Chapter 7: Mall

3131 Words
Nagulat at nagising ako sa malakas ng katok sa pinto ng kwarto. Napakusot muna ako ng aking mga mata bago bumangon para pagbuksan ng pinto ang taong kanina pang kumakatok. Dahan-dahan naman ko namang binuksan ito at bumungad sa akin ang isang slim na rebulto nagmumula kay kolokoy. "Bakit ba? Ang aga-aga iniistorbo mo ako sa pagtulog ko." reklamo ko sa kanya pagkakita ko sa kanya may pintuan. "Maligo at magbihis ka na, may pupuntahan tayo." seryoso niyang sabi. "Saan?" balik kong tanong sa kanya. "Just fix yourself and be ready. Mahaba-haba pa ang oras to be prepared" sabi niya.  "I will wait for you at 9:30AM in the living room. I have something to do first so you must be ready, ok?" bilin niya sa akin para makasiguradong magkikita ulit kami mamaya sa salas. Kaagad naghanap ako ng aking mausuot bago pumanhik sa banyo para maligo. Pagkatapos nagbihis at naglagay ng simpleng make-up at lipstick.  Bahala na si Batman sa'kin kung di ko man nagawang gayahin si Athena pagdating sa paglalagay ng cosmetics sa mukha. Habang naglalagay ako ng lotion palibot sa aking mga braso hanggang binti nang may muling kumatok sa pinto. Hinayaan ko na lang siya magbukas at niluwa nito ang isa sa mga katiwala nila Greige. "Pinasasabi po ni Sir pakidala niyo na raw po mamaya yung lahat ng gamit at bag niyo bago kayo lumabas." bilin niya sa akin. "Ihahatid na raw niya kayo sa bahay diretso galing sa lakad niyo, Ma'am Athena ." dugtong niya. Mabuti na lang makakauwi na ako sa bahay mamaya. Nakakapagod na rin kasi magpanggap bilang si Athena. Bukod sa marami kaming pagkakaiba, mahirap naman talaga itong ginagawa ko. Halos lahat siguro pati sa mga interests and hobbies magkaiba kami. Maliban na lang sa pagiging mahilig sa mga halaman at bulaklak, pagdedecorate at pagdedesign diyan naman kami nagkakasundo kahit papano. Napapaisip lang ako halos araw-araw kapag narito ako sa bahay di ko malaman ang gagawin minsan. Hindi ko na alam pumapalpak na pala ako. Sa aking pag-iisip, di ko namalayan ang oras na malapit na pala sumapit ang 9:00AM kaya mabilis ko nang niligpit at inayos ang mga gamit sa bag. Pagkalabas ko pa lang ng pinto, saklay-saklay ng bag nang makasalubong ko si Greige at hinila niya sa akin ang gamit na dala ko at siya na mismo ang nagpresintang magdala. "Why are you smiling?" agarang tanong ni Kolokoy kaya napapitlag na lang ako nang marinig ko siyang nagsalita. Tinignan ko siya ng isang nalilitong tingin saka sumagot. "Nothing." sabay kaway ko sa aking kamay para sabihing wala lang naman. "Nababaliliw ka na siguro. Ngumingiti nang walang dahilan, tzk." nakakainis na saad niya saka na naglakad papalabas ng kanilang bahay. Pagpasok ko pa lang sa kotse binati kaagad ako ng bagong driver nila. Wait wala na si kuya driver naghatid sa amin sa resort hanggang dito? Binati ko rin siya ng GOOD MORNING pabalik. "Ako po si Mr. Damian Pacheco ang bagong driver ngayon ni Sir Greige." nakangiting pagpapakilala nito sa akin. Halatang mas bata itong driver ni Kolokoy ngayon ahhh at sa tingin ko nasa 35 pataas pa lang ang edad niya. Pansin ko lang naman. "Nice to meet you po." ginawaran ko siya ng isang ngiti pagkatapos. Magsasalita pa sana si Kuya driver nang biglang sumingit si kolokoy. "Ahmmm let's go na sayang ang oras." hindi maipinta ang mukha nito pagkakita ko sa kanya pagpasok niya rito sasakyan. Ano naman kaya problema ng isa ito? Hindi ko rin minsan maintindihan ang ugali niya minsan. May time kasing sweet at caring siya samantalang may araw namang parang gumuho ang mundo niya sa kanyang itsura na nagiging harsh at bitter. Hindi ko alam kung