Pinuntahan ko si Kuya driver para itanong ang sadya nito. Ngumiti ako sa kanya at agad namang nagsalita.
"Magbihis na po kayo Ma'am Thena may pupuntahan raw tayo." sabi nito na naniningkit ang mga mata dahil sa tumatama sa kanya ang sinag ng araw.
I gave him a confused look kaya nagsalita siya ulit.
"Utos po iyon ni Sir Greige kaya pakibilisan niyo na raw po." dagdag pa nito habang ako naman ay hindi pa rin nakakapagsalita dahil sa narinig ko.
Ano nanaman kaya pakana ni Kolokoy?
Matagal ko na rin siyang hindi tinatawag sa pangalan na ganyan.
"Sige. Pero saan naman tayo pupunta?" biglang tanong ko sa kanya.
"Malalaman niyo na lang po mamaya." pa-suspense na saad nito kaya agad na lang ako naglakad patalikod at pumasok sa mansion para maligo na rin at makapag-ayos.
Pagkalipas ng trenta minutos, naligo at nakapagbihis na rin ako ng simpleng dress na above the knee na kulay peach ito at may printed red roses na medyo maluwang sa pang-ibaba nito.
Naglagay lang ako ng simpleng make-up, eye-liner, mascara at lipstick at may kaunting blush on sa parte ng cheek bone.
Ilang minuto pang lumipas, lumabas na rin ako ng bahay at sumakay na rin sa kotse ni Greige.
Pinaandar na rin ni Kuya driver ang sasakyan at tinungo ang lugar na pupuntahan namin.
Tahimik lang din ako sa biyahe at maya-maya pa'y nakarating na kami sa sinasabing meeting place namin ni Greige.
Bumababa na rin ako sa kotse kasama ang driver at sabay akong hinatid papasok ng isang building.
Tiningala ko ito at ginala ang paningin sa paligid. Pansin kong walang tao sa loob nito dahil sa walang maririnig na ingay o kaluskos.
Tuluyan na kaming pumasok sa gusali nang may biglang tumugtog ng isang pamilyar na musika. Narinig ko na ito dati eh.
When You Say Nothing At All by
Ronan Keating
Unti-unti akong napapaisip sa awitin na iyon hanggang sa nagpop-up siya sa utak ko kasabay ng pagkanta ng isa ring pamilyar na boses.
It's amazing how you
Can speak right to my heart
Without saying a word
You can light up the dark
Try as I may I could never explain What I hear when you don't say a thing
Isang tinig na mula sa lalaking minamahal ko ngayon kahit alam kong pagpapanggap lang lahat ng ito pero itong nararamdaman ko, totoo at walang pagkukunwari. Mahal na mahal ko si Greige. Siya lang ang tanging nakakapagpangiti sa akin ng ganito ulit. Alam ko mali pero kailangan kong pagbigyan ang sarili kahit minsan lang.
Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko rin namalayan ako na lang pala mag-isa at naiwan ko na pala si Kuya driver doon.
Ilang mga hakbang pa ang gagawin ko para makalapit sa taong kumakanta.
The smile on your face let's me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall You say it best When you say nothing at all
Mas naiinlove ako ngayon sa boses niya na dating wala lang sa akin, wala akong pakialam pero ngayon dinadama ko na bawat lirikong binibigkas niya. Halatang para nga sa akin ang mensahe ng kanta. Nakaka-touch ng puso.
All day long I can hear
People talking out loud (ooh)
But when you hold me near (you hold me near)
You drown out the crowd (drown out the crowd)
Try as they may they can never define What's being said between your heart and mine
The smile on your face let's me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall
You say it best (you say it best)
When you say nothing at all
Mas lalong lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko nang kantahin na niya ang chorus. Siguro kung makikita ko na ang sarili, malamang kasing pula na ng siling labuyo ang itsura ko ngayon.
Inulit niya ulit ang chorus nang makarating na ako sa kinaroroonan niya.
Napatakip na lang ako ng bibig sa mga nakita ko. Parang may party celebration ang palibot nito kahit kaming dalawa lang naman naririto.
Samatalang siya naman ay nakikita ko sa isang stage hawak ang mic habang kumakanta at nakatitig sa akin.
Hindi ko na maiwasan ang kiligin ngayon sa ganitong sistema. Hindi ko rin inaasahan na magiging ganito naman ang surpresa niya sa akin.
Ilang sandali pa, lumapit na siya sa akin habang kumakanta pa rin.
The smile on your face let's me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me (ooh)
Napahawak naman ako sa aking dibdib sa sobrang lakas ng tambol nito. At unti-unti na rin ako natutula sa mga nakakatunaw niyang pagtitig at nakakakilig niyang boses.
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall
You say it best (you say it best)
When you say nothing at all
Hanggang sa nagsalita siya gamit pa rin ang microphone kaya malakas mong maririnig ang kataga na iyon.
"I love you, mi cielo. You are my everything. My precious, my only one woman I love, I will love and must be loved in this world. Sa kabila ng lahat ng pag-aaway natin at hindi pagkakaintindihan, mahal pa rin kita at hindi na iyon magbabago. Sa kabila na mga nakikita ko sayo, mas lalo pa kitang minahal at mamahalin dahil ikaw lang sapat na sa buhay ko. Heaven knows how much I am crazy falling inlove with you." pagkatapos niyang sabihin ang mahabang speech na iyon agad niya akong niyakap nang napakahigpit at ganoon rin ginawa ko.
At sinabi ko rin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko na kahit anuman mangyari mahal ko pa rin siya at nanatili nang nakaukit ang pangalan niya dito sa puso ko. Kahit balang araw itakwil nanaman niya ako ulit kapag nalaman niya ang totoo, mahal ko pa rin siya pero hindi ko maipapangako sa kanya na siya na ang huli kong mamahalin. Alam kong si Athena pa rin ang pipiliin niya at mamahalin. Tutal ako lang naman ang humarang sa kanila eh at ginawa ko lang ang part ko.
Pero kahit habang may panahon pa kaming magsasama ng ganito susulitin ko na ngayon. Sulitin ko na lahat ng pagmamahal na ipapadama ko sa kanya at susulitin ko rin maramdaman ang pagmamahal niya sa akin bilang si Athena. Kahit bilang siya....ok na sa akin.
"Why are you crying?" nagulat na lang ako nang sabihin niyang umiyak ako dahil hindi ko talaga siya napansin.
Pinahid niya iyon saka ngumiti nang napakalapad sa akin.
"Tears of Joy." pagsisinungaling ko na lang. "Masaya ako dahil...." pinahid ko ulit ang tumulong luha saka ipinagpatuloy ang sasabihin. "Akala ko hindi na ulit tayo maibabalik sa dati. Masaya ako sa ganitong preparation na ginawa mo sa akin na hindi ko inaasahan." saka ako napangiti pagkatapos.
"No! Hindi ako papayag na hindi tayo magkaka-ayos mi cielo. Alam mo naman na mas nababaliw ako kapag hindi tayo nagkikita at nag-uusap. Kaya gumawa ako ng ganitong celebration para makabawi ako sayo. Makabawi sa mga araw na kung saan hindi tayo ok sa isa't isa." dagdag pa niya at agad niya ulit akong niyakap.
"I love you, Greige." sabi ko habang nakayakap ulit kami.
"I love you more, Athena." saka ako napapikit nang marinig ang pangalan ng kakambal ko. Masakit lang isipin na si Athena talaga...
"Halika kumain na muna tayo bago magsayaw. Alam kong hindi ka pa nag-aalmusal buhat nang sunduin ka ng driver ko." habang tinatakalan na niya ako ng pagkain sa plato at sumunod rin ang sa kanya kaya napangiti nanaman ulit ako sa kanya at tinititigan siya.
"Bakit ka tumitingin? May dumi ba ako sa mukha?" sabi naman niya habang ngumunguya na ng pagkain.
"Wala. Gusto ko lang tititgan ka. Bawal ba?" napalabi na lang ako bilang tugon kaya napangisi naman siya.
"Kain ka na muna. At mamaya kapag nagsayaw tayo, magsasawa kang katitingin sa akin." may halong pambobolang sambit niya.
Music playing:
Sabay Natin by Daniel Padilla
Pagkatapos namin kumain, sandali kami nagpahinga at saka pinatugtog ni Greige ang isang pamilyar na musika. Isa siya sa mga OPM songs na kinakanta namin ni Zen sa banda noon. Kaya hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pagkatapos marinig ko ang tunog na iyon.
Bagama't pinalitan ang music background nito at ginawa siyang slow dahil violin ang ginamit na tunog para sa kanta at nanatili pa rin ang tono nito pero nanatili pa rin sa akin ang alaala.
Napangiti na lang ako ng pilit nang yayain na niya ako sumayaw.
"Isa siya sa ginawan ko ng areglo na kanta noong college pa ako. Do you like the song?" bulong niya sa aking tainga kaya medyo napapitlang naman ako dahil sa hininga niyang dumampi sa leeg ko.
"I am usually familiarized with the song." sagot ko sa kanya kaya medyo nagulat ito.
"Really?".
"It was the song of Daniel Padilla, right?"
Tumango siya at ilang segundong lumipas bago siya nagsalita ulit.
"The message of this song is for us." nakangiting saad niya.
Halos magdadalawang oras tumagal ang pagsasayaw nang itigil na namin at napagdesisyon nang umuwi.
Pagbaba namin ng building, nakasalubong ko ang mga mag-aayos ar magliligpit ata ng building.
