Zion Pov Makalipas ang bente kwatro oras ay biglang nawala ang gps ng kanyang asawa. "Paanong nangyari yun na nawala bigla?" Tanong niya kay Ryon at Jhai na siyang alam niyang magagaling pagdating sa mga ganung kaso. Ni minsan ay hindi pa pumalya ang mga gadgets na ginagamit nila sa operasyon nila. "Posibleng natanggal o tinanggal ang device kaya hindi ma detect." Sabi pa ng kaibigan. May mga pagkakataon naman talaga na ganun ang nangyayari sa mga agent habang nasa mga misyon ang mga ito, lalo na siguro na malaki ang posibilidad if sa kagaya ni Roan na di naman agent at di man lang ito aware na may ganung device na nakakabit sa katawan nito. "Nakita ang private plane sa isang private resort sa Batangas." Sabi ni Warren na hawak ang isang tablet. Nanlulumong napaupo nalang siya s

