MATULING lumipas ang mga araw. Here we are busy preparing our upcoming wedding. Iyong tipong kabado ka lagi? Iyon ang nararamdaman ko. Pero bago ang kasal namin, mauna muna ang kasal nina Ate Hailey at Mommy Divine. Double wedding ang mangyayari. And it changed, a beach wedding na kusang gusto nina Mommy Divine at Ate Hailey. Sa ngayon, narito kami sa isang kaibigan ni Momay Levi na isang sikat na designer sa Paris na ngayo'y nagbakasyon sa Pilipinas. Noong una'y akala ko'y ka-edad lang ni Momay Levi, pero nagulat ako nang makita ko ito. Parang ka-edad ko lang ito. "Hi, Ms. Parojinog. Hindi na talaga mapigilan pa ito. At talagang ikakasal ka na nga sa isang Montenegro. I'm sure na marami na namang babaeng iiyak nito." Kapwa kami natawa ni Nathan sa narinig mula kay Ms. Uy. "Well, they

