CHAPTER 5

1759 Words
Kahit bugbog ang katawan ni Kaylyn mula sa double shift, hindi siya dinalaw ng antok. Nakahiga lang siya sa kanyang manipis na kutson, nakatitig sa kisame ng kanilang bahay habang paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mukha ni Mr. Russo. Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang lalaking naka-one night stand niya ay kanyang boss pala. Paano na siya bukas? Paano niya itatago ang panginginig ng tuhod niya kapag nag-krus ang landas nila sa hallway ng factory? Tumunog ang kanyang cellphone. Isang message mula kay Ledger. Ledger: "Hey, beautiful. I missed you today. How was work? You sounded busy." Napabuntong-hininga si Kaylyn. Kung alam lang ni Ledger kung gaano kamalas ang araw niya sa factory. Kaylyn: "I'm sorry, Ledger. Work was very stressful today. My boss is... he is a very difficult man. I'm just tired." Ledger: "I'm sorry to hear that. Don't let him get to you. You're a queen, remember? Get some sleep, we will talk more tomorrow. I'm always here for you." Dahil sa sobrang pagod, hindi na nakasagot si Kaylyn at tuluyan nang nakatulog. Kinabukasan, maaga siyang bumangon para pumasok sa factory. Pagdating niya sa locker room, hindi pa man siya nakakapag-ayos nang husto ay tinawag na siya ng kanilang floor manager. "Kaylyn Obligado! Pinapatawag ka ni Mr. Russo sa opisina niya. Ngayon din," seryosong utos nito. Kinabahan si Kaylyn. Bakit siya ipapatawag? Dahil ba ito sa nangyari sa hotel? O baka nalaman nito na empleyado niya ang babaeng kinalantari niya? Habang naglalakad sa hallway, ramdam niya ang bigat ng kanyang bawat hakbang. Dahil sa kanyang suot na uniform, kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan at ang pag-alog ng kanyang matambok na pwet na naging dahilan para mapatingin ang ilang katrabaho. Kumatok siya nang nanginginig ang kamay bago pinihit ang pinto. "G-good morning, Mr. Russo. You called for me?" nauutal niyang bati sa English. Malamig ang tingin sa kanya ni Russo. Walang imik itong tumayo mula sa kanyang swivel chair at dahan-dahang lumapit sa kanya. Bawat hakbang nito ay tila nagpapakipot sa hininga ni Kaylyn. Amoy na amoy niya ang pabango nito—ang amoy na naging saksi sa kanilang pagnanasa noong gabing iyon. Nagulat si Kaylyn nang bigla siyang siilin ng halik ni Russo. Isang halik na agresibo at mapanupil. Agad siyang natauhan at buong lakas itong itinulak. "Stop! Please!" hingal na sabi ni Kaylyn. "What happened between us was a mistake! It was an accident because of the alcohol. You are my boss, and I am just your employee. It shouldn't happen again!" Mahinang tumawa si Russo, isang tawang mayabang at nakakaloko. "Accident? You seemed so into it that night, Kaylyn. Are you telling me you weren't satisfied with what I gave you? Because based on your reactions, you wanted more." Namula si Kaylyn sa galit at hiya. "You are so arrogant! Akala mo ba dahil boss kita ay pwede mo na akong bastusin? Empleyado mo ako, hindi mo ako pag-aari! Hinding-hindi na mauulit ang nangyari sa hotel, hinding-hindi!" "We'll see about that," bulong ni Russo, habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa na tila tinitimbang ang kanyang halaga. "Get out and get back to work. But don't think you can just ignore me." Lumabas si Kaylyn ng opisina na nanginginig sa galit. Pagdating sa kanyang pwesto, kinuha niya ang cellphone at agad nag-message kay Ledger sa app. Para sa kanya, si Ledger lang ang tanging maayos na lalaki sa buhay niya ngayon—ang tanging 'Afam' na handang makinig sa kanya, hindi katulad ng mayabang at bastos niyang boss na si Mr. Russo. --- Bakas sa mukha ni Kaylyn ang matinding pagkainis habang mabilis na inilalagay ang mga bote ng pabango sa box. Halos ibalibag na niya ang mga ito sa sobrang gigil. Napansin ito ni Emberly kaya agad itong lumapit at bumulong. "Teh, ano bang nangyari sa taas? Bakit pagbaba mo, parang handa ka nang manapak ng tao? Anong sabi ni Mr. Russo?" usisa ni Emberly. Huminga nang malalim si Kaylyn at pilit na kinalma ang sarili. "Wala... may tinanong lang tungkol sa production report. Stress lang siguro 'yun, dami kasing trabaho," pagsisinungaling niya. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo—na binastos siya ng boss nila at napaamin ito sa nangyari sa kanila noong Sabado. "Sure ka, hindi ka naman ganyan." Muling usisa ni Emberly dahil hindi siya sanay nakabusangot ang kanyang kaibigan. "Oo nga, wala ito. Bilisan mo nalang dyan at malapit na ang lunch." Sagot nito habang nasa mga pabango pa rin ang tingin. Nang sumapit ang lunch time, imbes na makapunta sa canteen para kumain kasama ang mga kaibigan, muli siyang pinuntahan ng floor manager. Pinapatawag daw siya ulit ni Mr. Russo. Napairap na lang si Kaylyn sa hangin. Padabog niyang tinanggal ang kanyang hairnet at tahimik na sumunod. Pagpasok niya sa opisina, laking gulat niya nang makitang may nakahandang pagkain sa maliit na mesa sa gilid. Halatang inorder pa sa mamahaling restaurant ang pagkain, malayo sa karaniwang baon niya. "Sit down, Kaylyn. Eat with me," utos ni Russo habang nakatitig sa kanya. Nanatiling nakatayo si Kaylyn, magkakrus ang mga braso. "Sir, with all due respect, I don't think this is right. A boss and an employee should not be eating together like this. Don't you care about what the other employees will say? They will think I'm getting special treatment, or worse," matapang niyang sagot sa English. Hindi dapat siya magpakita ng takot sa lalaking nasa harap niya, kahit boss niya pa ito. Tinawanan lang siya ni Russo, yung tawang tila nang-uuyam. "I don't care about them, Kaylyn. I own this place. And besides, I like you." Doon na napatawa nang mapait si Kaylyn. "You like me? Seriously, Sir? Who are you kidding? Look at me! I am fat, I am XXL. A man like you, with your money and looks, it's impossible for you to like someone like me. Stop playing games." Tumayo si Russo at dahan-dahang lumapit sa kanya. "I’m not playing games. I told you, I like chubby girls. You have curves in all the right places, Kaylyn. You’re beautiful." "Oh, I see," bulyaw ni Kaylyn, hindi na napigilan ang inis. "So, you only like my body? You just want what happened in the hotel to happen again? You don't care about who I am, you just want to use me for your pleasure!" Sa halip na mag-sorry, nagpakita ang pilyong ngiti sa mukha ni Russo. Tila tuwang-tuwa siya na makitang nagagalit ang dalaga. "To be honest? Yes. I like your body. It's amazing. Is that a problem?" Literal na uminit ang bumbunan ni Kaylyn, gusto na niyang jumbangin ito ngunit mas pinili niyang i-kalma ang sarili. "You are unbelievable! You are the most arrogant man I've ever met! Enjoy your lunch alone, Sir!" Padabog na tinalikuran ni Kaylyn ang boss at malakas na isinarado ang pinto na halos yumanig ang buong opisina. Nanggigil siyang naglalakad palabas ng factory para kumain ng lunch sa labas. "Kainis! Ang yabang-yabang!!" Mahina niyang bulong sa sarili. Naiwan namang nakangiti si Russo. Naaliw siya sa