Dahan-dahang inalalayan nina Kaylyn at ina si Zinnia patungo sa isang pribadong bahagi ng tent, isang silid na nababalutan ng makapal na canvas ngunit sadyang ginawang komportable para sa pamilya. Inihiga nila si Zinnia sa isang malambot na kama na may malinis at mabangong sapin—isang matinding kabaligtaran sa kung anong klaseng higaan ang kinalakihan at pinagtiisan nito sa piling ng kaniyang kinakasama. Habang ang kanilang ina ay maingat na kinuha ang mahimbing na natutulog na sanggol mula sa mga bisig ni Zinnia upang dahan-dahang ilapag sa isang malambot na kuna, mabilis na kumilos si Kaylyn. Kinuha niya ang isang professional first-aid kit at isang palanggana ng maligamgam na tubig. Ang kaniyang mga kamay, bagaman sanay na sa hawakan ng baril at bigat ng mga dokumento, ay nanginginig s

