Tama nga ang hinala ni Mayet at ng iba pang kasambahay, buntis siya kaya ganun ang kanyang nararanasan na mga sintomas. Unang naging reaction niya nang malaman ang kanyang kalagayan ay umiyak nalang. Para kasing bumigat ang kanyang pakiramdam, siguro dahil sa nakatakdang paghihiwalay nila ni Zion. "Pwede bang wag na muna natin ipaalam sa iba ang kalagayan ko?" Pakiusap niya sa tatlo. Tatlo ang sumama sa kanya sa hospital kanina, si Mayet, si Marimar at si Yolly. Dama niya ang labis na pag aalala ng mga ito sa kanya kanina, lalo at halos wala siyang malay nang dalhin kanina. "Ikaw ang bahala na magsabi sa kanila, ayaw ko na pangunahan ang mga plano mo." Si Mayet. "Ganun din ako, ikaw ba?" Si Marimar sabay baling kay Yolly. "Lalo naman ako no, aliping sagigilid lang ako kaya silent

