Lumipas ang dalawang linggo mula nang magdate kami ni Greige at yung pagbalik ko dito sa bahay. Sa loob ng dalawang linggo na iyon mas nabigyan ako ng pagkakataon na makausap si Zen kahit through skype lang at ganoon rin kay bez. Dalawang linggo na rin ako nagtatrabaho dito sa mini office para mag-take over muna sa naiwang trabaho ng kakambal ko kaya nameet ko rin ang secretary niya na medyo may kadaldalan rin pero nakasundo ko naman agad. Within two weeks bihira rin naman kaming mag-usap ni Kolokoy dahil sobrang busy raw ito at halos mawalan na ng time para makipag-usap. Nagkakausap lang kami kapag gabi pero minsanan pa rin. Bumalik ulit siya sa pagiging workaholic at kung sa bagay kahit sa oras ng date namin eh inaasikaso niya pa rin ang trabaho niya.
Habang nakatutok ako ngayon sa computer, nagsalita agad itong secretary ni Thena na si Terylene na hula ko na nasa 5'3 lang katangkaran nito at may tamang hubog na katawan at may di gaano maputi.
"Alam mo Ma'm Thaea sa dalawang linggo nating pagsasama....." sabi niya habang abala sa pagtitig sa mga dokumento saka umiling sa akin. "Mas gusto kita maging boss kaysa kay Ma'm Thena"
Kaya napailing rin ako sa sinambit niya at hininto ang pagtipa sa computer.
"Bakit naman?" tanong ko naman at tinititigan ko lang siya.
Kahit ako naman comfortable siyang kasama kahit may kaingayan ang bunganga, mabait naman siya at masipag sa trabaho na talagang madali mo makasundo. She is an approachable woman kaya madali rin sa kanya maka-attract ng clients nito.
"Mabait ka po kasi at madaling pakisamahan na hindi tulad ng kakambal niyo may pagkamaarte at mairitable." binulong na lang ang huling kataga sa akin.
Napatawa na lang ako bago sumagot, "Ganoon naman sa magkambal may pagkakaiba at hindi na mawawala iyon sa amin."
"Kaya nga po mas bet kita makatrabaho kaysa kay Ma'm Thena." saka niya tinuloy ang kanyang ginagawa at ganoon rin ako.
Maya-maya pa napatingin ako sa relos na suot ko at biglang napasok sa isip ko si Greige.
"Teka Ma'am Thaea." tawag niya sa akin dahil nakita niya akong tumayo.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil tinawag niya ako sa pangalan ko na imbes na Thena.
"Ay sorry po Ma'am Thena, ang bibig ko kasi." napayuko siya at tinawanan ko lang.
Para kasi siyang bata na humihingi ng sorry.
"Ok na Tery hindi naman ako galit eh. Basta wag na wag mo ako tatawagin sa tunay kong pangalan kundi mayayari tayong dalawa at mawawalan ka pa ng trabaho gusto mo ba 'yon?" sabi ko sa kanya ng mahinahon.
Naging iba yung ekspresyon niya at napalitan ng takot.
"Hindi na po mauulit Ma'am Thena. Simula ngayon mag-iingat na ako sa sasabihin ko saka ayaw ko matangal sa trabaho ko lalo pa may dalawang kapatid pa akong pinapaaral." paliwanag niya sa akin at nadala naman ako sa sinabi niya sa pagiging breadwinner ng pamilya kaya lumapit ako sa kinauupan niya.
"Naiintindihan ko at di biro magpaaral at bumuhay ng pamilya." sabi ko naman sa kanya at hinimas ko ang kaliwang balikat niya.
"Aalis na muna ako at ikaw muna bahala dito. May pupuntahan lang ako saglit." dagdag ko pa.
"Pupuntahan mo ba si Sir Greige noh?" babaing ito talaga may pagchismosa rin.
Tumango ako bilang tugon.
"Sige bye at mag-ingat kayo Ma'am Thena." dinig kong pahabol niya bago ako tuluyan lumabas ng office.
Nagmadali akong tumungo sa kusina at nadatnan ko si Yaya Helena at si Daisy na naghahanda na ng pananghalian.