bakit pa kasi nagkagusto ang kapatid ko sa lalaking 'to ang hirap timplahin ang ugali. Dahil ba sa gwapo siya at mayaman? Aanhin mo naman minsan ang ganyan kung inaatake na pagkasaltik ang isang 'yan? Mabuti na lang nagagawa pa ni Athena pagtiyagaan 'to. Napangisi na lang ako sa isip ko. Lumipas ang kinse minutos napansin ko ang mga naglalakihang building at malls sa dinaraanan namin kaya may idea na ako kung saan kami pupunta. Hindi ko kailangang magshopping dahil napakarami ko pang gamit dito saka sayang lang ang pera ko diyan. Nagpark muna sila ng sasakyan sa bandang kaliwang dulo psgkatapos bumababa na rin kami pareho. Pagpasok pa lang namin ng mall agad naman kami tumungo sa isang botique. Speaking of garments' store hindi talaga ako interesado bumili pero kinakailangan ko pa ring gawin dahil nagpapanggap pa rin ako. "You can buy anything you want mi cielo." sabi niya sa akin nang mapahinto siya saglit. Pagkatapos may binulong siya, "Huwag ka lang makikipag-usap sa driver ko." Nagulat na lang ako sa kanyang sinabi at sinimangutan ko siyw. "Hays si Kuya driver pinagseselosan mo? Mangilabot ka naman sa sinasabi mo Greige. Hindi ako ganoong klaseng babae na pumapatol kung kanino lang." naiinis na sagot ko sa kanya at inarapan. Kaya iniwan ko siya diyan at tumungo sa kabilang pwesto para magtingin-tingin. Kailangan ko pa rin sundin kung ano dapat. Kung ano taste ni Athena sa mga ganito iyon dapat pipiliin ko kahit ayaw   ko. Pero hindi ko maiwasan titigan at hawakan yung long-sleeves na may checkered na design. "Hindi ko alam na gusto mo rin pala ang mga ganyang designs at style bukod sa printed at flowery na hanging blouse." biglang puna ni Greige na nasa likod ko pala. Hindi na muna ako umimik kailangan ko pa rin ayusin mabuti ang pagpili. Pagkatapos ko makapili sa mga damit, tumungo naman ako sa footwear section. Habang tinititigan ko ang mga sapatos naka-display roon napatitig naman ako sa gawi ni Greige na abala rin pala sa pagpili ng mga damit. Hinakot ko na lahat na mga pinili ko at nagkasabay rin kaming nakapunta sa counter. Tapos pinag-swipe na ng cashier ang mga pinamili saka inabutan ni Greige nang pambayad. Natulala sa kanya ang babae. Tzk. "Miss pwedeng ipaghiwalay yung sa akin at sa kanya ng balot?" turo niya sa akin at agad sumang-ayon ang checker. Kasalukuyang naglalakad kami sa mall nang biglang tumunog ang cellphone ni kolokoy. Nag-excuse ito sandali sa akin at napatango lang ako. Hintayin ko lang raw siya ng five minutes. Maya-maya lumapit siya sa akin habang palinga-linga sa paligid. "Ikaw na muna bahala dito ah? May importante kasi akong pupuntahan at aasikasuhin saglit." sabi niya saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Itext o tawagan mo na lang ako kung paauwi ka na at sabihin mo na lang kung saan tayo magkikita. Hintayin kami doon." dagdag pa niya at inabutan ako cash pero tinanggihan ko pa pero nagpumilit siya at hinayaan ko na lang. "Kailangan mo iyan. Sige na I need to go and don't forget to call or text, ok?" nakaseryoso ang awra niya nang magpaalam sa akin. Hay magmumukha akong tanga neto na mag-isang magsashopping. Ang nagyaya  ayun iniwan lang ako sa ere. Ugh!!! Nang makaramdam ako ng gutom pumunta muna ako sa isang fastfood chain umorder at kumain, pagkatapos tinawagan ko rin si kuya driver para dalhin itong pinamili ko at di maging hassle pa sa paglalakad-lakad ko dito. Maya-maya pa dumating na si kuya driver at inabot ko na sa kanya mga dala ko. "Pasensya na kakahatid ko lang po kay Sir Greige kaya medyo natagalan." pagpapaliwanag niya pero nag-ok naman ako sa kanya. "Pakidala na lang po muna iyan sa kotse pupunta muna ako roon." turo ko sa kanya sa timezone kaya tumango lang siya bilang sagot at umalis na rin ako. Agad akong pumasok naman at mabuti na lang di gaano maraming tao.  