sa harap ng kaniyang lamesa at hawak ang maliit kong notebook.
"S-sir, tungkol saan po ba 'yong sasabihin niyo?" kinakabahang tanong ko kay sir.
"Please sit-down Nami," narinig kong sabi niya sa 'kin kaya umupo muna ako sa upuan na malapit sa table niya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa gusto sana kitang ipakilala sa lolo ko bilang kasintahan ko at mapapangasawa ko. Gusto kasi niya na sa edad ko na dalawampu't pito ay may asawa na akong ipakilala.”
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko at wala akong naramdamang inis sa sinabi niya sa 'kin. Para kasing hindi na bago sa pandinig ko ang sinabi niya samantalang wala pa naman akong nagiging boyfriend.
Mga ilang minuto ang lumipas ay napansin ko na parang malalim ang iniisip niya dahil sa tingin niya na parang may naalalang kung ano.
"Sir! Sir Fabio, bigla na lang po kayong natulala riyan!" malakas na sabi ko na nagpabalik sa ulirat niya.
"Pasensiya na, may naalala lang kasi akong tao. Ano na nga ulit ang sinasabi ko kanina?" tanong niya sa 'kin.
"S-sir 'yong tungkol po sa offer niyo na maging asawa ako," nauutal na sagot ko sa kaniya.
"Ano ang magiging sagot mo Nami sa tanong kong 'yon?" tanong niya ulit sa 'kin na diretsong nakatingin sa akin mga mata.
"You don't need to hurry..." naputol ang sasabihin niya sana ng itaas ko ang aking kamay tanda na may sasabihin ako.
Ilang minuto rin akong nag-isip ng isasagot sa kaniya bago ko mapagpasyahang magsalita.
"Sir Fabio, pasensiya po kung hindi ako nakasagot agad sa tanong ninyo kanina. Napag-isip-isip ko po na pumayag sa alok niyo na ipakilala ako sa lolo niyo na bilang kasintahan, at mapapangasawa po ninyo. Gusto ko lang po sanang tumulong sa inyo," magalang na sagot ko sa kanya.