Chapter 17: Fever

2995 Words
Wexford Greige POV Kasalukuyan akong naghihintay ngayon kay Athena dito sa opisina. Lumipas ng bente minutos ng alas-onse hindi pa rin siya dumarating. Baka marami siguro ginagawa sa office niya kaya medyo late siya. Pagkalipas pa ng labing isang minuto, wala pa rin siya kaya agad kong hinablot ang cellphone at sinubukang tawagan siya. Maya-maya pa sumagot naman ang operator. Inulit ko pa siyang tawagan ng tatlong beses at panay ring lang ang maririnig ko. Napabuntong-hininga ako at biglang nagpop-up sa isip ko si Terylene, ang secretary niya. Tinawagan ko rin ito pagkatapos na agad naman niyang sinagot. Me: Hi Terylene, nandiyan pa ba si Thena? Kanina ko pa siya tinatawagan hindi sumasagot. (Ilang segundo pa ang katahimikan bago siya nakasagot) Terylene: Ahmm, mmma--ayy... (Ano ba iyan bakit siya nauutal? Kinakabakahan tuloy ako sa nagiging akto niya) Me: Terylene, please sumagot ka naman nang maayos? Bakit ka nauutal? Ano ba nangyayari? Sagutin mo na nga ako ng diretsahan. (Dire-diretso kong saad sa kanya. Ang bilis na kasi ng t***k ng puso ko sa kaba nararamdaman. Parang kinukutoban akong may hindi magandang nangyayari) Terylene: Ah Sir....kasi Sir (Narinig ko pa ang paghinga niya nang malalim) Terylene: Kasi po Sir Greige, inaapoy po ng lagnat si Ma'am Thena. (Biglang napakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya bago nagpaalam saka ako nag-ayos at lumabas na ng office room ko na ikinagulat naman ng aking mga empleyado) "Where are you going, Sir?" bungad na tanong ng secretary ko. "Ikaw na muna bahala sa meeting mamaya. I-forward mo na lang sa akin ang mapag-uusapan dahil may pupuntahan akong emergency." seryosong paglalahad ko sa kanya at tumango lang ito. "Noted Sir." "Kapag hinanap ako nila Dad ikaw na bahala mag-explain sa kanila. I have to go now." saka ako mabilis tumungo sa elevator at hindi ko na pa pinakinggan ang sasabihin pa ng sekretarya ko. Pagkarating ko sa bahay nila Athena bumungad sa akin ang mga maids nito pati si Yaya Helena niya. "Nasaan po si Athena?" nag-aalalang tanong ko sa matanda. "Naroroon siya sa kwarto puntahan mo na." agad na sagot nito at nagmadali naman akong tumungo sa kwarto niya. Ano ba kasi nangyari, mi cielo? Wala ka man lang text or message sa akin na may nararamdaman ka pala. Binuksan ko ang kwarto at nakita ko si Terylene kausap ang doctor at kinausap ko rin ito. "What happened to her?" hindi mapalagay na sabi ko kay Doktora. "She has a high fever due to her overfatigueness and lack of sleep." Pero hindi halata sa inyo niya ahhh. Parang ang sigla naman ng katawan niya kahapon. "Kaya hayaan na muna natin siya makapagpahinga nang sa gayon bumababa na ang lagnat nito." mahinahon na sabi ng doctor at tinapik ako nito sa balikat bago umalis. "Terylene ako na lang bahala rito. Bumalik ka na muna sa trabaho. Ako na lang mag-aalaga at magbabantay sa  kanya." mahina kong sabi saka ako umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang palad nito. "Sure po ba kayo Sir Greige?" nag-aalangan na sagot nito. "Oo. Kaya ko siyang alagaan huwag kang mag-alala." habang nakatitig ako sa magandang mukha ni Athena. "Sige po, aalis na muna ako." naglakad na rin ito papalabas ng kwarto habang pinipigaan ko siya ng face towel sa maliit na palanggana at pinunas ito mukha niya. Nakakabilib lang talaga sa girlfriend ko kasi hindi niya talaga pinapakita na nanghihina siya at may nararamdaman. She is the braviest woman I have met that's why it makes me love her more. Her strong and positive personality na wala ako make me amaze. Hinatiran ako ng pagkain ni Yaya Helena at agad ko naman kinain iyon at inubos. Nagutom siguro ako ng sobra sa pag-aalaga ko sa kanya. Ilang saglit pa hinawakan ko ang noo niya at naramdaman kong unti-unti nang bumababa ang lagnat niya kaya laking pasalamat ko na lang. Habang abala ako sa pagbabantay sa kanya, nakaramdam na ako ng antok kaya unti kong nilapag ang ulo ko sa kama niya at yumuko saka sinimulang matulog. Althaea Cassidy POV Nagising ako nang makita ko si Greige, nakaupo sa sahig at nakayuko sa ang ulo nito sa kama kaya agad kong hinimas ang buhok niya at agad ding nagising ito. "Mi cielo? Kanina ka pa gising?" gulat na tanong niya habang napipikit pa. "Kagigising ko pa lang." sabi ko. "Paano mo pala nalaman na may sakit ako? Saka paano yung naiwan mong trabaho? Napabayaan mo na dahil sa akin?" sunud-sunod na pahayag ko kasabay nang pagpout ko na ikinatuwa naman niya. "Huwag mo nang isipin iyon, ok? Baka mabinat ka niyan eh."  Wow ang sweet naman niya kaya mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya ng ganito. Pero sana kapag nagising na ang kapatid ko, maging ganito pa rin sana siya para tumagal pa ang kanilang relasyon. Habang iniisip ko 'yan hindi ko maiwasan masaktan at maging malungkot. Mahal ko na kasi si Greige kaya kapag humiwalay na ako sa kanya para bang mahihirapan akong makaahon pa. Hays!!! "Tzk, nag-iisip ka nanaman." dinig kong reklamo niya. "Itigil mo na nga 'yang pag-iisip mo, imbes gumaling ka na magkakasakit ka ulit." bakas sa itsura niya ang pag-alala kaya napangiti na lang ako bilang tugon. "Anong ngingiti-ngiti mo diyan ah? Pinagsasabihan lang kita at huwag matigas ang ulo."  Haha, para siyang kuya ah kung magsalita. Natutuwa tuloy ako. Cute niya rin kasi tignan kapag ganyan siya, umaapaw ang ka-sweetan. "Wala naman." sabay pisil sa pisngi niya. "Gwapong-gwapo ka talaga sa akin noh?" pagmamayabang pa niya. "Nagawa mong pisilin ang pisngi ko kasi naiinlove ka nanaman sa akin." dagdag pa niya kaya mas lalo akong napangiti. Nakakatuwa siya kaya madali akong makaka-recover nito dahil sa kanya. Maya-maya pa napatitig naman ako sa orasan at napansin kong ala-sais na pala ng gabi. "Umuwi ka na muna, mi cielo. Anong oras na ohhh, gabi na." sabay turo ko sa kanya ng wall clock na nakasabit. "Dito na lang ako at babantayan kita." wika niya. Tumanggi ako dahil ayaw kong mapagod siya nang husto dahil sa akin at may trabaho pa siya bukas. He needs to rest na. "No. Hindi ka matutulog dito." I said with disagreement on my face. "Bakit naman mi cielo? Ayaw mo bang makatabi ako sa pagtulog?" Kaya agad ko naman siyang hinampas sa balikat ng unan. "Ano ka ba nagbibiro lang naman ako eh." pagdipensya pa niya. "Mi cielo kailangan mo umuwi para makapagpahinga, ok? Nandito naman si Yaya Helena para tignan ako. Huwag ka na mag-alala sa akin." mahinahon kong saad sa kanya. Sana pumayag na siya. "Pero mi cielo....."  "Hindi pwede, mi cielo. Kung gusto mo puntahan mo na lang ako dito pagkagaling mo sa office." pagkukumbinse ko sa kanya. "Sige, uuwi na lang muna ako pero bago ako umalis, papakainin muna kita para may laman na ang tiyan mo." Ayun pinakain niya muna ako ng lugaw na niluto ni Yaya Helena saka siya nagpaalam sa akin umuwi. "Basta mi cielo bago matulog huwag na huwag kakalimutan inumin ang gamot mo ahh. Heto...." tinabi niya ang mga gamot sa lugar na madali kong makikita. "Sige aalis na ako ah." saka niya ako hinalikan sa noo at naglakad ng lumabas ng kwarto. Pagkalipas ng isang oras bago ako dalawin ulit ng antok, hinila naman ako ng aking paa patungo sa drawer para tignan ang cellphone ko kung may magtext. Biglang bumungad sa akin ang vc ni Zen kaya agad ko itong tinanggap. Zen: Anong nangyari sayo wifey? Bakit ganyan ang itsura mo? May lagnat ka ba? (Tumango naman ako bilang sagot) Zen: Uminom ka na ba ng gamot? Me: Iinom pa lang mamaya bago matulog at kakatapos ko pa lang kumain ng dinner. Zen: Sana nandiyan ako para samahan kita at maalagaan. (Napailing naman ako bago nakapagsalita. Sasabihin ko kaya sa kanya na si Greige ang kasama ko? Ayaw ko na kasi madagdagan pa ang pagsisinungaling ko sa kanya. Me: Ahmm, nandito si Greige kanina dinalaw niya ako. (Biglang lumungkot ang mukha niya. Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya) Zen: Nagseselos na ako sa kanya wifey. Dapat ako yung nandyan para sayo eh at hindi siya. Dapat ako yung kasama mo para gumaling ka, dapat ako yung nambabato sayo ng mga jokes at nagbibigay ng sweetness para matuwa ka. (Medyo naluluhang saad niya kaya napayuko na lang ako pagkatapos) Me: Sana nga.... (Iyon na lang ang nasabi ng bibig ko kasi hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo dahil mas masasaktan lang siya. Bilang kaibigan na lang, ayaw ko masaktan) Zen: Sana makabalik ka na rito, wifey. Sobrang missed na kita. At hindi na rin ako napapakali na nakikita kong nagkakasakit ka tulad niyan at kasama iyong boyfriend ng kakambal mo. Me: Hayaan mo, makakabalik rin ako diyan. Malapit nang gumising ang kakambal ko at nararamdam ko na. Zen: Ganoon ba? Eh di maganda iyan at makakabalik ka na rito at magsasama na ulit tayo. Me: Oo nga eh. (Napangiti na lang ako pagkatapos) Zen: Sige matulog ka na, masama ang nakatutok sa gadget nang matagalan baka mabinat ka pa. Saka huwag mong kakalimutam uminom ng gamot ah. Me: Oo naman, hubby. Zen: Sige goodnight na wifey, maaga rin ako bukas. Me: Goodnight too wifey and sweet dreams. Sabay na kami nagpaalam sa isa't isa at ininom ko na rin ang gamot bago natulog. ~~~~~~~~~~~~~~~ KINABUKASAN... Nagulat ako na narito na agad si Greige sa kwarto ko. "Nagfile ako ng leave for 3 days, tinawagan ko yung HR manager kagabi." sabi pa niya. "Sayang naman mga gagawin mo doon nang dahil sa akin eh." "Huwag mo ng problemahin iyon. Ang importante nandito ako para mabantayan kita nang gumaling ka na agad." aniya. Pagkatapos may inabot siyang mga prutas at nilabas ang mga iyon. "Bago iyan kailangan mo muna kumain ng almusal." Saktong pagdating naman ni Yaya Helena. "Pinagluto kita ng sopas para makakain at mainitan ang sikmura mo iha." malumanay na saad ni yaya saka nilapag ang tray na may lamang pagkain. "Sige doon muna ako sa kusina at marami pa akong gagawin. Iwan ko muna kayo." sabi ni yaya bago naglakad palabas ng kwarto. "Oh kumain ka na muna." sabay ayos sa aking hapag. "Ako na lang ang magsusubo sa sarili ko tutal kaya ko naman na." "Ako na magsusubo sayo at hayaan mo na ako ok?" pagmamatigas pa niya kaya hindi na ako nakipagtalo sa kanya at hinayaan ko na lang. Pagkatapos kong kumain, kinain ko na rin yung prutas na binili niya habang siya naman ay kumakain na rin ng breakfast dahil hindi pa raw siya nakakain niyon sa kanila at nagkape lang daw siya. Hays tignan mo naman oh dahil sa akin siya naman ang magkakasakit, tzk. Pagkatapos namin kumain, nagkwentuhan na lang muna kami. Bawal pa kasi sa akin ang gumamit ng mga gadget at manood ng TV, bawal ding nag-iisip masyado kaya di rin pwede kami maglaro ng mga boardgames. Kaya tamang kwentuhan lang kaming dalawa. "Sorry mi cielo hindi ko kayang magbigay ng mga jokes sayo para maging happy pill mo." sabi niya habang hinihimas niya ako sa buhok. Nakaupo kasi siya sa kama at ako naman nakapatong ang ulo sa mga hita niya. Ang sweet lang. "Ok lang mi cielo. Yung pag-aalaga at pagbabantay mo sa akin sapat na para gumaling ako." sabi ko naman sa kanya. Sobrang magkaiba nga silang dalawa ni Zen. Si Greige naman kasi kahit sa unang pagkakilala ko sa kanya napakaseryoso at napaka-striktong lalaki talaga siya samantala noong si Zen naman bago pa maging kami at magkaibigan pa lang eh talagang masayahing talagang tao siya at parating may dalang mga jokes para sa akin kaya iyon ang nagustuhan ko sa kanya kahit may pagkaclingy at makulit. Pero ito naman sa lalaking kasama ko ngayon, hindi ko alam kung bakit nagkagusto rin ako sa kanya at hindi ko rin alam kung kailan kong naramdaman ito. Eh samantalang sa umpisa pa lang hindi ko gusto yung ugali niya kaya nakakapagtaka nakaramdam ako ng ganito sa kanya. "Mi cielo mukhang lalim ata ng iniisip mo. Masama yung nag-iisip ka na hindi ka pa gumagaling." panay sermon niya sa akin kaya medyo naiirita ako kaya nilingon ko siya. "Grabe naman 'to? Masyado ka namang nag-alala eh. Ok naman ako, huwag mo masyadong aalahanin huh?" binigyan ko siyang ng isang inosenteng titig kaya napailing siya. Mukhang kinilig nanaman ang loko. "Bakit ka tumatawa diyan?" pagsusupla niya sa akin. Tignan mo? Masungit talaga tzk. Wala naman akong ginagawang masama. "Wala." nagmamaang-maangan na sagot ko saka ako ulit tumalikod sa kanya. "Ikaw na nga ang maysakit sa ating dalawa, ikaw pa ang malakas mang-asar." pagmamaktol pa niya kaya hindi na lang ako umimik pagkatapos. Lumipas ng sampung minuto, nakaramdam na rin ako ng antok kaya napahikab na lang ako. "Gusto mo kantahan na lang kita?" biglang alok niya kaya nagulat naman ako. "Sigurado ka ba?"  "Oo. Sige na matulog ka na. Kakantahan na kita." aniya kaya sinunod ko na lang siya at ipinikit ko na rin ang mga mata. Alipin by Shamrock Di ko man maamin  Ikaw ay mahalaga sa akin  'Di ko man maisip  Sa pagtulog ikaw ang panaginip  Malabo man ang aking pag-iisip  Sana'y pakinggan mo  Ang sigaw nitong damdamin Mahilig talaga siya sa mga slow at acoustic ballad song. Tutal bagay di naman na sa kanya eh. Nakakainlove. Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid  Sana ay iyong naririnig  Sa 'yong yakap ako'y nasasabik  Ayoko sa iba  Sa 'yo ako ay hindi magsasawa  Ano man ang 'yong sabihin  Umasa ka ito ay diringgin  Madalas man na parang  Aso at pusa giliw  Sa piling mo ako ay masaya Wait mukhang tagos sa akin ang mensahe ng kanta. Talagang inaamin niyang manhid siya sa nararamdaman niya para sa akin este para sa kakambal ko. Pero parang para sa akin ang kanta eh at nararamdaman ko iyon kaso nag-aassume na naman ako eh. Hindi ako si Athena at nagpapanggap lang bilang siya. Nasasaktan nanaman ako sa pinag-iisip ko ugh. Tigil na nga. Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid  Sana ay iyong naririnig  Sa 'yong yakap ako'y nasasabik  Pilit mang abutin ang mga tala  Basta sa akin wag kang mawawala...  Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid  Sana ay iyong naririnig  Sa 'yong yakap ako'y nasasabik  Pagkat ikaw lang ang nais makatabi Malamig man o mainit ang gabi  Nais ko sanang iparating  Na ikaw lamang ang s'yang aking iibigin Sana nga ako na lang si Athena na mahal na mahal mo para ako na lang iyong mamahalin mo pamhabang buhay. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Wexford Greige POV Pagkatapos kong kumanta, napansin ko ring nakatulog na si Athena kaya dahan-dahan ko nilapag ang ulo niya sa unan at kinumutan ito. Tumungo muna ako sa kusina nila upang ipagluto ko naman siya nang pananghalian niya. "Natutuwa akong nagiging ganito ka na kaalaga sa anak ko dati kasi hindi ka naman ganyan." dinig kong saad ni Yaya Helena habang abala ako sa paghiwa ng bawang at sibuyas. Oo marunong ako magluto at natutunan ko siya nang tumira ako sa Amerika ng isang buwan para sa isang business trip. Kaya laking advantage na marunong ka sa ganito para kahit papano maipagluto ang taong mahalaga sayo. "Oo nga po eh kahit ako nagulat sa sarili ko." Gulat rin naman nga ako kasi bigla na lang ako naging ganito sa kanya na hindi ko usually ginagawa noon. Dati kasi mas pinapriority ko ang mga trabaho sa opisina kaysa sa kanya. I have changed a lot na nga talaga. Napakalaki pala naitulong rin ni Athena sa buhay ko, binago niya ako at ganoon rin siya, nagbago na rin. Hindi na siya tulad ng dati na napaka-immature. "Ituloy mo lang 'yan para mas tumagal at tumatatag ang relasyon niyo." advised sa akin ni Yaya kaya ngumiti at tumango lang ako bilang sagot. Lumipas ang 30 minutes, nakaluto na rin ako at nakapaghanda na rin ng tsaa para sa kanya. Dadalhin ko sana sa kanya ang pagkain nang may narinig akong tugtog sa kwarto nito at galing sa kanyang cellphone at sinasabayan pa niya ito. Hinayaan ko munang tumayo sa likod ng pintuan at pakinggan siyang kumanta. No More Rhymes by Debbie Gibson  Hard to go on  It's like waiting for  The other shoe to drop  I'll never stop  Believing in you  It's just we never had to struggle  It all came too easy  I hope we felt what we felt from the start  We've never suffered a broken heart We've been so blinded by all the best We never put our love to the test (to the test)  I've always felt the rhythm  What happens when  There's no more rhyme? Pagkatapos niyang kantahin iyon, agad naman ako pumasok sa kwarto na ikinagulat naman niya. "Sorry kong nagkalikot ako ng cellphone, naiinip lang kasi ako." mabilis niyang paghingi ng apology. Namumula pa tuloy siya kaya mas lalo siyang nagiging cute. Nilapag ko agad yung pagkain sa lamesa at pinisil ko ang ilong niya kaya napa-aray naman siya. "Ugh kainis ka. Alam mo ba iyon?" sabay pinahaba niya ang nguso kaya napangiti na lang ako. "Kumain na muna tayo." sabi ko sa kanya saka inalalayan tumayo sa kama at pinaupo rito. Pagkatapos naming kumain, nagkuwentuhan naman ulit kami katulad kahapon hanggang sa mga sumunod na araw na pagbisita ko sa kanya. Hindi ko namamalayan na unti-unti na rin siyang gumagaling at nagiging maganda na ang kundisyon ng katawan niya at bumabalik na ang dating kundisyon nito. Sa tuwing napapadalaw ako sa bahay nila, ako na rin ako nagluluto ng makakain niya sa pananghalian at naghahanda ng meryenda sa hapon. Habang ginagawa ko ito ay sobrang sayang nararamdaman ko kahit minsan nakakaramdam ako ng pagod pero sulit dahil nakikita ko si Athena na gumagaling na sa lagnat at masaya kapag kasama ako. Sobrang sarap sa pakiramdam na ganito kami kaya hinihiling ko na sana maging sa susunod na araw ganito pa rin kami at walang kasawaan sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD