Third Point of View Abala si Althaea sa paglalagay ng mga lahat ng kanyang kailangan sa maleta. Pupunta siya ngayon sa Bicol upang i-celebrate ang kanilang birthday ng kakambal niya, na muntik na niyang hindi maalala ito kundi pa tumawag at ipaalala sa kanya ng kapatid. Flashback: 15 days earlier Kinuha kaagad ni Althaea ang cellphone nito at gulat siyang makita na naka-video call ito at nabasa niyang ang kakambal na si Athena ang tumatawag sa kanya. Sinagot niya kaagad ito at bumungad sa kanya ang nakangiting kapatid na ngayon niya lang nakitang ganito. Binati siya nito pagkakita sa kanya at ganoon din siya. "Athena? Napatawag ka?" "Oo nga eh. Ngayon ulit ako nakatawag sa sobrang daming ginagawa dito sa office." "Ako rin." tipid na sagot ni Althaea. "Napansin ko kasi sa kalendary

