Roan pov Di niya tuloy alam kung paano niya sasabihin kay Zion ang tungkol sa kaninang naging recording niya sa masasamang balak ni Connie at ni Claudine sa kanilang mag iina. Para kasing nagalit talaga ito sa kanya dahil sa naging pakikipag usap niya kay Romano, kahit itanggi at sabihin nito na balewala lang dito ang kaninang nakita nito ay taliwas naman ang ikinikilos nito. Ngayon nga ay nasa balcony ito at nakita niyang umiinom ng alak habang tila may malaking problema. Ayaw niyang palakihin ang ulo niya pero iniisip niyang siya ang dahilan ng pag iinom nito ngayon. Simula nung ikasal sila ay ngayon lang niya ito nakitang ganun na para bang pasan ang daigdig. After ng naging tila pagtatalo nila sa sasakyan kanina ay saka niya napagtanto na para nga pala siyang nagtaksil sa asawa. K