Naglaro ako ng iba't ibang klaseng games doon kaya ako nakaipon naman ng maraming tokens 50 meters na ata ang haba niya sa dami. Pinatiklop ko lang ang iba para di na humaba pa. Pagkatapos kong laruin ang nilalaro ko ngayon pumunta ako doon sa counter na pamalit nitong tokens sa mga stuffs na nakadisplay roon.  Bente minutos lumipas bago ko nakuha yung maliit na teddy bear na kulay purple. Ang cuteee, hehehe. Binalak  pumasok sa isang videoke room doon at sumubok kahit isang kanta lang. Pagkatapos ng isang song umalis na rin ako. Bumalik na lang uli ako sa nilalaro ko kanina nang may lalaking papalapit sa'kin at nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Nakipagngitian pa ito sa akin tila nagpapacute. Hindi ko pinansin at tumutok lang sa nilalaro ko. "Hi miss." bungad nito sa akin. Kunwari hindi ko siya narinig. "I like your being suplada type." doon ako tumigil sa nilalaro at hinarap ang lalaking nakikipag-usap sa akin. "What do you want?" kasabay ng tinignan ko siya ng nakataas ang mga kilay. "Hehe, nakikipag-usap lang naman ako sa kasing gandang babaeng tulad mo." nang may nakakalokong ngisi at mas lumapit pa ito sa akin. "Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin kuya?"  Pahaging-haging pa kasi eh. "Anyways gusto ko lang talaga  makipag-usap sa isang tulad mo. Pwede ba?"  Tumango naman ako bilang sagot. "Ano gusto mo pag-usapan natin?"  Magsasalita na sana ang lalaki nang may sumabat sa amin. "Ahhhmmm nakaistorbo ba ako?"  Si Greige? Akala ko may importante siyang ginagawa ngayon? "Boyfriend mo ba siya?" tanong ng lalaking kausap ko. Sa halip si Kolokoy ang sumagot. "Yes and she is my girlfriend." matalim na titig ang ginawad ni Greige sa lalaki na gwapo din naman at halos magkasingtangkad lang kami na may morenong kulay ng balat nito. "Ah ok akala ko single siya kaya ko nilapitan. Sorry tol." agad na umalis ang lalaki at nilingon naman ako ng boyfriend ni Thena. "Kilala mo ba siya?" ginawaran din niya ako ng matalim na titig at malamang nagselos siya sa lalaking kumakausap sa akin. "Hindi." sagot ko na lang saka yumuko. "Bakit mo siya kausap?" hindi na ako nagsalita pa at hinila ko na lang siya palabas ng timezone. "Why don't you anwering my question Thena?" nagagalaiti na siya kaya napapikit muna ako at sinagot ko siya. "I don't know him" sagot ko saka napapikot ulit ng mga mata para magsabi ng tototo na hindi ko kilala ang lalaking yun. Hays ano ba kasi ginawa ko? Bakit ko pa kasi ineentertain yung lalaki na 'yon? Ito tuloy napala ko... "Bakit ka nakikipag-usap sa hindi mo kakilala at sa lalaki pa?" Medyo may kalakasan na ang boses niya at ngayon ko lang siya nakita ng ganito kaseryoso magalit. Ngayon ko rin napansin na ganito siya kagwapo kapag nagseselos. Anong sinasabi mong gwapo ahhh, Althaea? Hayz bakit nga ba ito yung nasa isip ko. Si Zen lang naman ang pinakagwapo sa paningin ko ei. "Ah gusto niya lang makipag-usap sa akin eh." sinabi ko sa kanya ang reasons pero walang nabago sa itsura niya. "Tapos kinausap mo naman tzk."  He grinned. So nagseselos nga siya?  