Madali na rin kami nakarating sa bahay kaya agad na rin akong nagpaalam sa kanya. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang bigla niya akong halikan sa pisngi ikinapula ko naman.
"I love you, mi cielo and goodnight. Sweet dreams." kasunod nito at nag- i love you din ako sa kanya pabalik at nag-goodnight na rin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagpasok ko ng kwarto, agad ko na ring hinubad ang heels na suot ko at maging ang dress at mabilis nagsuot ng pambahay.
Mga ilang sandali inalis ko na rin ang mga make up sa mukha ko at nagsipilyo bago nahiga sa kama.
Hindi ko akalain na aabot kami ng gabi sa date naming dalawa. Talagang ganoon kabilis ang takbo ang oras kapag kami magkasama.
Sa kalagitnaan ko nang pag-isip, biglang nagpop-up sa isipan na tignan ang messages or notifs sa cellphone kaya dali naman akong tumungo sa drawer at binuksan ito.
May mga text messages sa akin si Zen at mga missed calls naman kay Gin.
Namissed ko ang bestfriend kong ito. Matagal-tagal din kasi siya di nagpaparamdam kaya agad kong pinindot ang skype para maka-video call siya.
Ayun nagring at biglang bumungad sa aking ang awra niya.
Gin: Good evening, Cas. Long time no see uh.
Me: Good evening too, bez. Ang tagal nating walang communication? Anong ganap?
Gin: Super busy bez. Daming pinaggawa sa akin si Ma'am Olive, haixt.
(Napairap na lang ito sa kawalan at natawa na lamang ako)
Gin: Ikaw bez saan ka galing? Mukhang kakauwi mo lang ahhh?
(Galing talaga makahalata itong kaibigan ko, tzk)
Me: Nag-date ulit kami ni Greige.
(Napa-OMO ang reaksyon niya)
Gin: Kaya pala.
(Sumeryoso naman ang mukha ko pagkatapos. Gusto ko na kasi sabihin sa kanya ito. Gusto ko kasi may pagsasabihan ako nito kahit isang tao lang atleast may nakakaalam)
Me: Bez may sasabihin ako sayo.
(Yumuko muna ako)
Gin: Ano iyon bez? Bakit buntis ka na ba?
(Susko ko naman. Masyadong advance mag-isip itong babae na ito nako lang)
Me: Bez hindi pa ako tapos ohhh.
Gin: Ok hehe. Nagbibiro lang naman ako kasi halatang seryoso ang sasabihin mo eh kaya kailangan muna ng saglit na commercial.
Me: Mahal ko na si Greige.
(Diretsahan kong sagot kaya napalunok ng laway si bez at natahimik ito kaya hindi ako mapakaling tanungin siya.
Gin: Legit ba yan, bez?
Me: Oo, Gin totoo ang sinabi ko. Hindi ko nga alam kung kailan ko naramdaman at bakit ko pa ito nararamdaman.
Gin: Paano na si Zen niyan, Cas?
Me: Hindi ko alam, bez pero may nararamdaman pa rin naman ako kay Zen kaso may lamang ang kay Greige.
Gin: Nako mahirap yang pinasok mo bez.
Me: Pwedeng wala mo na makakaalam nito, Gin? Tayo lang muna ahhh? Atleast may tao na akong napagsabihan nito at ikaw iyon.
Gin: Ok bez walang makakaalam niyan. Tikom ang bibig ko.
Me: Salamat bez.
Gin: Walang anuman bez saka hindi mo naman kasalanan na mapalapit ka sa kanya eh? Ginawa mo lang ang nararapat para sa kumpanya niyo.
Me: Pero bez aaminin ko rin naman kay Greige ang totoo sa tamang panahon kapag naayos na ang lahat.
Gin: How about kay Zen?
Me: Siyempre pagkatapos nang pagpapanggap kong ito, babalik na ako sa kanya at magsisimula ulit kami at sisikapin kung maibalik pa ang feelings ko sa kanya katulad noon.
Gin: Sana nga, bez. Botong boto pa naman ako sa inyong dalawa.
Me: Salamat ulit bez.
(Napatingin ako sa oras at nang makita kong alas-nuebe na pala nang gabi nagpaalam na ako sa kanya)
Me: Matutulog na ako bez, ang bigat na ng katawan ko. Kailangan ko na ng pahinga.
Gin: Sige Cas, matulog ka na. Goodnight and mwah.
(Nagflying kiss naman ako sa kanya kasunod nang pag-goodnight sa kanya saka ko na rin pinatay ang cellphone at nahiga na sa kama)
Ugh ang bigat ng katawan ko ngayon ahhh. Kailangan ko nga talaga ng magpahinga. Kaya pinatay ko na ang sindi ng ilaw at binuksan ko na lang lampshade para may kaunting ilaw lang sa kwarto.
Pagkatapos ipinikit ko na ang mga mata at sinimulang matulog.