Chapter 20: Missing Her

2315 Words
Wexford Greige's POV Narito na ako ngayon sa bahay nila Athena at hindi mawala ang ngiti ko sa labi naglalakad patungong gate, pinapasok naman ako ng kanilang guard saka dumiretso sa kanilang mansion. Dala-dala ko ngayon ang paborito naming beef steak na pinatake-out ko naman sa  waitress kanina sa isang nadaaanan kong resto. Patuloy lang ako sa paglalakad nang makapasok na ako sa loob nang makita ko si Terylene na may pagtataka sa mukha nito pagkakita sa akin. "Sir Greige nandito ka pala." nakangiting saad niya sa akin saka napatitig siya sa dala kong pagkain. "Si Athena pala?" agad kong tanong na may hindi mawala ang ngiti sa labi. Napailing lang ito at napakunot ng noo na ikinapagtaka ko. Tila nag-iisip pa siya ng sasabihin sa akin. "Wala po si Ma'am Athena rito eh." mahinahong sabi niya na unti-unting nawawala ang ngiti ko sa labi kasabay ng pagkakunot naman ng noo ko sa naging sagot ni Terylene. "Saan siya nagpunta?" curious na tanong ko sa kanya. "Pagpasok ko kaninang umaga bumungad sa akin si Misis Muestra at ang sabi nasa Korea raw ngayon si Ma'am Athena. Ikinagulat ko rin pagkarinig ko dahil biglaan ang kanyang pag-alis at wala man lang iniwan o bilin sa akin noong mga nakaraang araw na aalis siya." mahabang paliwanag niya na naging sapat na sa nalaman ko tungkol sa pag-alis ni Athena. Hindi na ako nagsalita pa at naglakad na lang palayo sa mansion at di ko na rin pinakinggan pa ang sasabihin niya, dumiretso lang ako palabas ng kanilang compound hanggang sa makapasok na ako ng loob ng kotse. Nainis ako na ewan sa nalaman ko na umalis pala siya na wala man lang paalam sa akin kahit tinext lang niya sana ako. Napapikit na lang ako pagkatapos dahil sa nararamdaman ko. Ang saya ko na sana tapos ganito na lang malalaman ko. Mga ilang sandali pa ay pinaandar ko na kotse at mabilis na pinaharurot ito pabalik ng opisina. Pagkatapos ng pananghalian, dumiretso na agad ako sa trabaho para di na ako makaramdam ng frustration sa di pagbibigay-alam ni Athena sa akin na pupunta pala siya ng Korea. Nasasaktan na sobrang nagtatampp sa ginawa niya. Bakit hindi man niya lang ako sinabihan? Eh di sana nakapagpaalam kami sa isa't isa hindi iyong ganito. Sa sobrang g**o ng aking pag-iisip, hindi na gaano ako maka-focus sa ginagawa kaya napag-isipan kong after office hours babalik ulit ako sa bahay nila baka nagbibiro at tinataguan lang ako ni Thena at ang totoo naroon lang siya sa mansion at di nagpapakita. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Pagsapit na ng ala-singko inayos ko na agad ang sarili at nagmadaling naglakad palabas ng opisina. Hindi ko na rin nahintay si Harold kaya tinext ko na lang siya na mauuna ako dahil may importanteng pupuntahan lang. Pumasok agad ako sa kotse at pinaandar na ito kaagad. Pagkalipas ng dalawang pung minuto nakabalik na kaagad ako sa bahay nila Athena at saktong nakasalubong ko ang kotse ng parents niya papasok sa gate at nakita rin nila ako kaya agad naman silang lumapit sa akin. "Nasaan po si Athena?" bungad kong tanong sa kanila samantalang napailing naman ang mga ito saka nagsalita si Tito Jaime. "Nasa Korea siya ngayon, iho. Sorry kundi hindi siya nagpaalam sayo. Nagmamadali na kasi siya that time kaya hindi na niya nagawang magpaalam sayo." napatitig naman ito ulit kay Tita Wendy saka ulit nagsalita. "At huwag kang mag-alala hindi naman siya