Daisy's POV Sabay na umibis kaming lahat sa kotse. Narito kami ngayon sa bahay ng aking mga tunay na magulang. Hindi ko akalaing mauna pa ang kasal nina Daddy George at Mommy Divine kaysa kasal nina Elijah at Ate Hailey. Tuwang-tuwa ako nang malaman na sa wakas ay ikakasal ang mga ito. Sinalubong agad kami nina Mommy Divine at Daddy George. Humalik ako sa pisngi ng mga ito, ganon din ang dalawang bubwit namin ni Nathan. Ang totoo, deep inside nalulumbay ako dahil hindi pa nag-propose sa akin ang aking minamahal. Kahit na nga sabihing confident naman akong pakakasalan ako nito. Kaya lang, ba't hindi man lang ito nag-yaya ulit? "Hey, are you alright?" Damang-dama ko ang mainit na hininga ni Nathan sa aking punong-tenga. Napalingon ako rito. "May iniisip lang ako," sagot ko rito. "A

