ZION 70

2901 Words

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw, sinasamahan siya ng dalawang kaibigan sa kanyang therapy at check up. Ayon sa doktor ay maayos naman daw ang kanyang kalagayan, hindi niya daw kinakailangan na magmadali sa pag-alala sa kanyang mga nakaraan. Hindi rin tiyak kung kailan babalik ang kanyang mga alaala o kung magbabalik pa. Ayos na sa kanya kung ano ang kalalabasan, sabi nga ni Zion ay di na naman niya maibabalik pa pero pwede naman na gumawa nalang siya ng mga bagong alaala uli kasama ito at ang pamilya niya. "Mommy, pwede mo po ba akong kandungin?" Tila nag aalangan na tanong sa kanya ni Orion. "Ako din po Mommy, namiss po kasi kita e." Sabat naman ni Apollo. Habang tahimik naman na nakatingin lang sa kanila si Artemis. Halatang nag aalangan pa ang bata na lumapit sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD