Nanginig ang buong katawan ni Kaylyn pagtapak niya sa loob ng penthouse. Ang dilim ng paligid, maliban sa liwanag na nanggagaling sa malaking TV screen sa gitna ng sala. Halos tumigil ang t***k ng puso niya nang makita ang live feed. Doon, sa isang madilim at maduming bodega, nakita niya si Ubeth. Ang kababata niyang kanina lang ay nagpapatawa sa kanya, ngayon ay nakatali ang mga kamay sa likod ng isang metal na upuan. Duguan ang gilid ng labi nito, puno ng pasa ang mukha, at hirap na hirap huminga. "Ubeth! Hindi!" hiyaw ni Kaylyn. Tumakbo siya palapit sa screen, pilit itong hinahawakan na tila ba maililigtas niya ang kaibigan sa ganoong paraan. "Russo, pakiusap! Itigil mo na 'to! Maawa ka sa kanya, wala siyang kasalanan!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Russo sa buong penthouse. Mal

