Nasa out the country trip si Zion, di na nito nagawang makauwe pa dahil sa naging emergency ng kasong hawak nito abroad. Gusto man niyang malaman kaagad ang sagot sa kanyang mga tanong ay di naman niya gusto na tanungin ito while nandun sa malayo. Gusto niyang makita ang bawat detalye ng reaksyon nito habang sinasabi niya ang gusto niyang sabihin at nagtatanong siya ng mga impormasyon na gusto niyang malaman. "Mga gaano kaya sila katagal doon kuya?" Tanong niya kay Zorrenn nang dumalaw nang sumunod na araw. Malapit din pala ang mga kapatid ni Zion sa mga anak nilang triplets at nakikita niyang ini spoiled ng mga ito ang mga bata. Nakikita niya kung gaano kasaya ang mga anak niya ngayon, pero di niya maiwasang di malungkot lalo na pag iniisip niya na baka ilang araw lang mula ngayon ay

