Ang paligid ng lobby ay tila isang palengke sa gulo. Ang nakakasilaw na mga flash ng camera ay sunod-sunod na tumatama sa mukha nina Ledger at Kaylyn, habang ang ingay ng mga reporter ay sumasabay sa bulungan ng mga usisero. Naroon din ang ilang mga pulis na pilit lumalapit, pero hindi nagpapatinig ang mga security team ni Ledger—hindi sila hinayaang makalagpas. Naramdaman ni Kaylyn ang panginginig ng kanyang sariling kamay, pero sa bawat segundo, mas lalong humihigpit ang hawak ni Ledger sa kanya. Ang init ng palad ng binata ay tila nagsasabing, Huwag kang bibitiw, hinding-hindi kita iiwan. "Mr. Russo! Totoo bang hinostage niyo ang pamilya ni Ms. Kaylyn para pilitin siyang pumirma sa marriage license?" sigaw ng isang lalaking reporter na pilit isinisiksik ang mikropono. "Ms. Kaylyn, to