Yun na pala? Ayaw mong nilalapitan ako ng ibang lalaki pero ikaw hindi magtino dyan. Puro ka pa trabaho, trabaho, trabaho? Kaya na lang nagkaganoon ang kapatid ko sa kapabayaan mo at dahil sa kakulangan mo ng atensyon. "Nagseselos ka lang hindi mo pa maamin?" nginisian ko siya at nanatili pa ring nakabusangot. "I am not jealous ok? Nakikipag-usap ka sa taong hindi mo kilala. It's dangerous." napapangisi pa rin ako sa itsura niya hehe. Pagkatapos ng pagtatalo namin iyon sumakay na rin kami sa kotse at tahimik lang kami hanggang sa makalayo na sa mall at patungo na ng bahay namin. Kinabit ko na lang headset sa tenga ko saka nagpatugtog. Saktong naiplay ko yung kanta na "No More Rhymes" by Debbie Gibson. Nahuli ko rin sa salamin na napapatitig siya sa akin at nagkakasalubong ang aming mata kaya agad din akong umiwas ng tingin. I know we are right  It's not always clear  Because I've never felt the fear  Can it stay so good  Forever in time?  I've always felt the rhythm  What happens when  There's no more rhyme? Pero napitlag ako sa kanyang pagtitig niya ngayon na hindi tulad kanina. Yung titig niyang hindi mo kayang tagalan? Kaya sinubukan kong makipagtitigan sa kanya subalit hindi ko na kaya umiwas na lang ulit ng tingin. Para kasi akong tutunawin sa mga pagtitig niya.  Hays di ko alam kung bakit ko nararamdaman ito ngayon? Lumipas ng ilang minuto, nakarating na kami sa aming munting bahay kaya napangiti naman ako nang napakalaki dahil makakalabas naman ako sa comfort zone ko at napakalaking ginhawa ito sa akin. Lumabas na rin ako ng kotse at hindi ko na hinintay pa si Kolokoy. "Ihahatid muna kita sa loob." presinta niya kaya hinayaan ko na lang. Pagkapasok namin sa bahay habang hawak ang mga gamit ko ay sinalubong ako ng ibang maids at binati nila ako ng magandang hapon at ganoon rin ginaww namin ni Greige. Pagkatapos pumanhik kami sa kwarto at binuksan ito saka nilagay ang mga gamit. "Salamat." kasabay ng aking pagngiti. Sinuklian rin niya ako ng ngiti saka niya ako hinalikan sa noo na mas ikinagulat ko. "Aalis na ako mi cielo. Mag-iingat ka." sabi niya pagkadampi ng labi niya sa noo ko. "Ikaw rin." habang may ngiti pa rin sa mga labi. Habang tumatagal nagiging iba na siya at malayo na siya nakilala kong Greige. Maganda rin naidulot ng pagpanggap ko at napabago ko yung tao at sobrang natutuwa ako. Biglang pumasok sa isip ko si bez kaya agad kong sinarado ang pinto at nilock ito saka hinagilap ang cellphone. Kinuha ko ang susi sa cabinet ni Thena at binuksan ang malaking drawer na kung saan nakatago ang cp at laptop ko. Pinindot ko ang cp ngunit hindi nabubuksan dahil lowbat na rin kaya sinaksak ko muna ito at kinuha ko naman ang laptop saka rin binuksan. Laking tuwa ko na kalahati pang natira sa battery nito saka ako dumako sa skype upang kausapin si Gin. Active siya ngayon kaya agad ko siyang tinawagan at mabilis na bumungad sa computer ang itsura niya. Gin: Hi bez musta na? Long time no see at saan ka ba galing na hindi ka nakakareply sa mga texts ko at tawag?  Me: Ayun nagkaroon kami ng 5 days vacation ni Greige. Gin: Iyan ba yung girlfriend ng kakambal mo? Me: Oo. Gin: Nagdate pala kayo wala man lang pasabi, tzk. Me: Biglaan din kasi bez at hindi ko inaasahan na pupunta siya dito sa bahay eh. Gin: Tapos? Me: Ayun bigla akong nag-alsa balutan kaya di rin na ako nakapagmessage sayo. Gin: Kaya pala. Pero si Trozen hinahanap ka rin niya sa akin nakaraan eh kasi hindi ka raw nagrereply o sumasagot sa calls niya. Sobrang nalulungkot yung tao at sobrang missed ka na niya bez. Me: Ganun ba? Kahit ako naman eh sobra ko siyang namissed. Gin: Nakakaselos naman bakit siya lang? Hindi mo ba ako namissed bez? Me: Sorry hehe. Heto naman syempre sobrang namissed ko kayong dalawa ni Zen. Gin: Buti naman sinabi mo. Nakakatampo ka ah?! Anyways kamusta pala dating niyo ni Mr. Guy? Me: Ok naman.  (Hindi ko sa kanya sasabihin ang nangyaring kissing scene namin ni Kolokoy at ako lang muna makakaalam niyon at kapag nalaman ni Zen yun masaktan siya ng husto. Gin: Anong ok? Me: Sa una nakakailang at hindi mapakali? Alam mo naman si Zen mahal ko eh tapos ibang guy kasama ko at nakikipagdate? Gin: Pero nakasundo mo naman ba? (Daming tanong itong babaeng ito at pasalamat siya matalik ko siyang kaibigan kundi nako) Me: Medyo kasi may pagkamasungit...madalas moody kaya hirap timplahin ang ugali. Gin: Ang layo niya kay Zen haha. Me: Sinabi mo pa.  Gin: Sige bez kausapin mo muna si Zen at malamang nalulungkot na yun kasi ilang araw kang di nagparamdam. Me: Sige Gin ingat ka na lang diyan. Bye. Tinawagan ko naman si Troezen pagkatapos nung kay Bez at tamang tama active din siya. Me: Zen!!! (Biglang lumabas ang mukha niya sa computer. Napansin kong namayat siya at matamlay dahil sa akin.) Zen: Hi Althaea musta ka na? Bakit ngayon ka lang? (Nakayuko ako kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.) Zen: Bakit Thaea? Anong nangyari? Me: Nagkaroon kaming 5 days vacation ng boyfriend ni Thena. (Sabi ko sa kanya habang nakayuko. Ilang segundo lumipas bago siya nagsalita) Zen: Ganoon ba? Me: Biglaan nga yun Zen kaya di ko rin nagawang ipaalam sayo pati kay Bez. Agad kasi siyang sumugod dito sa bahay at nangyaya ng date. Wala akong nagawa noon at kailangan kong sundin kundi malalagot ako kina Mom. Zen: Naiintindihan ko Thaea pero hindi ko maiwasan ang magselos kahit nagpapanggap ka lang bilang kakambal mo. Me: Huwag kang magselos, ikaw ang mahal ko Zen. Iyan ang panghawakan mo. Zen: Fine wifey. Kakantahan na lang kita gusto mo ba? (Napangiti naman ako sa alok niya kaya agad akong tumango kaya kinuha niya ang guitar at sinimulang kantahin ang theme song namin) Can't help falling inlove by Richard Max Sinumulan niya sa chorus hanggang sa tahimik na pinakikinggan ang napakaganda at nakakainlove niyang boses. Sobrang namissed ko rin siya marinig ang tinig niya kapag umaawit lalo na kapag theme song namin. Take my hand  Take my whole life too For I can't help falling in love with you  Like a river flows surely to the sea Darling, so it goes  Some things are meant to be Take my hand  Take my whole life too For I can't help falling in love with you  For I can't help falling in love with you Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya napatitig ako sa laptop at napansin kong nakabalik na ito sa dati. Nagulat rin ako nang makalimutan kong tanggalin ang saksak ng phone ko kaya agad ko itong tinignan, binuksan ko ito at bumungad sa akin isang katutak na text messages at missed calls ni Gin at ni Zen. Pero yung latest na message sa akin ni hubby ang binasa ko. Hubby: Nakatulog ka kaya tumigil muna ako. Nireplyan ko siya agad: Sorry Zen napagod lang kasi ako kanina eh tapos nadala pa ako sa maganda mong boses. Bigla ako napout habang nagtetext sa kanya. Hubby: Ok lang wifey kaya hinayaan muna kitang makatulog. Napahaba pa ang convo namin sa isa't isa at hindi napansin ang oras na mag-aalas otso na pala at di pa ako kumakain kaya nagpaalam muna ako sa kanya at nagmadaling tumungo ng kusina upang kumain ng dinner. Pagkakain ko agad akong nagsipilyo at naghilamos saka humiga sa kama. Tinignan ko muna ang cellphone ni Thena at nagulat rin ako sa message na nabasa ko. Mi cieolo: I love you!!! Sineen ko lang iyon dahil hindi ko alam ang irereply kay Kolokoy. Tapos may nagsend ulit na message. Mi cielo: Goodnight and sweet dreams!!! Binasa ko lang ang text at nilapag ang cp ni Thena sa table habang ang cp ko naman ay ibinalik  ulit sa drawer saka sinimulan mag-isip habang nakatitig sa kisame hanggang sa naipikit ko na ang mga mata at nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD