Niyakap nang napakahigpit si Althaea ng kanyang matalik na kaibigan na si Ginger. "Saan ka pa nagpupunta bez kanina pa ka namin hinahanap para yayain sana kumanta ohhh." kasabay ng pagnguso niya roon kay Rayver na kasalukuyang umaawit ng isang OPM love songs. Maya-maya nakita na rin siya ng kapatid na abala makipag-usap kay Greige at nang makita siya nito agad itong lumapit din sa kanya. "Sis saan ka ba galing ahhh? Mabuti na lang hindi ko pa 'to ipinapaalam kina Mom baka kasi magpanic 'yon kapag sinabi ko." "Naglakad-lakad lang ako sa tabi ng dagat." napatitig naman siya sa gawi ni Greige na halatang di pinapansin ang presensya niya habang nagtitingin-tingin sa songbook na hawak nito. Sa lahat ng naranasan niya sa binata, ito na ang pinakamasakit. Kung sa bagay iyan naman talaga an

