Nagising na lamang ako nang may narinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad akong napamulat at tinanong kung sino ito.
Si Yaya Helena pala.
"Ma'am Thaea pinatatawag po kayo ng parents niyo sa baba kaya di na ako nakapaghatid pa ng pagkain niyo po dito." malumanay na saad nito.
"Sige po Yaya susunod na lang po ako." sagot ko na lang habang nanatili pa rin nakahiga sa kama.
Maya-maya napagdesisyunan ko nang lumabas at bumababa.
"Nandito na si Thaea." saad ni Dad pagkakita sa akin na naglalakad pababa ng hagdanan.
"Kumain ka na muna." kasabay ng pag-alok nito sa akin habang patuloy lang si Mom sa pagkain.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa kong pagsagot sa kanya. Kung sabagay kahit anong gawin ko, hindi ko mapapantayan si Athena sa paningin niya.
"Hmmm, Thaea?" pagtawag sa akin ni Dad saglit at lumingon naman ako sa kanya.
"Ano po iyon?" saka ako ulit tumingin sa kinakain ko.
"Sigurado ka ba talaga honey sa balak mo?" sabat naman ni Mom kaya napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Ano po ang sasabihin niyo, Dad?" saka ko binitawan ang kutsara't tinidor.
"Kapag sinabi namin ito sa iyo, make sure na wala munang makakaalam. Promise me na isekreto mo lang muna ang tungkol rito." seryosong saad ni Dad sa akin.
Ano naman kaya iyon?
"I'll promise Dad that I will not say it to anyone."
Huminga nang malalim si Dad bago nagsalita.
"Gising na ang kakambal mo." napatingin ako bigla kay Dad pagkarinig ko ng sinabi niya.
Gising ni Athena? Kailan pa?
"Kailan pa?" interesado kong tanong.
"Actually isang buwan na siyang gising mula sa coma kaya isang buwan rin kaming wala ni Mom mo dito sa bahay dahil pinuntahan at sinamahan namin muna ang kapatid mo." mahabang paliwanag ni Dad.
"So you lied to me na may pinuntahan kayong business trip?"
Bakit hindi man lang nila sinabi sa akin agad? Para namang makawala na ako sa sistema ko.
"Para sa kapakanan lang naman ng kakambal mo ito at sayo rin, Althaea."
"Make sure nang wala kang pagsasabihan nito. Is that clear Althaea?" paalala muli ni Mom sa akin.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"How is she?" tanong ko naman kay Dad.
"She has a better condition now pero kailangan niya pa mag-stay in doon for more recoveries." aniya ni Dad.
"Can I see her?."
Nagulat si Mom and Dad sa sinabi ko. Why is that? Bibisitahin ko lang ang kakambal ko for good. Matagal na rin kami hindi nagkikita niyon.
"Hindi pa pwede anak. Baka masundan ka at may makaalam nitong sikreto natin lalo pang unti-unti pa lang bumabangon ang kumpanya."
"Mag-iingat ako. Kung gusto niyo aalis ako nang madaling araw dito sa mansion nang walang makakapansin sa akin. I wanna see and talk to my sister." pagmamatigas ko pa.
Oo gusto ko na talaga makita si Athena at makausap.
"Ok. Basta mag-iingat ka."
"Huwag mo kami ipapahamak sa gagawin mo, Althaea. Just make sure you and Athena are still secrets." sabi ni Mom.
"Yes I assure you, Mom and Dad."
Pagkatapos ng dinner at usapan namin ng parents ko, agad na rin ako tumungo sa kwarto upang ihanda na ang mga dadalhin ko para bukas.
Alas-diyes na ako nakatulog pagkatapos ng preparation ko tomorrow papunta sa vacation house namin na kung saan doon pansamantala namamalagi ang kapatid ko.
KINABUKASAN.
Alas-tres pa lang ng umaga gumising na ako para makaligo at makapag-ayos na ng sarili. Tanging cup noodles lang kinain kong almusal bago napagdesisyunang lisanin ang mansion gamit ang kotse ni Athena.
Nakarating na rin ako sa wakas sa destinasyon ko. Nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib at hindi ko alam kung bakit? Dapat nga matuwa ako na makikita ko nang buhay na ang kakambal ko? Bakit imbes na saya, kaba ang aking nararamdaman.
Huminga ako nang malalim bago pumasok ng bahay at nakangiting sinalubong ako ng ibang maids at ng mga katiwala dito sa bahay.
"Si Athena?" tanong ko rito.
"Nasa taas po hinihintay ka po niya?"
Dali naman akong umakyat sa taas at hindi na ako nagsalita pa pagkatapos dahil kinakabahan pa rin talaga ako.
Pagkarating ko sa lugar na iyon bumungad sa akin ang nakatalikod na si Athena. At tinawag ko siya.
"Thena?" malumanay kong saad.
Lumingon siya sa akin at nagulat rin ito.
"Oh Thaea, long time no see uh?" sabi niya sa akin saka niya ako tinihnan mula ulo hanggang talampakan bago nilapitan at hinalikan sa pisngi ganoon rin ako.
"Sinabi sa akin nila Dad na darating ka sa ganitong oras kaya maaga pa lang gumising na ako para makita kita kaagad." mahaba-habang litanya niya.
"So ikaw pa rin talaga ang kakambal ko." napangisi siya. Typical Athena. "Hindi ka pa rin nagbabago."
"Dapat pa ba ako magbago?" tanong ko na lang sa kanya. Lagi niya kasi napupuna iyong mga mala-old style kong itsura kahit noong mga bata pa kami. Hindi kasi ako gaano mahilig pumorma simple at maayos na pananamit sapat na sa akin iyon, samantalang siya talagang mga expensive ang sinusuot at magaganda rin naman talaga kahit nasa bahay lang siya. Iyan ang pagkakaiba naming dalawa.
"Nevermind sa sinabi ko kanina. Anyway kamusta na pala si Greige?" bigla napadako kay Greige ang usapan kaya napapitlag ako sa sinabi niya at hindi agad ako nakasagot.
Alam na niya? Kailan pa?
"Sinabi na sa akin nila Mom and Dad pagbisita nila dito, one month ago." sabi niya. Kaya pala.
"Ok naman na siya and he changed a lot. I thought you would be both ok." kinakabahang sagot ko ngunit hindi ko pinahahalata sa kanya.
"Really? It's good. Madali ko na lang siya mapapaamo for sure." sabi niya at inalok naman niya kaya binigyan ko siya ng confused look habang inaabutan naman niya ako ng maiinom.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Si Greige that time hindi siya yung taong madali mo i-please. Hindi siya yung taong madali mong mapakikisamahan." saad niya.
Pansin ko naman iyon kay Greige noon sa kanya. Pero isang himala nagbago siya sa ganoong klaseng pag-uugali.
"But thank you dahil binago mo siya. Siguro hindi na rin siya masyadong workaholic just like before?" tanong naman niya ulit sa akin.
"Hindi na siguro. I am sure na mas lalo mong mamahalin si Greige. He was a very caring and concerned boyfriend now."
Sa pagbitaw ko ng salita na iyon para akong tinusok ng karayom sa dibdib. Ang sakit lang dahil iyong taong gusto mong mahalin ay hindi pwede dahil may nagmamay-ari nito, higit sa lahat kapatid mo pa.
"Nae-excite na tuloy ako makita siya pero kailangan ko pang maghintay ng ilang araw." sambit niya pero ako naman ang hindi na maganda ang nararamdaman sa pag-uusap namin.
"Ikaw ano naman balak after these?" napatingin naman ako sa kanya kaagad sa tanong niyang iyon.
Wala naman ako magagawa kundi bumalik na ako sa dating buhay sa Manila kasama ang kaibigan kong si Gin, ang boyfriend kong si Zen at ng mga kabanda ko.
