CHAPTER 48

1862 Words

Kinabukasan, maagang nagising si Kaylyn. Nakaupo siya sa malawak na dining area, dahan-dahang humihigop ng kape habang nakatingin sa malaking TV screen na naka-mount sa pader. Ang balita ay tungkol pa rin sa kanila—mga larawan nilang dalawa ni Ledger noong nasa lobby sila kagabi. Ang headline ay malalaki: "THE OUTSIDER AND THE HEIR: ESCORT NGA BA O TUNAY NA PAG-IBIG?" Nararamdaman ni Kaylyn ang pamilyar na sikip sa dibdib. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng news anchor, tila unti-unting nilalapnos ang kanyang pagkatao. Hindi niya napansin na nasa likuran na pala niya si Ledger. Mabilis nitong kinuha ang remote at pinatay ang TV. Nabitawan ni Kaylyn ang kutsara sa gulat. "Huwag mong panoorin 'yan," seryoso pero malumanay na sabi ni Ledger. Inilapag ni Ledger ang remote at dahan-dah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD