Kasalukuyang nagliligpit ng kwarto si Althaea nang tumunog ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kama. Huminto siya saglit at umupo sa kama upang sagutin ang tawag. Boses pa lang alam na niya kung sino ang tumawag, si Troezen. Althaea: Hello Zen napatawag ka? Zen: Wala ka bang pasok ngayon? Althaea: Naka-leave ako ngayon sa office. Bakit? Zen: Yayain sana kita ng date, pwede ba? Nanlaki ang mga mata ni Althaea sa kanyang narinig kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. Hindi niya kasi inaasahan na yayayain siya ng binata na magdate sila. Althaea: Sure. Anong oras at saan tayo magkikita? Zen: I-sesend ko na lang sayo ‘yung oras at yung lugar. Althaea: Bakit kasi hindi mo na lang sabihin dito at kailangan pang i-text? Zen: Basta. Maghanda ka na lang tapos wait mo yung text ko,

