Chapter 18: Lunchtime

2493 Words
Althaea Cassidy POV Ilang araw rin akong nakapagpahinga buhat nang magkasakit ako. I'm very thankful na parating nasa tabi ko si Greige at hindi siya nagrereklamong mag-asikaso sa akin na labis ko talagang ikinatuwa. Tunay kong naramdaman ang pagmamahal niya sa akin bilang si Athena. Pero tanggap ko naman na hanggang dito lang ako at hindi ko pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko sa dalawang taong nagmamahalan di ba? Masama iyon. Lalo pang may tao ring naghihintay at umaasang babalik ako at muli kaming magsasama pero hindi na siya magiging tulad noon. Marami nang nagbago mula nang mahulog ang loob ko kay Greige. Sa kahibangan ko rin sa kanya, hindi ko na rin namamalayan may pagbabago na rin kay Zen. Hindi ko maipaliwanag 'yon pero napapansin ko sa kanya noong nagkausap kami nang nakaraang gabi na 'yon. FLASHBACK: Kausap ko ngayon si Zen sa laptop ko through skype. Napansin kong ang lungkot na ng mga mata niya at hindi ko na nakikita iyong dati siya na masayahin. Zen: Kamusta na ang lagay mo? Nakakain ka na ba nang maayos diyan? Hindi ka ba pinabayaan ni.....Greige?  (Ilang segundo lumipas bago niya sambitin ang pangalan ni Greige. Alam kong nagseselos na siya sa rito) Me: Ok naman na ako at unti-unti nang bumabalik ang lakas ko sa dati. (Napabuntong-hininga siya bago nagsalita ulit) Zen: Ganoon ba? Mabuti naman bumabalik na sa normal ang kondisyon mo. (May napapansin akong kakaiba sa kanya kaya nacucurious na akong tanungin siya ng ganito) Me: Ikaw Zen kamusta ka naman, halatang napagod ka ng husto ahhh? Tignan mo ang itsura mo. (Napailing lang siya saglit bago sinagot ang tanong ko) Zen: Ok lang ako, Thaea. Huwag mo nang alalahanin saka malayo naman ito bituka. (Hindi ako mapakali eh) Me: Sigurado ka ba? Kung may nararamdaman kang hindi maganda, magpatingin ka sa doctor. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. (Napangiti naman siya sa sinabi ko. Sa wakas, nakita ko rin lumabas ang ngipin niya na may pustiso hehe kahit pilit lang. Hindi kasi ako napapalagay na nakikita siyang ganyan eh) Zen: Oo, ok lang ako huwag mo nang isipin baka bumalik pa ang lagnat mo. Basta kapag nakabalik ka na dito sa Manila, mamahalin mo pa ba rin ako? (Sa tanong niyang iyon, biglang na lang ako nakaramdam ng kaba. Isang kaba na kapag sinabi ko sa kanya ang totoo baka masaktan lang siya lalo pa't wala naman akong kasiguraduhan kay Greige at ayaw kong nagagalaiti siya dahil masasaktan lang din ako. Ayaw ko ng g**o at masira ang plano nila Dad dahil dito) Me: Si--yempre naman.  (Bakit ako nauutal? Sana hindi niya mapansin na kinakabahan ako) Zen: Kasi ako mahal na mahal pa rin kita kahit nasa malayo ka wala pa ring nagbabago sa naramdaman ko sayo. Kahit na may....ay wala pala iyon. (Biglang iling niya at pag-iba ng usapan kaya doon ako nagtaka kung bakit) Me: Ano ba iyon Zen? May gusto ka bang sabihin sa akin? (Naguguluhan at curious na tanong ko sa kanya) Zen: Wala 'yon, ano ka ba? Nagkamali lang ako gawa ng daming iniisip sa trabaho kahit dito sa apartment namin iniisip ko pa rin. (Mabilis niyang pag-iiba ng usapan kaya mas lalo tuloy ako nacucurious sa mga kinikilos niya. Hindi ganito si Zen na kilala ko noon, hindi siya mahilig magtago ng sekreto. Dinaig pa niya ako sa pagiging honest) END OF FLASHBACK "Uy Ma'm Thena!....Ma'am Thena, nakikinig po ba kayo?" bigla na lang ako natauhan nang tawagin ako ni Terylene. Pinag-uusapan kasi namin iyon tungkol sa financial accounts noong nakaraang buwan sa ngayon. "I'm sorry. Ano nga ba 'yon?"  "Hay nako, akala ko nakikinig ka sa sinabi ko Ma'am Thena. Sino ba nanaman iniisip mo at lutang ka nanaman?" panenermon niya sa akin. Baligtad na talaga ang panahon ngayon at ako na ang sinesermunan. "Si Greige nanaman ba? Huwag ka mag-alala mahal ka niyon?"  "Hindi si Greige ang iniisip  ko." direstsahan kong sagot kaya napalingon siya sa akin habang inaayos ang mga papeles sa mga folders. "Eh kung ganoon sino?" Chismosa din ang babaeng ito oh ano? Hays sarap kutusin kung di lang ako mabait na amo sa kanya. "Hindi naman ako mahal ni Greige, ang tunay na Thena ang mahal niya. Nakikita niya lang sa akin ang kakambal ko kaya ganoon siya umasta sa akin." seryoso kong paliwanag sa kanya. "Kung sabagay hindi niya pala alam na nagpapanggap ka lang. Eh paano kung bumalik na ang original na Thena?" usisa pa niya kaya pinatigil ko na agad baka biglang marinig pa ni Greige ang totoo malagot ako ng wala sa oras. "Mabuti pa ayusin mo na iyan at may gagawin pa ako." saka ako ulit lumapit sa computer at itinuloy ko ulit ang paggawa ng balance sheet. Sa sobrang tutok ko na sa ginagawa ko, hindi ko namalayang mag-aalas onse na pala hanggang sa may narinig akong kumakatok sa labas ng mini office at laking gulat kong si Greige ang nakita ko at may dala na ring pagkain. Sineniyasan niya akong buksan ko na ang pinto kaya agad na rin itong binuksan. Napalingon rin dito si Tery. "Hi Sir Greige. Ang sweet mo naman may padala-dala ka pang foods ahh. Buti labas na muna ako doon na lang ako kakain sa dining area. Bye."  "Pinadala sa akin ni Yaya Helena saktong pagpasok ko nang mansion niyo." sabi niya. "Dapat ako magdadala sayo ng pagkain sa office di ba? Bakit nandito ka ngayon?"  "Huwag na. Hindi mo na kailangang hatiran ako ng pagkain sa trabaho. Ako na lang pupunta dito sa bahay niyo at sabay tayong kakain simula ngayon." paliwanag naman niya habang inaayos ang mga pagkain namin. "Eh hindi. Dapat ako pa rin maghahatid sayo." "Huwag na saka mapapagod ka lang eh kaya hayaan mo na lang ako ng gawin sayo ito." nginitian niya ako saka tinuro na niya sa akin na kumain at sumunod man ding ako. Mahigit dalawang oras siyang tumambay at nakipagkwentuhan sa akin dito sa opisina at napakaraming napag-uusapan naming dalawa. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Sumunod na araw, may dala naman siyang pagkain at sa palagay ko binili niya ito sa labas. Pareho naming paborito ang mga pagkain kaya nakaramdam agad ako ng gutom pagkakita ko rito. "Bumili na rin ako ng apples at oranges bilang panghimagas. Bigyan mo rin si Terylene mamaya, hindi natin mauubos 'to masyadong marami binili ko." saad niya habang abala naman kami sa pag-aayos ng mga kalat upang mailatag na ang pagkain. Pagkatapos naming mananghalian, nilantakan naman namin ang mga prutas na binili ni Greige. "Di kaya kulangan ka sa oras ng mga ginagawa mo sa opisina?" tanong ko sa kanyang habang binabalatan ko ang orange. "Ok lang magkulang ang oras ko at magpending ang trabaho ko, basta masulit lang na kasama kita. Gusto ko ring bumawi nang bumawi sayo ngayon." paliwanag niya saka tumayo upang hugasan ang mga apples sa faucet. Ilang sandali bago siya nakabalik ulit dito. "Pero mahalaga pa rin ang trabaho mo?" "Huwag mo nang problemahin 'yon. Kaya kong i-handle ang work at relationships." pangangatwiran pa niya. "Saka tignan mo dadami pa yang wrinkles mo sa mukha sa kaiisip ng problema na hindi naman na dapat isipin tzk." pang-iinis na saad niya kaya bigla ko na lang siya tinalikuran. Naiinis kasi ako. Siya na nga inaalala, siya pa yung matigas ang ulo. Napairap na lang ako sa kawalan. "Uy mi cielo galit ka ba?" bigla siyang lumapit sa pwesto ko. Hindi ko pa rin siya kinakausap. Naiinis lang kasi ako ang hilig mamilosopo hayz. "Galit nga siya! Pero sorry na ahhh. Ayaw ko lang kasi masyado kang nai-stress kay bata pa bata pa natin, grabe na yung lukot sa mukha natin? Papaano na kung magka-edad na tayo ng 40 para na tayong nasa 60's niyan?"  Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi niya. Tumayo ako at hinila siya palabas ng office at pumunta sa garden namin. Gusto ko kasi makasagap ng fresh na hangin kasama siya. "Hmmm, sarap ng simoy ng hangin." sabi ko habang nakapikit at nilalanghap ang hangin nang may biglang dumampi na labi sa pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa ni Greige kaya bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. "May naalala ka ba sa lugar na 'to?" tanong niya sa akin. Ano ba yung tinutukoy niya?  "Wala eh." habang napapaisip. Pero wala talaga akong naalala nangyari dito. "Tzk. Kinalimutan na nga niya."  Siya nanaman yung nagtatampo kaya kinabig siya para tanungin kung ano 'yon? Hindi ko na nga talaga naalala sa daming memories kasing binuo namin eh. "Hindi ko kinalimutan. Sadyang hindi ko lang talaga naalala." malumanay na paliwanag ko sa kanya. "Ano ba kasi iyon?" tanong ko na lang sa kanya. Ngumuso siya at tinuro ang labi niya. Kiss? Teka?! Teka! Teka! Wait, hmmm!!! "Natatandaan mo na ba?" nakangiting tingin niya sa akin kaya napaiwas nanaman ako ng titig sa kanya. Naalala ko na nga iyon kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ang ackward namin kasi niyon eh. Bakit sa dinadami-dami 'yun pa tzk. "Oo pero ano meron doon?" naguguluhan kong tanong. Ano ba kasi ibig sabihin niya sa eksena na 'yon? "Doon ko na-realized na mas minahal pa kita." sabi niya sa akin na ikinagulat ko kaya napalunok ako bigla sa sinabi niyang niyon. "Kaya inisip ko noon na halikan kita dito para malaman ang feelings na nararamdaman ko sayo kung nadagdagan siya. Kiss proved it." nakangiting kwento niya sa akin. Actually iyon nga siguro ang time napansin kong pagbabago sa kanya. "Wala ka man lang sasabihin, reaksyon o komento man lang mi cielo?" tanong naman niya ulit. "Hindi ko alam ang sasabihin." pailing-iling na sagot ko. Wala naman kasi ako maisip na sasabihin ko sa kanya lalo pa naiilang ako. "Ok lang mi cielo basta nandito ka at nandito ako, magkasama." pagkatapos inakbayan niya ako sa balikat. ~~~~~~~~~~~~~~~~~ Sumunod na araw, muli nanaman siya tumungo sa bahay at may pinamiling pagkain at pangdessert na rin. "Dapat hindi ka na nagbibili ng pagkain sa labas. It's not safe, mi cielo." sabi ko sa kanya nililigpit muna ang mga gamit na nakakalat dito sa office. "Malinis siya, mi cielo at binili ko siya sa exclusive restaurant at hindi sa gilid-giling lang." pagdidepensa niya sa sarili. Kahit kailan talaga itong si Greige, hindi rin minsan nagpapatalo. Hahanap ng butas para makalusot. "Sige sinabi mo eh saka nagugutom na rin ako." sabay himas na rin ng tiyan ko. Pagkatapos naming kumain nagpahinga lang siya sandali at umalis din agad dahil may meeting raw sila ng 1:00PM. Halos tuwing lunchtime nagiging ganito na ang set-up namin. Siya na lang ang gumagawi dito sa bahay sa halip na ako ang magdadala ng pagkain niya sa opisina. Habang tumatagal nasasanay na ako sa ganitong ginagawa namin at mas nakikilala ko pa siya ng husto. Sobrang layo na niya sa dating Greige na kilala ko kaya very thankful ako. Kaya sana kapag umalis na ako at nagising at bumalik na ang kakambal ko, ganyan pa rin siya para wala na silang magiging problema ni Athena. Pagsapit ng alas-onse bigla siyang nagtext sa akin na pumunta raw ako sa isang nasabi niyang restaurant. Nagpaalam agad ako sa mansion at sumakay agad sa kotse at pinaadar ito.  Mga ilang sandali nakarating na ako sa isang kainan na sinend niya sa akin kanina. Sa Veouxie's Restaurant..... Siya na rin nag-order at maya-maya pa naihatid na ng waiter ang pagkain. "Do you like it?" tanong niya habang ngumunguya pa rin ng pagkain. "Yes, ofcourse pero mas prefer ko ang lutong bahay." sagot ko sa kanya habang hinihiwa ang beef. "Pero di ba dati mas gusto mo kumakain tayo sa ganito?"  Luhhh???  Si Athena oo pero ako hindi. Mas gusto ko talaga lutong pagkain sa mansion. Yung specialty ni Yaya Helena. Pero nagpapanggap pa rin ako kaya I have no choice pero magsisinungaling ako. "Oo pero hindi na ngayon." sagot ko habang nakatutok lang sa kinakain. "You changed a lot, mi cielo pero para maiba naman ng ambience kaya dito kita dinala." pilit lang akong ngumiti sa kanya. Hindi naman kasi ako ang tunay na Athena, ako lang naman si Althaea. "Hindi naman siguro." yumuko ako ulit at nilantakan ang pagkain. "Yes. Nagbago ka na nga, Thena. Hindi na ikaw yung dati na nakilala ko from the start na magkakilala pa lang tayo." sabi niya ng diretsong nakatitig sa mga mata ko kaya napakurap ako at agad ininom ang orange juice. Hindi ko alam ang irereact ko ngayon. Hindi nga kasi ako si Athena kundi ako si Althaea na nagpapanggap bilang siya. Hirap kasi magpanggap ng ibang tao, hindi maiwasan ilabas ang natural ko, ang hirap gayahin ang kakambal ko kasi sobrang magkaiba kami sa isa't isa kahit magkamukha kami. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. "Ikaw rin naman." binalik ko na lang ang topic sa kanya. "Yeah, dahil sayo. Mas nainlove ako ngayon sa "New Athena". "Eh paano kung?...." hindi ko naituloy ang sasabihin nang magsalita siya ulit. "Kainin na natin itong dessert na inorder ko. Alam kong parehas nating paborito 'yan." Halo-halo? I am into salads.  Oo noong bata pa kami lagi kami nagtatalo sa dessert na gagawin tuwing Christmas Eve kasi magkaiba kami ng gusto ni Thena, sa kanya kasi Halo-halo samantala ako namay buko at fruit salads pinakapaborito ko. Limang segundo bago ko sinubukang kainin ang halo-halo dahil sa totoo lang masama ang panglasa ko rito. Dahil nagpapanggap nga ako kailangan ko siyang kainin at tiisin ang lasa nito. Pagkatapos namin kumain, pumunta muna kami sa isang park at pagkatapos napagdesisyon na rin namin umalis. Ako pabalik ng bahay at siya naman papunta naman ng office. "Sana all may ka-date." pagpaparinig ni Tery sa akin kaya nginisian ko lang siya. "Musta naman kayo ni Sir Greige? Pansin ko nagbabago na rin siya. Hindi na siya tulad ng dati." sabi niya habang natingin sa monitor. "Ok naman kaso nahihirapan pa rin ako gawa ng nagpapanggap lang ako." sabi ko sa kanya habang tinitignan at chinecheck ang bawat mga folders "Ganoon talaga. Lalo na kung sobrang magkaiba kayo." aniya. Hindi na ako nagsalita bagkus ipinagpatuloy ko na lang iyong di ko natapos kanina dahil dumating na si Greige. Sa sobrang pagkatutok ko sa computer hindi ko namalayan na mag-aala-singko na pala. Nalaman ko na lang nang nakikita kong nag-aayos na si Terylene sa pwesto niya. "Haixt nakakapagod." dinig kong sabi niya. "Pwede ba ako magleave bukas, Ma'am Thena?" tanong niya habang naglalagay naglalagay ng foundation powder sa mukha. Hindi na akong nagdalawang isip na payagan siyang magleave, kakayanan ko na lang ito mag-isa. "Pwede naman. Ilang araw ba?"  "Hmmm one week?"  "Sige pwede naman." iyon na lang naging sagot. Alangan pigilan ko magleave yung tao. Kailangan niya rin ng mahaba-habang pahinga at time para sa pamilya. "Thank you, Ma'am Thaea." binulong lang niya sa akin. Hanggang ngayon nalilito pa rin siya sa pagsambit ng pangalan naming magkambal. Nauna na si Terylene, maya-maya pa  sumunod na ako at agad namang dumiretso sa kwarto para makapagpahinga. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD