Halos diri naman siya nakakain ng maayos dahil kahit anong gawin niya ay hindi pa rin niya makalimutan ang problemang kinakaharap niya ngayon. Idagdag pa ang masamang pakiramdam niya na pilit niya mang iniinda ay hindi niya magawa dahil maski ang pagbangon ay parang hirap-hirap na para sa kanya. "Ano iyan?" Nagtatakang tanong niya mga makita ang tila kaho n makasama ng dala-dala ni Mayet na tray ng pagkain niya. "Ah ito ba? Pinapabigay sayo ni Zorrenn, nagmamadali kasi umalis kanina kaya hindi na siya nakapunta sa'yo dito sinabi na lang niya na ibigay daw sayo." Sabi nito na iniabot sa kanya. Agad naman niya iyong kinuha. Marahil ay iyon na ang sinasabi ng lalaki na bibilhan siya nito ng cellphone, at sa hinuha niya ay hindi basta basta ang presyo ng nasabing cellphone, sa yaman nga n

