Seven: Stoney, ang taong bato

1522 Words
“C! Why are you late? Nagseselos na ako sa trabaho mo!” Bumungkaras ng mga tawa ang mga lalaki, maliban kay Cormac, dahil sa sinabing iyon ni Raz, hindi ko rin napigilang makitawa. Sa sobrang seryoso kasi nito ni Stoney, hindi ko inaakalang nabu-bully pa siya ng mga kaibigan. Mukhang siya pa ang bully. Stoney, the bully. “Why the hell are you laughing?” Parang nalunok ko ang tawa ko sa bigla niyang pagsasalita, mahina iyon kaya sigurado akong sa akin niya lang sinasabi. Mukhang nasanay na sa pambu-bully itong lalaki. Sa tabing upuan ko siya pumwesto dahil iyon na lang din ang may maluwag na espasyo, pinagigitnaan naman nila ako ni Levi. The boys were noisy as usual. Kung ano-ano ang pinagkukwentuhan, may tungkol sa opisina, trabaho, at paminsan-minsang nag-aasaran. While the man on my left were busy. . . being ‘bato’. Gusto kong matawa sa sarili ko. Nagiging bully na rin ako. “What are you doing here? Bakit lalaki pa ang kasama mo? Alam ba ‘to ng boyfriend mo?” Napadarag ako sa magkakasunod na tanong ng lalaking katabi. Minsan na nga lang siya magsalita pero akala mo palagi ay hinuhusgahan ka. At boyfriend? Anong boyfriend? “Excuse me. Anong sinasabi mong boyfriend?” Hindi ko napigilang mailakas ang sinasabi. Maha-highblood ata ako sa pinagsasabi ng lalaking ito. “Now, you are denying it. See? Kinuha niya nga ‘yung kotse mo kanina,” malamig na sabi pa rin ng lalaki. Ilang minuto pa ang binilang bago ko tuluyang mapakalma ang saril. May kung anong kumislot sa isip ko nang maalala ang sinabi ni Kuya Jac, “Cormac Carter. I’ll see him later. May ipapasabi ka ba?” “That motherfucker–” pabulong kong sabi bago nagmamadaling kinuha ang cellphone ko sa bag na dala. Mabilis kong in-excuse ang sarili ko sa mga kasama at dumeretso sa labas. Bahala na si Cormac kung anong isipin niya basta yari rin sakin ang Kuya Jac ko. How dare he say that? “My sister! Ku–” “What the f**k did you say to him?” Malakas ang loob kong magsalita ng kung ano-ano dahil alam kong nasa banyo ako. Kung sino mang babae ang makakarinig ay siguradong hindi naman nila ako makikita dahil nasa isang cubicle ako. Narinig kong tumawa si kuya sa kabilang linya. Nag-uupos man sa galit ay hinayaan ko muna ito at prenteng nag-antay sa paliwanag ng kapatid. “Wala naman, okay? Gusto ko lang tingnan ‘yung ekspresyon niya. Lalaki sa lalaki–” “Kuya naman!” Para akong tangang nagpapapadyak sa loob ng cubicle. “Paano na ngayon ‘yan? Nakakahiya! Alam mo naman kung anong kailangan ko, ‘di ba?” Humalakhak ulit si Kuya Jac at hinding-hindi na talaga ako nasisiyahan doon. “Seriously? Hindi ka interesado sa kung anong reaksyon niya? I really think he was furious. Parang gusto niya nga ako sapakin, eh!” Ilang beses kong pinagsusuntok ang pinto sa sobrang panggigigil. “Wow! Paano pa ako makakalapit sa lalaki kung may concept na siyang ganyan? For all I know baka pinagbantaan mo pa! Kuya naman, you know how important AFA is! Dito kami magiging sure win kaya nagta-tyaga ako!” Hindi ko na siya inantay magsalita, mabilis kong itinigil ang tawag. Nagdadabog pa akong lumabas dahil sa sobrang panggagalaiti. Wala na akong maisip na ibang alternative na plano kaya idi-deretso ko ang dapat na gawin. Mabilis kong pinihit ang pinto ng VIP room na inuukupa, mabilis akong kinawayan ni Levi at inantay na makaupo. “Wala ka naman talagang boyfriend, ‘di ba? You won’t lie to me,” mabilis nitong sabi dahilan para makuha noon ang atensyon ng iba pa naming mga kasama. Bumuntong hininga na lang ako nang maalala ko si Kuya Jac na pinagsisigawan ko pa. Ganoon kasi ako palagi tuwing nag-aaway kami. Mabilis akong nako-konsensya. Iniisip kong marami na siyang pinagdadaanan at iniisip araw-araw, dinadagdagan ko pa. “Wala akong boyfriend.” Pahapyaw kong bumaling kay Stoney na mariin ding nakatingin sa akin, mukhang inaabangan ang sasabihin ko. “‘Yung kumuha ng sasakyan sa C.C Cars, that’s my Kuya Jac. Tinawagan ko siya kanina to confirm if he really said that and he said yes. He often does that, especially sa mga lalaki.” Dahil sa paliwanag ko ay mas lalo pa tuloy kaming kinantyawan ni Levi. Natatawa na lang din ako sa pinaggagagawa nila. I know Levi. Alam kong sinasakyan lang niya ang mga kaibigan. Sa tinagal-tagal kasi naming magkausap, we have already shared each other’s secret. Nabanggit nitong may inaantay pa siyang bumalik and I really admired that. One in a million na lang ngayon