Third Person’s Point of View Mabilis na lumabas ng kwarto si Althaea matapos sabihin sa kanya ng isa sa mga maids nila sa mansion tungkol raw sa gwapong lalaki. Wala siyang ideya kung sino dahil wala namang ibang lalaki nakakaalam ng kanyang address maliban lamang sa mga taong sobrang malapit sa kanya. Naglalakad na siya pababa sa hagdan patungo sa living room na kung saan naroon daw yung naghihintay sa kanyang di-kilalang lalaki. Pagkarating ni Althaea, napakunot siya ng noo pagkakita sa kanya na bisita. Nakatalikod ang lalaki pero kilala na niya kung sino dahil sa postura ng binata at maging sa amoy ng pabango na kanyang nalalasap sa paligid. Walang iba kundi si Zen at hindi niya inaasahan ang pagdalaw sa kanya ng binata dahil wala man lang ito pasabi sa kanya through texts or calls.