"Luluwas na ako ng Manila pagkatapos at babalikan ko yung iniwang trabaho ko sa Maynila at yung banda na rin." seryosong sagot ko sa kanya.
"So hindi ka na pala magtatagal dito? Sandali lang pala tayo magkikita at magkakausap?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Ganoon ba?"
"Pero kailan ang alis mo?" tanong naman niya.
"Pagkabalik ko na mansion galing dito." mabilis kong sagot sa kanya.
"Oh hmmm. I missed him so much. Super excited na akong makita siya." aniya.
May mga pinag-usapan pa kami ng kakambal at pagkatapos tumungo muna ako sa isang unvacant rooms para doon makapagpahinga.
Tinignan ko ang cellphones na dala ko, yung sa akin at kay Thena. Tinignan ko ang cellphone niya at tumambad sa akin ang mga texts at missed calls ni Greige na ikinasakit ng damdamin ko ulit.
Hinahanap niya pala ako sa bahay kanina.
Sorry Greige kung hindi ako nakapagpaalam sayo. Kailangan ko lang talaga ibalik na kita sa tunay na may-ari sayo, si Athena. I love so much at itatanim ko sa puso ko ang mga magagandang memories natin. Sana kapag nagkita ulit kayo ng kapatid ko, hindi ka na babalik sa dating ikaw. Sana iyong pinapakita mo sa aking pagmamahal, ipadama mo sa isang tunay na Athena.
Naluluhang saad sa isip ko habang nakatingala sa kisame. Pinunasan ko ito ng aking daliri saka sinimulang ipikit ang mga mata hanggang sa di namalayang nakatulog na ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa haba ng aking tinulog hindi ko namalayan na tanghali na pala at saktong tinawag naman ako ng isa sa mga maid dito.
Sinabi ko na lang na susunod na ako habang inuunat-unat ko muna ang mga braso saka na tumayo sa kama.
Nakita kong kumakain na pala ng lunch si Athena pero nang makita ako, napatigil ito sa pagkain.
"Naistorbo ko ba tulog mo?" bungad niyang tanong.
"Hindi naman actually gising naman na ako nang tawagin ni Ate Wendy." sagot ko sa kanya at tumango lang siya bilang sagot.
Pagkatapos kumuha na rin ako ng kanin at ulam saka kumain.
Pagkatapos namin mananghalian, niyaya niya akong manood ng movie. Nakita kong may nilabas siyang isang CD at napansin kong picture ni Kathryn Bernardo at Alden Richards yung nasa cover. I guessed na "I Love You Goodbye" yung papanoorin namin.
Since romance ang genre ng pelikula, hindi ko maiwasan na hindi makarelate.
"Sa totoo lang simula nang magising ako, hinahanap ko na agad si Greige, kaso sabi nina Mom and Dad hindi pa raw pwede dahil kailangan kong maghintay ng isang buwan pa para to make sure na maayos na condition. And they said na nandoon ka naman para magpanggap bilang ako at alalayan si Greige kaya naging panatag ang loob ko because of that." mahabang litanya niya habang nakatutok sa TV.
"Thank you for caring him, Thaea and making him change. Siguro dahil sa nagbago na siya, hindi na kami maitutulad sa dati." dagdag pa niya saka siya lumingon sa akin.
Ngumiti lang ako bilang sagot at pinili makinig sa mga sasabihin niya.
Nang matapos na ang pelikulang pinapanood, niyaya niya ako pumunta sa ilog at maligo. Pumayag din naman ako sa anyaya niya sa akin.
Nakasuot siya ng bikini at walang hiya na ilantad ang magandang hugis ng kanyang katawan samantala ako naman ay nakacycling short at sports b*a ang sinuot kaya tinawanan lang niya ako.
"Hay nako Thaea pati pa rin sa pananamit, ganyan ka pa rin." nakangising saad niya.
"Parati na lang tayo salungat sa isa't isa, tzk. Mabuti na lang walang napansin sayo si Greige?" sambit niya habang kapwa kami nakatayo sa gilid ng ilog.
"Meron sa umpisa pero.....agad ko naman nagawan ng remedyo." paliwanag ko sa kanya habang nakatingin lang sa ilog.
"Ohhh. Magaling ka talaga, Thaea, mabuti nagawan mo nang maayos. Mabuti pa lumangoy na tayo. Let's havd fun." sabi niya bago lumusong sa ilog at sumunod na rin ako pagkatapos.
Mahigit trenta minutos kaming sumisid at nagbabad sa ilog hanggang sa napag-isipan nanamin bumalik sa bahay upang makapagbihis.
Sumunod, tumungo naman kami sa garden kaso nga lang maliit siya hindi tulad sa mansion na maraming tanim na bulaklak.
"Wala dito yung paborito kong bulaklak yung rose at tulips." puna niya pagkatapos titigan ang mga bulaklak.
"Oo nga eh pero pagbalik mo makikita mo naman sila na." saad ko habang tinitignan at inaamoy-amoy mga bulaklak.
Orchids at sunflower lang ang narito. Kahit yung paboritong kong zinia wala dito.
"Sabagay kaya lang naaexcite na ako makabalik sa bahay natin. Naiinip na rin kasi ako dito gawa ng hindi makalabas, tzk." bigla niyang maktol sa sarili.
"Malapit na kaya. Ano ka ba?"
"Naalala ko noon nang manliligaw ko pa lang si Greige, binibigyan niya ako ng orchid instead of rose and tulips na paborito ko kaya nagtampo ako sa kanya noon, hayz lalo na hindi niya alam yung taste ko sa flowers." naiiritang reaksyon niya.
Ganyan si Thena, may pagkamaarte talaga at sensitive pagdating sa pagbibigay sa kanya ng bulaklak. Parang bata lang na binigyan siya ng max na candy sa halip na lollipop. Childish things na hindi mo ikakaila sa kanya.
"Ang tagal na niyon saka sinagot mo naman na siya, di ba? Ano pa minamaktol mo diyan?" napapangisi na lang ako sa asal ng kakambal ko.
Kahit sa parte ng puso ko nasasaktan na ako na pilit itinago at pinapakitang ok lang.
"Eh suitor ko siya that time. He should know my tastes." giit pa niya.
Hindi na lang ako kumibo pagkatapos kasi parang tinutusok ko lang ang sarili sa karayom kapag nagbabanggit pa ako tungkol kay Greige.
Pagkagaling namin garden bumalik na kaagad kami sa bahay at nagpaalam muna dahil pumasok kami sa sarili naming kwarto.
Huminga ako nang malalim pagkaupo sa kama at hindi sinadyang napalingon sa cellphone ni Thena. Biglang pumasok sa isip ko na ibigay at isauli na ito sa kanya kaya mabilis akong kumatok sa kwarto niya.
"Oh Thaea?" napatitig naman siya sa cellphone na hawak ko.
"Ibabalik ko na." saad ko sabay abot sa kanya.
"Ah may cellphone. Namiss ko siya hehe." sabi niya na parang bata.
"Buti na lang naalala ko at inisip ko ng ibalik na sayo bago ako bumalik ng Maynila." saka tumitig sa cellphone na hawak niya.
"May mga pictures kami diyan ni Greige, patunay na ikaw yung kasama niya saka may nakalagay rin diyan yung mga nangyari and pati infos kung sakaling magtanong siya sayo." pinipigilan kong lumuha sa harap ng kakambal ko.
Mga ilang sandali naglakad na rin ako pabalik ng kwarto at doon ko sinimulang ibuhos lahat ng aking nararamdaman. Hinayaan ko na lang tumulo ang luha at pinunasan ito gamit ang panyo na pinahiram sa akin ni Greige.
Ito na lang ang tanging maiiwan na alaala niya sa akin....
Dadalhin ko ito hanggang sa makabalik na ako ng Maynila at ibalik ang dating buhay na sinimulan ko.