"Hahatiran ko po ng pagkain si Greige baka hindi pa kumakain ang isang 'yon." sambit ko saka kumuha ako ng 2 lunchbox sa bandang itaas nito.
"Mabuti ba Thaea kumain ka na muna bago mo siya hatiran."
"Hindi na po at sabay na lang kami kakain sa office niya." paliwanag ko kay Yaya at pumayag agad siya at tinulungan na niya akong ihanda ang pagkain na dadalhin ko sa office ni Kolokoy.
Nagtataka ako sa sarili ko na bakit ko ito ginagawa ngayon at bakit ko ako mag-eeffort hatiran ng pagkain si Greige. Tutal wala naman na dapat ako ipag-aalala at pakialam sa kanya.
Hay nako self ano na nangyayari sayo? Baka naman?
Pinutol ko na agad ang sasabihin ng isip ko baka kung ano pang masabi.
"Mag-ingat ka iha sa pagmamaneho sa daan." bilin sa akin ni Yaya Helena bago ako tuluyan ng umalis.
Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at tumungo na sa office ni Kolokoy.
Medyo may kalayuan ito sa bahay namin kaya 20 minutes ang biyaheng tatahakin ko. Kaya pinatugtog ko na lang music fm nang natapat ito sa pinakinggan kong kanta sa playlist ko noong papauwi na ako sa bahay namin kasama si Greige.
I know we are right
It's not always clear
Because I've never felt the fear
Can it stay so good forever in time?
I've always felt the rhythm
What happens when
There's no more rhyme?
Naalala ko yung chorus na kung saan timing na napatitig kami sa isa't isa kaya bigla ako nairita kaya pinatay ko na lang radyo.
Nakalipas ng ilang minuto, nakarating na rin ako sa office niya. Kinuha at bumababa agad ako ng kotse at tinahak papasok ng opisina.
Binati ako ng guard at ganoon rin ako saka niya ako pinapasok at dumako sa isang receptionist doon.
"Can I talk with Mr. Wexford Greige Escorial?" kasabay ng pagbati ko na may ngiti.
"I will call her po Mr. Escorial' s secretary if he is availabe. Please wait a minute Ma'm?"
"Thena. Greige's girlfriend." sabi ko sa kanya saka pinindot ang telepono upang kausapin ang sekretarya ni Kolokoy.
Umupo muna ako at naghintay ng ilang minuto saka ako tinawag ng babaeng receptionist.
"Pwede na po kayo pumasok Ma'am Thena." nakangiting sabi nito at nilisan ko na agad ang lugar at tumungo sa 3rd building kung saan naroon ang office niya.
Pagtungtong ko sa building na iyon, bigla ako tinititigan ng mga employees doon at diretso naman ako tumungo sa pinakaoffice nila na kung saan naroon si Greige.
Kumatok muna ako bago niya ako pinapasok.
"What are you doing here?" isang reaksyon na hindi ko inaasahan sa kanya.
Nakatalikod ito mula sa akin at nakatutok lang ito sa computer hindi ko nakikita ang itsura niya kung nakasimangot o ano pero ramdam ko ang emosyon niya sa kanyang pananalita.
"Nagdala ako ng pagkain at alam ko kasi nagpapalipas ka ng gutom kaya hinatiran na lang kita para mas maaga ka makakain ng lunch?" malumanay na paliwanag ko sa kanya.
"Wala akong sinabing pumunta ka rito para hatiran ako ng pagkain." isang cold na expression nang igawad niya sa akin.
Sobra akong nagulat sa reaction niya ngayon at ngayon ko lang siya nakitang ganito. Oo nagalit siya nakaraan pero magkaiba sa ngayon na para anumang oras lalapain niya ako ng buhay.
Nilakasan ko ang aking loob magsalita at kausapin siya.
"Alam ko kasi nagpapalipas ka ng gutom kaya heto dinalhan na lang kita ng pagkain para di ka na mag-abala lumabas pa ng office o mag-order." kasabay ng paglatag at pag-ayos ng mga dala kong pagkain.
"Di na kailangan. Umalis ka na!" galit na sabi niya kaya napatigil ako sa aking ginagawa.
