She didn't move a bit, gusto niyang matakot ang dalawa nakangiti lang siya na parang demonyo sa isang tabi. "Tapos pag hiniwalayan na siya ni Zion ay itatapon natin na parang basura ang bruha na yun kasama ang mga bastardo niya." Natatawa pang sabi ni Connie. Gusto niyang pagsasampalin ang babae sa sinabi nitong iyon, ang kapal ng mukha nito para sabihang bastardo ang kanyang mga anak. At sobrang sama talaga ng budhi ng mga ito para magplano ng ganung bagay. Maingat siyang nag video sa dalawa, it can be an evidence in the future. "What if we hire some goons to kill that woman?" Tanong pa ni Claudine sa kaibigan nito. "I can't afford to be in jail Claud, paano kung masuholan din ni Zion ang masusuholan ko na goons, tiyak na himas rehas ako." Sabi ni Connie na maarteng nag brush ng pi