tapang ni Kaylyn. Sa isip niya, naalala niya si Iridessa Callantes-De Villa—yung tipo ng babaeng palaban at hindi basta-basta nagpapatinag kahit gaano niya inisin. Maya-maya pa, pinindot ni Russo ang intercom at pinatawag ang manager. Pagpasok ng manager, agad na nagbago ang awra ni Russo. Naging kasing-lamig ng yelo ang kanyang boses at mukha, malayo sa mapaglarong Ledger kanina kay Kaylyn. "Give me the personal information of Kaylyn Obligado. Everything. From her address to her background," seryosong utos niya. Nagtaka ang manager pero hindi ito nakaimik. "Ah, yes Sir. May problema po ba sa kanya?" Kanina pa kasi niya napapansin na panay ang patawag nito kay Kaylyn. "None of your business," malamig na sagot ni Russo. "Starting tomorrow, she will no longer be in the production line. I'm making her my personal secretary while I'm here in the Philippines. Arrange the papers today." Gulat man ang manager ay tumango na lamang ito. "Yes, Sir. Noted." Pagkaalis ng manager, sumandal si Russo sa kanyang upuan at tiningnan ang labas ng bintana. Alam niyang magagalit si Kaylyn sa desisyong ito, pero mas gusto niya 'yun. Mas gusto niyang malapit sa kanya ang dalaga, lalo na't hindi pa rin mawala sa isip niya ang bawat ungol nito noong gabing iyon. -- Pagkatapos niyang kumain ay hindi pa rin nawawala ang kanyang galit. "Walanghiya talaga ang lalaking 'yun!" bulong niya sa sarili habang pabalik sa production area. Pag-upo niya sa kanyang pwesto, agad niyang kinuha ang cellphone mula sa bulsa para tignan kung anong oras na, nang makita niyang may bagong message mula kay Ledger sa dating app. Napabuntong-hininga siya. Ito na lang ang tanging bagay na nagpapakalma sa kanya. Ledger: "Hey, my hardworking queen. You've been on my mind. How was your lunch? I hope you're not too stressed out." Hindi alam ni Kaylyn na habang binabasa niya ito, si Mr. Russo ay nakasandal sa kanyang swivel chair, pinapanood siya sa CCTV monitor ng factory habang hawak din ang sariling cellphone. Gustong malaman ni Russo kung epektibo ba ang pang-aasar niya kanina. Gusto niyang makita kung paano mag-re-react si Kaylyn sa 'mabait' na bersyon niya sa app matapos niyang bwisitin bilang 'boss.' Kaylyn: "Oh, Ledger... if only you knew. My boss is a monster! He is so arrogant. He offered to eat lunch with me but he was so rude. He told me he only likes my body. I hate him so much! I wish all men were like you." Nang mabasa ni Russo ang reply ni Kaylyn, hindi niya napigilang mapangisi. Lalo siyang nagkaroon ng interes sa babae. Sa loob-loob niya, humahanga siya sa katapatan ni Kaylyn. Lahat ng sinabi nito sa kanya sa app—na mataba siya, na mahirap lang siya, na diretso siyang magsalita—ay napatunayan niyang totoo sa personal. Walang halong pagkukunwari. Ledger: "I'm so sorry you have to deal with a boss like that. He doesn't deserve a woman like you. But don't let him ruin your mood. Just focus on how beautiful you are. I'd love to take you away from all that stress someday." Napangiti si Kaylyn habang nagta-type. "Thank you, Ledger. You're the only one who makes me feel better. I wish my boss was more like you. Anyway, back to work. I have a lot of boxes to pack." Ibinaba ni Kaylyn ang phone at bumalik sa trabaho na may kaunting ngiti, habang sa taas, binitawan na rin ni Russo ang kanyang cellphone. Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha; mula sa pilyong ngiti ay naging seryoso itong muli. . . . ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD