Six: May alak, may balak

1613 Words
“Grabe! My tummy’s about to blow out!” Hawak ko ang tyan ko noong tinatahak namin ang daan palabas. Nasa gilid ko si Levi na walang ibang ginawa kundi ang tumawa sa buong lakad namin. Napaka-cheerful nito at mas lalo ko lang napatunayan na kabaliktaran talaga ito ni Cormac ngayong nakasama ko ang binata. Yes, I have also learned na wala siyang girlfriend pero lahat ng kapatid niya ay babae. Na-explain na rin noon kung bakit alam niya kung paano makitungo sa babae; kung paano ito hawakan, kausapin at tratuhin. Sobrang nag-enjoy ako kasama si Levi. Too bad naging wrong timing ata itong pagkikita namin but I’m sure if the moment’s different magiging mabuti kaming magkaibigan. Mapang-asar din siya katulad ni Kuya Jac pero purong katatawanan lang ang binibitawan niya, hindi nakaka-offend o kung ano. Ginawa naming maglibot sa mall ng ilang oras kaya nakakain kami at sandamakmak na rin ang bitbit ko paglabas. “You really didn't have to do this but thank you so much.” Nasa parking lot na kami at pabalik sa sasakyan niya nang hinarap ako ni Levi saka ginulo nang marahan ang buhok ko. “I had fun. Thank you.” Impit akong napakagat ng labi. This guy! Kung pupwede lang siya na lang ang interview-hin ko. “I still don’t get it kung bakit kayo naging magkaibigan ni Mr. Carter.” Finally! Naka-segway na rin. Simula pa kasi kanina ay hindi ako makasingit da kwentuhan namin na hindi ko siya mao-offend. I just find it bad to talk about someone who is not with us. Tumawa muna ito nang bahagya bago sumagot, “Why?” “I don’t know if he’s a mannequin or taong bato?” inis na paliwanag ko dahilan para mas lalong lumabas ang halakhak ng lalaki. “Av, gano’n lang talaga ‘yun si C.C. Lahat naman kaming kaibigan niya, naiintindihan siya. We accept him for who he is, kahit gaano pa man kasaklap ang naging past niya.” Pakiramdam ko, napunta ang lahat ng dugo ko sa ulo ko at lumaking bigla ang tainga ko dahil sa narinig. Past? As in past na nakaraan? Bingo! Nagkabuhol-buhol ang mga ideya at plano sa utak ko. And no, hindi ko pwedeng tanungin agad-agad kay Levi ngayon ang past ng lalaking iyon. Masyadong mahahalata ang paglapit ko at ang goal ko. Naging mabait ito sa akin at sigurado akong hindi ko siya idadamay sa mga pinaggagagawa ko. “Kung gano’n, aba! Maswerte siya sainyo!” Nang marating namin ang sasakyan, kaagad akong pinagbuksan ng pinto ni Levi. I chose to go inside kaya gano’n din ang ginawa niya. Kinuha ko ang cellphone para pasikretong tumingin sa oras – alas kwatro. “Alas kwatro na agad ng hapon?” tanong ko sa sarili. Ilang oras na lang at uwian na naman sa opisina ni Cormac pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagagawa para kumbinsihin itong muli. Ano na, Avery? Anong plano naman ngayon ang gagawin mo? Hindi rin nagtagal ang sumunod na pagpasok ni Levi sa loob pero hindi pa nga ito nag-iisang minuto sa sasakyan ay nagsalita itong muli, “Av? Kailangan ko lang magbathroom. Malapit lang naman ‘yun kaya dadalian ko na lang. Will you be okay here?” Walang pagdadalawang-isip akong tumango, “Of course. Walang problema, sige na. Just make sure you’ll be fast. Nangka-carnap din ako,” ngumi-ngisi kong saad kaya natawa itong muli. I really love that he’s very jolly. Sa mga edad kasi namin, bihira na lang talaga ang ngumiti lalo na if you’re into business. Pansin ko lang naman. Masyado kasing seryoso ang iilan sa trabaho at nakakalimutan na nila ang ngumiti. But then, Levi owns a restaurant kaya siguro sanay na sanay ito sa tao. Napapairap na lang ako tuwing sumasaglit sa isip ko ang Cormac na ‘yun. “What to do? What to do?” Wala pang isang minuto nang makaalis si Levi roon ay parang baliw ko ng kinakausap ang sarili. “What about his past. . . Doon dapat ako magfocus. There’s something between his past and his personality now. Abused? Trauma?” Napatigil ako noong parang sinagot ako ng isang tunog ng cellphone. Maikli lang iyon kaya ipinagpalagay kong text. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang may umilaw na kung ano sa bandang harapan ng kotse. Nang tingnan ko ay isa iyong cellphone — yes, it was Levi's. Walang sabi-sabi kong dinampot iyon at tiningnan ang screen. Swerte ko na lang dahil kahit may lock iyon ay kita ko pa rin ang mensaheng kadarating lang sa notifications. A guy named “Percy” texted him, “You going?” Ngiting-aso kong ibinaba ang cellphone ni Levi sa dati nitong pwesto at mabilis na umayos nang pagkakaupo. Hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko sa pag-iisip. Paraan na mismo ang lumalapit sa akin. Ilang sandali pa ay tuluyan nang dumating si Levi. Tingnan nito ang cellphone at saka nagmamadaling nagmaneho paalis doon. “Saan pala kita ihahatid?” Ilang beses pa akong nag-isip ng pupwedeng sabihin bago sumagot. Sana lang talaga epektibo ang planong ito. “Ah, ano kasi. . . wala akong pupuntahan. Gusto ko sana makipag-usap pa sa’yo,” ani ko. Ginawa kong malungkot ang itsura at itinago ang mga kamay na nanginginig dahil sa pagsisinungaling. Gumana ka naman, please. “May pupuntahan ka ba? Kung trabaho, pwede naman siguro akong magstay sa resto mo. I’ll order food, promise!” dagdag ko pa. Bumaling ito sa akin pagkatapos tingnan ang relo pagkatapos ay ngumiti. “Hindi kasi ako sa trabaho pupunta, eh. But I am very willing to talk to you. A friend message me about our planned hang-out.” Mahina ang naging sunod-sunod kong pagtango. “Ah, I see. Maybe, I’ll go where you are going na rin. Hihiwalay na lang ako ng table. Gusto ko lang talaga magpalipas ng oras. Hassle masyado kung uuwi ako agad sa bahay,” gagad ko pa. Natatawa na lang ako sa pinagagagawa ko, eh. Nakakatawang para akong baliw na umaarte-arte rito para lang makakuha ng impormasyon kay Cormac. “No! I won’t let you. Kung malayo ka baka hindi kita mabantayan. You can join us. Sasabihin ko na lang sakanila na may kasama ako, if that’s okay with you?” Avery, ‘wag kang tatawa. Mapupudpod ata ang labi ko sa kakakagat para lang mapigilan ang paghalakhak dahil sa pinagagagawa. “Medyo awkward nga ‘yun but it doesn't matter. As long as hindi muna ako makauwi sa bahay.” I let out a small sigh. Sa sunod kong pagbaling sakanya ay alam ko nang nagtagumpay ako sa pangungumbinsi. “Akong bahala sa’yo. In fact, darating din naman si Cormac kaya may dalawa ka ng kakilala. Apat lang naman kami, panlima ka.” Suwabe siyang bumaling muli sa daan pagkatapos makapagsalita. “Well. . . that’s way better.” L.O.L! That’s the best. Sabi nga ng mga matatanda, kung hindi mo kayang makuha sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan. At ang famous, “’Pag may alak, may balak.” Napuno ng halakhak ko ang buong utak kahit pa seryoso ang mukha ko sa harap ni Levi. Nang makarating kami sa Sweet Heavens, isang sikat na club sa BGC. I actually know this place. Karamihan sa mga artista ay namumugad dito at kapag may artista, may reporter na katulad ko. Iginiya ako ni Levi papasok sa loob dahil ganoon na lang karami ang taong bumungad sa amin. Napakaaga pa pero siksikan na ang mga tao sa dancefloor at mukhang nakainom na ang lahat. Nang makarating kami sa loob ng VIP room na siyang inukupa na raw ng mga kasama niya ay halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa pag-aakalang baka naroon na si Cormac pero pumutok ang lahat ng kaba ko nang makitang wala siya. But then, hindi ko pa rin mapigilang manghinayang. Darating ba siya? Kung hindi, sayang lang ang lahat ng effort ko ngayong araw. Bwisit! “Percy, Raz, this is Avery Taylor — a friend,” dere-deretsong sabi ni Levi kaya madali akong winelcome ng mga kaibigan niya. Patagal nang patagal ay mas lalo lang akong nagtataka kung bakit naging kaibigan ang mga ito ni Cormac. All of them are easy-going person, nakakapagtaka na mayroon silang kaibigan na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Speaking of that stubborn man, nasaan na kaya ‘yun? I spent the first one hour talking to the boys, sobrang saya nilang kausap at talagang mababait. I’ve already took some shots pero hindi pa rin talaga nagpapakita ang lalaking iyon. Lintek naman. So, ano sayang lang ang lahat ng ginawa ko? Sayang lang ang oras ko? “—friends lang talaga?” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Percy. Hindi pa naman ako nakikinig kaya mukha akong tangang nagpakurap-kurap sa harapan nila. In the end, si Levi ang nagsalita. Doon ko lang nalaman kung ano ang pinag-uusapan nila. “Ang kukulit! Oo nga sabi!” Tumawa-tawa si Levi at mahinang sinuntok si Percy na siyang katabi niya lang. “Pasensya ka na, Av.” Nag-aprub sign ako sa sinabi nito, as if I’m telling him na wala na siyang kailangang isipin dahil okay lang ang pang-aasar na iyon sakin. Pinagmamasdan ko lang magkulitan ang tatlo ay nalilibang na akong talaga. Hindi ko nga lang ma-picture out na nasa tabi nila ang masungit at taong bato na ‘yun. Tumatawa rin kaya siya o bato movements pa rin? “What are you doing here?” Awtomatiko akong napatayo sa gulat nang marinig ang kapangi-pangilabot na boses mula sa likuran ko. Mabilis ko siyang hinarap. Kabado man ay hindi ko mapigilang mapangiti. He’s here. Cormac’s here at kung gano’n ay magiging easy na lang ang plano. Nag-aalangan kong nginitian ang lalaki at kinawayan ng kamay — I’m really tryjng to be good and friendly, though — pero talagang nilagpasan niya lang ako. Lintek na taong bato!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD