Pinakain naman siya ng mga ito, at ang ipinagpapasalamat niya lang ay di itinali ng mga ito ang kanyang mga paa. Maybe because she said that her ankle is sprained, sinadya naman talaga niyang sabihin na may sprain kahit wala naman talaga. Alam niyang magagamit niya ang alibi na iyon para di maisip ng mga ito na makakatakas siya. Nang makapasok sila kanina sa bahay na iyon ay nakita niya ang isang bike sa gilid ng pinto, hindi iyon masyadong kita pero nakita niya. Alam niyang malaki ang magiging papel ng bike na iyon sa buhay niya. Kahit pa siguro lasog lasog na iyon ay magagamit niya iyon sa kanyang planong pagtakas. "Gusto ko po sanang mag banyo, kaya lang nakatali po ang kamay ko." Sabi niya sa isang matandang lalaki na siyang nagbigay ng pagkain sa kanya. "Naku e." Tila nag aalinl

