Zion Pov Finally naikasal na siya sa babaeng gusto niya, yes si Roan ang babaeng flight attendant na palagi niyang hinahanap sa tuwing magtravel siya pero dahil may kontrabida sa buhay niya ay di na niya matyempuhan ang dalaga palagi. Pero ngayon ito na at pag aari na niya ang babae, nang maangkin na niya ito ay mas lalo siyang nasiyahan. Siya ang unang lalaki sa buhay nito, oo nagalit talaga siya nung inakala niyang magiging asawa ito ng Daddy nila. Kaya nagpumilit siyang makasal sila, with or without Hannah's threats ay gagawa talaga siya ng paraan para maikasal lang sila. Akala niya ay naisahan niya ang ama niya, nung gabing muntik na niyang magalaw ang dalaga ay kaagad niyang tinawagan ang ama. "Dad something happened between me and Roan." Bungad niya dito. Ang iniexpect niya ay m