ang mga lalaking kayang mag-antay. Mabilis natupok ng pag-uusap ang oras. Hindi ko na rin mabilang kung ilang baso na ang ininom ko pero sinigurado kong bawat pag-inom ni Cormac ay sumasabay ako. I won’t let this day pass na wala man lang akong effort na nagagawa. Sikat na sikat ako sa mga kaibigan st mga katrabaho bilang babaeng mataas ang tolerance sa alak. And for the record, nagawa ko nang dire-diretsong uminom ng sampung oras bago magpass-out pero ngayon, hindi ko hahayaang maging gano’n ang sistema ko. Napakalinaw pa ng nakikita ko at alam kong wala pang tama sa akin ang alcohol na iniinom makalipas ang apat na oras na pag-inom. Raz is slightly banging off his head now, mukhang wala na sa sariling nakikisabay sa music na siya lang ang nakakarinig. Levi is okay pero mapupungay na ang mata nito at alam kong hindi na kakayanin tumayo. Hindi na rin kakayanin makapagdrive. Percy, on the other hand, ayun. . . tulog na. Nang makitang nasa gano’ng kalagayan na ang mga lalaki except for Cormac na mukhang chill pa rin ang itsura ay naisip ko ng simulan ang plano. Sigurado na ako sa isang ‘to. Hinding-hindi na ako papalpak. Pasimple akong humawak sa sentido. f**k, I’ve never been a good actress pero binalewala ko na iyon. “Av, you still okay?” Dahan-dahan kong hinarap si Levi at tumango. Sinikap kong abutin ang isa pang basong naroon at umakmang iinom nang bigla iyong kinuha ni Cormac. Walang sabi-sabi ay ininom niya iyon. “Yes, I just need to go to the bathroom–” Dahil sa biglaan kong pagtayo ay sinadya kong magpanggap na mawalan ng balanse at matumba. “I am driving you home.” “I’m driving you home.” Sabay na nagsalita si Levi at Cormac pero si Stoney lang ang nag-angat sa akin patayo. Everything's going smoothly as planned. “I am driving you home, Avery.” Bahagya ko siyang nginitian pero nanatili akong nakapikit. Kailangan lang namang makalabas na kami rito then I’ll make sure everything will follow. “Levi, I’ll call Scenic for the three of you. Ipapasundo ko kayo.” Ilang minuto lang tinatahak na namin ang daan palabas ng club na iyon kaya todo-bigay na ako sa pag-arte. Gustuhin ko mang tumawa na lang nang tumawa ay kailangan ko munang magtiis ngayon. I just can’t believe na ginagawa ko ang lahat ng ito para sa AFA. Nang naramdaman ko ang malambot na upuan ng sasakyan, todo-pigil na ako sa pagngisi. How can I be this genius? Nakuha ko ata ang katalinuhan na hindi napunta kay kuya. “Saan kita ihahatid?” Mariin kong mas ipinikit ang mga mata ko. By this time, dapat tulog na ako. I can’t tell him my place. Hindi pupwedeng doon niya ako i-deretso. “Avery. . . Avery,” naririnig kong sabi ni Cormac habang niyuyugyog ako. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa pero mukhang nakumbinsi ko naman siyang tulog nga ako. “s**t!” Kahit nakapikit alam ko namang nanggagalaiti rin siya sa inis kaya ginawa ko na lang tumawa sa isip. I wish I could see his face, though. Ang pagkukunwari kong tulog ay talagang natuluyan dahil sunod ko nang naramdaman ang malambot na higaang pinagbabaan sa akin ni Stoney — I love that nickname. Nanatili akong tahimik at nakapikit, nagpapanggap ng tulog. Mukhang hindi naman ito ang bahay dahil paniguradong boses ni Kuya Jac ang naririnig ko kung sakali. Is this his place? If yes, then consider the plan done, Ma’am Cassandra. Halos mapatili ako nang naramdaman ko ang biglaang pagbagsak ni Cormac sa gilid ko. Sobrang lapit niya kaya naman amoy na amoy ko ang alak na ininom nito. Is. . . he drunk? “Avery. . .” His voice was husky, iyong para bang kakagising niya lang sa umaga. Sunod kong naramdaman ang mahihinang haplos nito sa buhok ko. Hindi ko alam kung tama lang ba ng alak kaya kung ano-ano ang nai-imagine ko but he’s seriously brushing my hair gently. “Why? Why. . . Why do you have to come back?” Ramdam ko ang pagkislot ng kung ano sa puso ko na sinundan nang mabilis na pagtibok. Ilang minuto akong nag-antay ng sunod pa nitong sasabihin pero mukhang nakatulog na ito dahil na rin sa malalalim na paghinga. Dahan-dahan ay iminulat ko ang mga mata at hinarap ang lalaki. Hindi ko mapigilang mapangiti ngayong napakalapit nito sa akin at kitang-kita ko ang malambot na itsura ng mukha nito. Malayong-malayo sa masungit na si Stoney. Hindi ko magawang maipaliwanag pero parang gumaan ang pakiramdam ko noong ang mukhang iyon ang huling nakita ko bago ako tuluyang hilain ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD