Part 1
"Boggsshh!"
"What the f**k!" Nagulat ang lahat sa biglaang pagsigaw ng kanilang Campus Prince's na sina Christian Dave at Jake Adrian. Kasi binatukan ito ng kanilang nag-iisang pinsan na Babae, na si Rheanne Karrel. Pero, hindi alam ng lahat na may pinsan silang Babae. Tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Pati na 'rin ang mga Kaibigan ng Dalawang prinsepe ay walang alam.
Susuntukin na sana nilang dalawa ang taong nambatok sakanila.
"Go on. Punch me." Ngunit natigilan sila.... Hindi lang sila... Ngunit ang lahat.... Oo, lahat. Dahil sa pagkalamig-lamig ng boses ng dalaga. At napatingala naman sina Jake at Christian sa kanilang pinsan kung ang pinsan nga ba nila ito. At naglakihan ang mga mata ng napagtantong ang pinsan nga nila ito.
Kinabahan naman sila. "A-ah. E-eh. H-hehe. A-anong g-ginagawa mo dito?" Natatakot at nagkandautal-utal na tanong ni Christian sa kanyang pinsan.
"Nagsa-shopping. You want to come with me?" Sarkastikong tanong ni Rheanne.
"Ba't nauutal si Prince Christian?"
"Sino ba ang babaeng iyan? Ang kapal ng mukha niyang batukan ang dalawang prinsepe natin."
"Siguro, isa iyan sa mga babaeng naghahabol kina Prince."
"Anlandi!"
"b***h!"
"s**t!"
Mariing ipinikit ni Rheanne ang kanyang mga mata upang pigilan ang inis na Nararamdaman. Dahil sa kanyang mga naririnig na mga bulongan.
"Isa ka ba sa mga ka Fling-Fling nina Christian or Jake? At nandito ka ngayon para makiusap na 'wag kan~~" napatigil si Justine sa pagsasalita ng sumabat ang King nila sa g**g na si King Ace.
"~~what a desperate, woman?"
Tiningnan lang ni Rheanne ang dalawang lalaki. Atsaka binalingan ng tingin ang dalawang pinsan at hinawakan ang tig-iisang tainga nito at iniangat ito paitaas.
"Aray!"
"f**k!"
"Tama na, Please!"
"Huhu. Baby, hands off na, Please."
Samot saring daing at pakiusap nina Christian at Jake bago binitawan ng dalaga ang mga tainga ng mga ito. Atsaka ito nakapamewang na tinitigan ang dalawa.
"Ba't niyo ako iniwan, ha?" Naiinis na tanong ni Rheanne sa dalawang pinsan. "Alam niyo bang muntikan na akong maligaw kung saang lupalop ng Pilipinas mahahanap ang paaralang ito!" Bulyaw ni Rheanne at napakamot naman sa batok ang dalawa atsaka ito niyakap. "Hindi niyo na nga ako sinundo sa Airport tapos iiwan-iwan niyo pa ako sa bahay na hindi manlang nagpaalam. Kahit, Hoy! Pitangina gumising kana at maligo dahil kami'y aalis na. Nakakainis kayo." Sabi na naman ni Rheanne atsaka sinuntok ang tiyan ng dalawang pinsan.
Hindi naman mapakali ang dalawa. At hindi alam kung paano magpaliwanag sa pinsan. "Eh, kasi, Baby. N-nagmamadali kasi kami. Oo, 'yun nga. Nagmamadali kami. At nasanay na din kasi kaming walang ka sa bahay." Saad ni Jake. Sumama naman ang mukha ni Rheanne dahil sa narinig niya sa kanyang pinsan. 'Tss. Hindi ba sila masayang nandito na ako?' Tanong ni Rheanne sa kanyang isipan.
Napabuga naman ito ng hangin. "Sure?" Paniniguro nito sa dalawa. Mahahalata niya kasi kung ito'y nagsisinungaling. Iaangat na ulit sana niya ang kanyang kamao at handang suntukin ang dalawa ng magsalita si Christian.
"Oo na. Oo na. Sasabihin na." Pagsuko ni Christian. At lumapit kay Rheanne. "May laban kasi kami kanina, Baby." Bulong ni Christian sa tainga ni Rheanne.
Alam kasi ni Rheanne na Gangster ang dalawa niyang pinsan. Tutol sana siya, kaso wala na siyang magagawa. Kaya, pumayag na siya. Ngunit, sa isang kondisyon. Dapat walang magkasugat ni isa sa kanila. Kaya okay lang naman ang mga ito at maingat talaga sa pakikipaglaban na hindi makatamo ng nikatiting na sugat.
Seryosong tinitigan ni Rheanne ang dalawa at animo'y sinusuri. "May sugat ba kayong dalawa?" Mariing tanong nito. Sabay naman itong umiling.
At ngumiti naman ang mga ito bago nagsalita. "wala." Sabay din nilang sagot.
"Then, Good." Saad ni Rheanne atsaka dahan-dahang tumalikod. Hindi pa man niya naihakbang ang isang paa ng tawagin siya ni Jake.
"Anne, saan ka pupunta?" Tanong nito.
"Somewhere," maikli niyang sagot.
"Baka maligaw ka?" Nag-aalalang saad ni Christian.
