"We need to be there Roan." Sabi ni Zion kinabukasan. May party daw sila na kinakailangan na puntahan, kinakailangan daw niyang maghanda ngayong araw, meaning magpa facial at kung ano ano pang mga kaartehan sa katawan, though di naman sinabi ni Zion na kinakailangan niyang mag facial at kung ano anong treatment ay batid niyang iyon ang kalimitang ginagawa ng isang babaeng pupunta ng party. Bagamat hindi naman siya ang tipo ng babae na maarte ay tila na conscious siya sa kanyang sarili, alam niya na maraming mga tao at mga kilalang personality ang pupunta sa party, hindi malabong mangyayari na nandoon din si Connie at si Claudine. This time ay ayaw niyang bigyan ng satisfaction ang dalawa para maipahiya siya sa party na iyon. "Okay, pero wala akong maisusuot tsaka kailangan ko ng pedicu