"Kumain ka na at alam kong nagugutom na." pagpupumilit ko pa.
Hindi ko alam kung ko ito ginagawa sa kanya.
"I said go out." sigaw at tinuro sa akin ang pintuan para lumabas.
"Just leave me alone." pumikit siya at sinimangutan ako ng tingin kaya napagdesisyunan ko na ring lumabas ng kanyang opisina.
Naluluha akong naglakad palabas ng office at napansin rin iyon ng mga empleyado.
Dali-dali akong lumabas at di ko na pinansin pa ang mga nasa paligid.
Pumasok ako sa kotse at pinahid ang mga luha pagkatapos pinaandar na ang sasakyan.
Inayos ko ulit ang sarili bago pumasok sa mansion.
"Ano po nangyayari sa inyo Madam?" nag-aalalang saad sa akin ni Glenda na isa sa katiwala namin.
"Wala ito." sabi ko habang nakayuko at naglakad papasok ng bahay.
Dumiretso muna ako sa mini-office upang bilinan ang secretary ni kambal.
Napitlag ito at napatayo pagkakita niya sa akin na namumula ang mukha at may luha sa mga mata.
"Ano pong nangyayari sa inyo Ma'am Thena? Bakit po kayo umiiyak?" nag-alala niyang tanong pero nag-aalangan pa akong sagutin ang tanong niya.
"Ikaw na muna bahala rito at bago ka umuwi tawagan mo ako kaagad sa kwarto ko." bilin ko sa kanya saka naglakad palabas ng opisina at pumanhik sa kwarto.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga sinabi niya at sa trato niya sa akin. Di ko alam kung ano nagawa kong kasalanan para ganitohin niya ako? Nag-alalala lang naman ako sa kanya na nagpapalipas siya ng gutom. Tapos siya pa may ganang magalit.
Humiga lang muna ako sa kama saka niyakap ko ang una at ipinkit ang mga mata hanggang sa nakatulog.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako bigla sa narinig kong katok sa pintuan ng aking kwarto kaya agad akong napabalikwas at binuksan ito.
"Ma'am heto po pala merienda niyo kasi napansin ko kanina hindi pa kayo kumakain kaya dinala ko na ito at sabay magpapaalam na rin." malumanay na saad ni Terylene sa akin.
Kinuha ko naman ang tray na hawak niya at nagpasalamat.
"Walang anuman mo Ma'am Thena. Sige po aalis na ako at itext niyo na lang kung may problema po sa file." tukoy niya sa usb na inabot niya sa akin.
I nodded as my answer then she leave my room and walk away.
Agad ko namang kinain ang mga pagkaing nakahanay sa table dahil sa sobrang gutom na naramdaman ko.
Ring..........
Narinig kong may tumutunog na cellphone, kinuha ko ang cp ni kambal at tinignan ito at walang tunog kaya dali akong tumungo sa drawer ko at binuksan ito. Nakita kong pangalan ni bez ang nakalagay sa screen at mabilis kong sinagot.
Nagulat siya pagkakita sa itsura ko.
Gin: Anong nangyayari sayo? Bakit ganyan mukha mo parang galing sa pag-iyak?
Nag-usisang tanong niya habang inoobserve ako kaya napailing na lang.
Me: Ayaw ko sana sabihin ito sayo pero mangako ka sa akin na hindi mo ito sasabihin kay Zen panigurado kapag nalaman niya baka biglang sumugod iyon dito.
Gin: Huwag mong sabihin Cas na.....
Me: Hoy bez wag kang green minded hindi yang nasa isip mo ang sasabihin ko at hindi iyon mangyayari sa akin.
(Inunahan ko na baka akala niya nabuntisan ako. Susko po.)
Gin: Ano nga ba kasi nangyari bakit ka umiyak?
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kaya hindi rin naiwasan ni bez mainis kay Greige sa naging trato niya sa akin.
Gin: Aba ang yabang naman nun. Ikaw na nga yung nagmamalasakit sa kanya siya pa yung galit?
(Napabuntong-hininga na lang ako at napailing-iling)
Gin: Bakit kasi hindi ka na bumalik dito at iwanan mo na 'yan. Ikaw lang nahihirapan sa mga pinagagawa mo eh? Tapos yung parents mo nasaan?
Me: Hindi pwede ko sila pabayaan dito at malugi ang kumpanya. Ilang taon rin nila pinaghirapan yun bata pa lang kami at galing sa kumpanya lahat ng pangtustos namin sa pag-aaral na magkapatid.
Gin: Pero Cas?
Me: Ok lang bez, naiintindihan kita pero magulang ko pa rin sila kahit hindi pantay ang trato sa aming magkapatid.
Gin: Nauunawaan rin kita bez pero paano yan makikita kang ganyang itsura mo ni Zen. Tiyak na magtataka iyon.
Me: Mag-aayos muna ako pagkatapos ko nitong kumain ng merienda.
Gin: Sige bez kumain ka na muna diyan mamaya na lang ulit. Bye.
Pagkatapos binalik ko ulit ang cp ko sa pinaglalagyab nito at tinapos kainin ang mga pagkaing nakalatag rito.
Naligo muna ako at nag-ayos ng kaunti at saktong pagtawag sa akin ni Zen.
I have cleared my throat before I answered the phone.
Trozen appeared his amazing looks with a great smile and nice greeting.
Zen: Thaea musta ?
Me: Ok lang naman. Ikaw?
Zen: Heto medyo pagod sa trabaho at napakaraming ginawa. I miss you na. Kailan ka na babalik?
(Pinigilan ko ang luha na lalabas sa mata ko.)
Me: Sana gumusing na ang kapatid ko? Para bumalik na rin tayo sa dati.
Zen: Oo nga!!! I missed you very much wifey. Araw-araw iniisip kita kahit nasa oras ako ng duty kaya nakakayanan kong gawin ang mga yon kapag naiisip kita Thaea.
Me: Ganun din ako. Araw-araw kong hinihiling na makabalik na ako diyan at makasama kita ulit. I missed you more hubby.
Namimissed ko na talaga siya sa totoo lang. Gusto ko na siya makayakap sa pamamagitan ng mga bisig niya at makasama ulit tapos kakanta kami.
Zen: Sana lang Thaea. Sana pagbalik mo rito ako pa rin ang mahal mo at ako pa rin iyong gusto mo makasama.
Napakunot ako bigla sa sinabi niya. Bakit niya ba ito sinasabi sa akin?
Bigla ko tuloy naaalala ang nangyari kanina at yung mga nangyaring awkward na eksena sa pagitan namin ni Greige. Dalawang beses na pala ako nagsinungaling sa kanya at nasasaktan ako sa ginawa ko na iyon pero mas magandang manatiling lihim na lang kaysa siya ang masaktan ko.
Me: Ano pinagsasabi mo diyan Zen?
Zen: Sinasabi ko lang ang mangyayari Althaea at di maiiwasan yan dahil diyan rin tayo nagsimula noon.
Me: Sa pagpanggap?
Zen: No. nag-umpisa tayo sa pagiging stranger tapos madalas na tayo nagkikita at naging close pa sa isa't isa hanggang magkahulugan na ng loob.
Me: Impossible iyang sinasabi mo hubby. Sobrang magkaiba kayo ni Greige. Napakabait mo, caring, sincere, understanding at higit sa lahat gwapo kaya nahulog ako sayo. Kahit minsan clingy ka at makulit pero tanggap ko iyon.
Zen: Sana lang Thaea. Sana lang. Tayo pa rin sa huli.
(Naging malungkot ang itsura habang nagsasalita kaya hindi ko maiwasan mag-alala sa kanya.)
Me: Pangako yan hubby ikaw pa rin mamahalin ko.
Zen: Huwag ka muna mangako Althaea baka mas lalo lang ako masaktan.
Magsasalita pa sana siya nang marinig kong may tumawag sa kanya boses ng isang lalaki.
Zen: Sige hubby tawag ako ng katrabaho ko. Mag-ingat ka na lang diyan.
Nag-paalam na rin ako sa kanya pagkatapos at nilagay ko ulit sa drawer ang cellphone ko.