Daisy's POV "Ma'am Daisy, pinagpanggap ko lang po si Mr. Montenegro para po hindi ako mabuko ng aking mga magulang na walang ama ang anak ko," diretsang sagot ng lumuluhang babae. Nakagat ko ang pangibabang-labi. Lumapit sa akin si Nathan at niyakap ako nito ng buong-higpit. "That's the truth, sweetie." "Talagang hinintay mo pang dumapo ang palad ko sa kabila mong pisngi," nakangusong ani ko kay Nathan. "Kasalanan ko bang mas mabilis ang kamay mo, sweetheart?" Nakangiting sagot nito sa akin. Napuno ng guilt ang aking puso. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Nakonsensya ako sa nagawa ko sa'yo, please forgive me," ani ko rito at yumakap dito. Naramdaman ko ang matipuno nitong mga braso na masuyong pumulupot sa aking bewang. "Hindi ka pa man humingi ng tawad ay pinapat

