Mabilis na inayos ni Kaylyn ang kanyang sarili, habang si Russo naman ay prenteng isinuot ang kanyang suit jacket, tila walang bakas ng matinding bugso ng pagn4nasa na nangyari ilang segundo lang ang nakalilipas. Pagbukas ng pinto, pumasok si Marcelito na may dalang awtoridad at seryosong mukha. Laking gulat ni Kaylyn nang makita ang pinsan ni Russo. Akala niya ay ang report lang ang kailangan nito, pero ang Don mismo ang nag-abalang pumunta sa factory. Dapat ay si Iridessa ang pupunta roon, pero dahil sa sobrang pagprotekta at pagmamahal ni Marcelito sa asawa, hindi niya ito pinayagan at siya na mismo ang gumawa ng lakad. "You took your time, Russo," bungad ni Marcelito, ang boses ay malalim at tila may sinusuring anuman sa paligid. "I was just double-checking the figures for you, Cous