magtatagal doon. Inutusan lang namin si Athena na siya na mina ang makipagdeal kay Mr. Lee dahil hindi pupwedeng iwanan namin ang kumpanya ngayon dahil napakaraming problema na dapat ayusin." seryosong paliwanag ni Tito saka ako tinapik sa balikat. "One week lang naman siya sa Korea iho." malumanay na saad naman ni Tita at napatango na lang ako bilang sagot. "Anyway gusto mo ba saluhan kami sa hapunan?" paanyaya naman ni Tito Jaime sa akin kasabay ng pagturo niya papasok ng mansion. Tumanggi ako sa pag-imbita nila at nagdahilan lang akong maraming aasikasuhin. Ang totoo gusto ko nang umuwi ng bahay at uminom. Nagbihis agad ako at tumungo sa isang maliit ng area ng bahay namin kung saan nakatago ang mga alak. Napansin ni Yaya ang pagsalin ko ng alak sa baso kaya lumapit ito sa akin. "May problema ba iho?" nag-aalalang tanong niya sa akin kaya naupo muna ito kaharap ko para kausapin. "Ang sakit lang Yaya na iyong taong mahal mo hindi man lang nagawang magpaalam sa akin bago pumunta ng ibang bansa. Sobrang nakakatampo." sabi ko saka muling nilagok ang alak. "Baka nakalimutan lang niya siguro." malumanay na saad nito saka nilapat ang dalawang braso nito sa mesa at pinagdikit ang kanyang dalawang kamay. "Hindi Yaya. Sa palagay ko, mukhang sinadya niya lang po kasi impossibleng nakalimutan niya magpaalam sa akin kahit sa text man lang." saka ko ulit nilagyan ng alak ang baso. "Pero hindi maganda sa kalusugan ang pag-inom na walang laman ang tiyan baka mapano ka niyan at mas lalong hindi solusyon sa problema mo ang pag-inom ng alak. Kung narito man si Athena siguradong sandamakmak na sermon aabutin mo." pahayag ni Yaya kaya napatitig naman ako sa kanya sa huling sinabi niya. Doon naman siya magaling ang manermon. Pero sa kabila ng pag-uusap namin nagiging ok na rin ang pakiramdam ko dahil kahit papaano nai-open up ko siya kay Yaya. Simula kasing naging busy na parati sina Mama at Papa sa kumpanya noong high school pa lang ako, si Yaya na ang madalas napagsasabihan ko ng problema at sama ng loob kaya itinuring ko na rin siyang pangalawa kong magulang. Siya ang nakakaramay ko kapag oras na nalulungkot ako. "Ok lang 'to Yaya huwag po kayo mag-alala sa'kin kaya ko naman ito eh." buong tiwala sa sarili sinabi ko sa kanya. Gusto ko lang kasi matanggal itong sakit nararamdaman ko. Tingin ko kasi parang kinarma na rin ako sa mga ginawa kong pagbabalewala sa kanya noon. Heto na yung consequence na ginawa ko at ako naman iyong labis na nasasaktan sa aming dalawa.  Nilagok ko muna ang alak na nasa baso bago ko kinuha ang cellphone ko sa mesa at tinignan kung may texts or tawag si Athena pero wala akong nabasang notifications sa screen ng phone ko tanging picture naming dalawa na nakawallpaper ang nakikita ko. Kaya agad kong dinial ang phone niya but she doesn't answering me. I have tried to repeat my calls for the five  times but she's still not while keep ringing in the opposite line. I have decided na magpalis ulit ng alak mula sa bote sa baso at inubos ko iyon hanggang sa nakararamdam na ako ng pag-iinit sa buo kong katawan at pagkahilo hanggang sa na bigla ko na lang akong napapikit at nakatulog sa kusina. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Pagkamulat ko nagulat na lang nang mapansin na nasa kwarto na ako at nakahiga na sa malambot kong kama. Wala akong ideya kung sino nagdala sa akin rito tanging nararamdaman ko na lang kundi sakit ng ulo. Mga ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto at agad ko itong pinapasok. Si Yaya Celeste pala. "Heto uminom ka muna ng kape pang-alis ng hang-over mo." sabi niya habang bitbit ang isang tray laman na mga pagkain. "Saka heto pinagluto rin kita ng sopas para uminit ang sikmura mo at malagyan na ng laman iyang tiyan mo." sabi niya na may tono ng panenermon sa akin. Hindi naman ako naiinis sa panenermon niya sa akin dahil alam ko kasing kasalanan ko naman at hinahayaan ko lang siya dahil sanay  na rin naman ako at pangalawa ko na rin siyang magulang. "Salamat po rito, Yaya." nakangiting saad ko sa kanya at nginitian niya rin ako. "Sige maiiwan muna kita, marami pa akong gagawin sa baba." sabi niya saka naglakad na ng palabas ng kwarto ko. "Ugh sakit ng ulo ko." bulong ko sa sarili. Bakit ba kasi ako nagkakaganito ngayon kay Athena? Dati hindi naman ako ganito sa kanya dati ah. Yung tipong nababaliw at hindi napapalagay kapag nawawala yung atensyon niya sa akin, yung hindi nagpaparamdam at higit sa lahat yung masyado akong nagpapaapekto kapag tungkol sa kanya na dati-rati na normal lang? Eh di kaya mas minahal ko lang talaga siya ngayon? Hays. Baliw ka na talaga Greige kay Athena. LUMIPAS ang isang linggo na hindi ko iniisip si Athena. Kasi kung siya na laging iintindihin ko baka mawala na ako sa sarili at hindi na ako makapagfocus sa trabaho. Hinayaan ko na lang sarili na magbabad sa kakatrabaho at kalimutan pansamantala si Athena tutal siya rin naman ang unang nakalimot sa aming dalawa. Ano pa? Di ba? Kahit mahal ko siya hindi ko ibaba ang pride ko dahil sa kanya? Ayaw ko pati yung kumpanya na pinaghirapan ng mga magulang ko masira nang dahil lang sa katangahan at kabaliwan ko. Is it unprofessional right? Ako na yung C.O.O. ng kumpanya and future C.E.O sa darating na pagkakataon na ipapasa na sa akin ni Dad ang trono niya. Kaya umayos ka Greige! Pag-ibig lang 'yan. KINABUKASAN pumasok na ako nang maaga sa opisina para ituloy ko yung na-pending kong ginagawa kahapon. Lumipas ng isang oras na pagtutok ko sa trabaho may biglang kumatok. "Come in." mabilis kong saad habang nanatili lang ang mga mata ko sa monitor ng computer. "Hi brad musta?" bungad sa akin ni Harold. Kaaga-aga eh nandito agad siya sa office ko para makipagkwentuhan tzk. "Ano kailangan mo?" tinignan ko siya ng isang seryosong mukha katulad noon na ginagawa ko kaya bigla siyang nagtaka sa inasal ko ngayon. "Parang bad mood ang C.O.O natin ngayon ah? Anyare ba?" may pagchismoso din ang isa ito tzk. Pasalamat na lang pinsan ko siya at magkasundo kami kundi pinalayas ko na rito sa opisina at ipanatanggal na sa trabaho. "Wala." pagdedeny ko na lang sa kanya kahit meron ayaw ko na kasing isipin pa distraction lang sa ginagawa ko. "Anong wala? Halata sa itsura mo na hindi maganda ang araw mo." dagdag pa niya saka umupo siya sa sofa. Wala ba siyang balak bumalik sa opisina niya at gawin ang trabaho. Napakaaga masyado para makipagkwentuhan. Hindi ko na lang siya sinagot at muling nag-focus sa ginagawa ko. "Si Athena nanaman ba?" ngumisi siya kaya nagpakunot sa noo ko kaya nilingon ko si Harold saglit at muling ibinaling sa computer. "Balita ko nagpunta raw siya sa Korea?" napatingin ulit ako sa gawi niya at itinigil ang ginagawa ko. Halatang chismoso rin talaga ang isang 'to. "Nabalitaan ko lang." agad niyang tinaas ang kaliwang kamay indikasyon na dinepensahan ang sarili. Nanatili lang ako nakasanding sa inuupuan ko at nakasalampak ang kamay sa table at nakaharap sa kanya. "Kanino?" agad kong tanong. Pati ba naman kasi ang ganoon nagawa pang i-tsismis. Napahinga na lang ako nang malalim pagkatapos. "Narinig ko lang sa kung saan. Alam mo naman may pagka-radar ata itong tainga ko kaya ganoon na lang kadali makasagap ng balita." aniya habang nakaupo ng nakadekwatro na posisyon. "Baka may makilala si Athena na Koreano doon brad, pfft." nagpipigil nitong tawa. "Alam mo naman ang mga girls dito sa atin mahilig sa mga Koreano di ba? Grabe kung makatili kapag nakikita ang mga 'yon." mahabang saad niya na nagpipigil pa rin sa pagtawa. Mukhang ginogoodtime ako ng isang 'to ahhh. Konti na lang mapapalayas ko na siya dito sa office. "Hindi ganoon si Athena." kalmado ko lamang sagot sa kanya. "Gaano ka nakakasigurado?" hindi na niya napigilang tumawa at humalakhak na ito. Nagpipigilang na nga lang ako sa sarili baka kasi siya na malapit sa akin mawala pa dahil sa bugso kong damdamin. Kaya pinakitaan na lang siya na hindi ako ganoon ka-interesado sa sinasabi niya. I prefer to be expressionless. "Wala sa kalingkingan ko ang mga Koreano na iyon. Mas gwapo ako sa kanila at malakas ang dating." confident ko na lang na sabi para manahimik na rin siya at napatigil na rin siya sa pagtawa. "Hangin brad ah." agad niyang puna sa akin. "Paano kung may magkagusto kay Athena na Koreano at saktong natipuhan niya rin?" bigla nawala ang ngisi ko sa mga labi nang sambitin niya ang huling kataga kaya muli niya hinarangan ng braso ang mukha nito at humahakbang paatras papalabas ng opisina ko. Nakita niya kasing nanlilisik na ang aking mga mata kaya agad na siyang umiiwas. Alam na niya kasi kapag nauubos na ang pasensya ko. "Joke lang brad ahhh, baka awayin mo na ako niyan." aniya habang humakbang paatras patungong pinto. "Aalis na ako baka masunog pa office mo dahil sa nagliliyab na apoy diyan sa ulo mo." sabay sarado nito ng pintuan saka naman ako humarap ulit sa computer. Habang may mga ginagawa ako, hindi ko maiwasan ma-imagine ang mukha ni Athena. Hindi ko maiwasan makaramdam ng pagka-miss at pagkasabik sa kanya kahit ganito ginawa niya sa akin. Hindi talaga siya mawala sa isip ko kahit gaano man ako ngayon ka-busy sa trabaho. Sumunod na mga araw mas naging busy pa ako sa trabaho na kahit sa bahay  inaatupag ko pa rin siya. Maganda na rin kasi iyon para hindi ko na gaano iniisip si Athena. Kasi kapag iniisip ko siya mas lalo lang nababaliw na nasasaktan at sumasama ang loob sa ginawa niyang hindi pagsabi sa akin sa pagpunta niya ng abroad. Hanggang sa mga lumipas pang tatlong araw hindi ko na siya naiisip na katulad ng dati kapag nasa trabaho ako, walang ibang iniisip kundi ang responsibilidad at obligasyon ko dito sa kumpanya namin. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Sa sobrang tutok ngayon sa trabaho halos hindi ko napansin ang oras na quarter to five na kaya sandali akong napaunat ng aking mga braso hanggang sa umilaw ang cellphone ko at nagvibrate ito. Nakita ko ang pangalan ni Athena ang tumatawag kaya agad ko itong kinuha. Bigla akong na-excite kahit nitong mga araw hindi ko na siya gaano iniisip. Ewan ko ba? Bakit bigla ganito nanaman ako. Sinagot ko ang tawag at siya ang unang nagsalita sa halip na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD