Iyong ngiti sa mga labi ko hindi mawala-wala. Masaya ako dahil sa wakas ay nag-propose na rin ulit sa akin si Nathan. Matagal ko ring hinintay iyon. Kasalukuyang binabagtas ang daan patungo sa sarili naming bahay. Totoong excited na ako na makasal na kami nito. Magiging isang Mrs. Montenegro na rin ako. "Sweetie, mukhang mauna ang kasal natin," nakangiting saad sa akin ni Nathan. "At hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko nga tayo ang huli." "Inayos na lahat nina Momay Levi at nina Mommy Celina, mukhang mas excited pa nga sila sa atin. And the theme of our wedding is your dream, the garden wedding theme. Any suggestions about some decorations, sweetie? "Oh, a garden wedding theme, how lovely! I think incorporating natural elements would be really beautiful. We could use lots of flowe