Lumingon naman siya at ngumisi. nagtaasan naman ang balahibo nilang Dalawa nang ngumisi ang dalaga. "Ngayon pa kayo nag-alala. Eh, kanina nga iniwan niyo ako. Ang laki pa naman ng Pilipinas." She sigh and blink before she look at her two cousin. "No worries. I can handle myself. Ako pa. Maliit lang din naman ang Paaralang ito. Kaya hindi ako maliligaw." Saad ni Rheanne atsaka tumalikod at tuluyan nang nilisan ang Cafeteria.
"What the! She just said that this School is too small?" 'di makapaniwalang saad ni Code. Nagsinghapan naman ang mga tao. At si Ace at Thalia naman na anak ng may-ari ng paaralan ay nakanganga lang. "f**k!" 'di mapigilang napamura na nga si Code.
Akala ng dalawa ay hindi na magtatanong ang mga kaibigan. Ngunit, hindi pa nga nila naisubo ang burger ng magtanong na si Justine. Si Justine kasi ay parang reporter. O 'di kaya parang babae, ang chismosa. Minsan naman putak ng putak, parang manok.
"Dude, sino 'yun? Kay gandang chicks n'un, ah." Tanong ni Justine. Sumama naman ang mukha ng dalawang binata. "Isa ba iyon sa mga babae niyo? Ano?! Hoy! Sumagot nga kayo! Kung hindi niyo iyon babae. Edi, ibigay niyo na lang sa akin 'yun. Hoy! Sagot!" Iritadong saad ni Justine.
"Gago! Paano kami sasagot. Kung putak ka ng putak, diyan!" Bulyaw ni Jake.
Napatakip naman si Justine sa kanyang bibig. "Sorry, naman. So, ano na? Sino ba 'yun?" Tanong ulit ni Justine.
"Tsk!" Asik ni Jake.
"Don't ask too much." Saad ni Christian.
Ibinagsak naman ni Code ang hawak-hawak niyang bottled water. "Ang daya! Akala ko walang maglilihim?" Ani ni Code na kanina pa tahimik na nakikinig. Pero ngayo'y nagsalita na.
Jake and Christian sigh "She's just, Nothing." Sabi ni Jake.
Kahit 'di kumbinsido ay tumango-tango naman ang magkakaibigan.
"Okay. But why did she wear mask?" Naguguluhang tanong ni Thalia. Thalia is twin sister of their King Ace.
"Maybe, she's ugly. That's why she'd wear that cheap mask." Sabat ni King Ace. Nainis naman sina Jake at Christian sa narinig. Gusto nilang magwala. Ngunit, kailangan nilang maghunos dili. Dahil napag-usapan na nila ni Rheanne ito.
"Tss!" Sabay na asik nina Jake at Christian atsaka tumayo at umalis. dahil tapos na 'rin naman ang kanilang Breaktime.
Nagkatinginan naman ang magkakaibigang naiwan. "Anong nangyari doon?" Tanong ni Sammantha. Isa sa mga kaibigan ni Thalia. (Ace twin sister)
"I don't know!" Sabay na saad ni Dannica at Eunice. Thalia's another friend.
Ace sigh. "Let's go." Saad ni Ace at tumayo na ito't pumaunang naglakad. Sumunod naman ang iba.
PAPUNTANG library si Rheanne upang magbasa-basa ng libro at para na 'rin maglibang. Si Rheanne ay isang matalinong babae. Kaya ang mga magulang niya ay labis na humahanga sa kanyang katalinuhan.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Sa kanyang mahimbing na pagtulog ay hindi niya alam na may lalaki palang kanina pa nagmamasid sa kanya. Dahil kanina pa nito gustong tanggalin ang maskarang nakatakip sa kanyang buong mukha. Tanging labi, ilong at mata lang ang makikita. At dahil tulog na nga si Rheanne ay tumayo ang lalaki at dahan-dahang naglakad papunta sa kinaroroonan ni Rheanne. Nang makalapit ito ay handa na sanang tanggalin ang maskara. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari. Gising na pala si Rheanne at hinintay lang pala ang pag-angat ng kamay nung lalaki. Agad na hinawakan ng dalaga ang kamay ng lalaki. Upang hindi matuloy ang balak nitong pagtanggal ng kanyang maskara.
Nang matagumpay niyang nahawakan ang kamay ng lalaki ay agad siyang tumayo at pwersahang pinaikot ang kamay ng lalaki upang masakal niya ito patalikod. Kaya ang lalaki ay nasa harap niya at ito'y nakatalikod sa kanya. At pwersahan niya itong pinaharap. Pagkatapos ay buong lakas niya itong tinadyakan.
Pagkatapos ay tumakbo na si Rheanne papuntang silid aralan. Kung saan ang kanyang guro ay nagtuturo na at malapit na din itong matapos sa pagtuturo.
Pagkarating ni Rheanne sa harap ng pintuan ng kanyang silid aralan ay agad niya itong sinipa. Kaya nabaling sakanya ang lahat ng atensyon. At pati na ang kanyang guro ay napahinto sa pagtuturo. Dahil nasa kanya na din ang atensyon nito. Lalo na ang grupo ni Ace.
Hindi alam ni Rheanne na kaklase niya pala ang mga ito. Pati na ang dalawang pinsan. Napatingin si Jake sa kanang bahagi ng braso niya. At malalaki ang hakbang na pumaroon sa kanyang gawi saka siya hinila nito palabas. Agad namang sumunod si Christian at ang iba pa nilang kasama. Kahit ngayon lang nila ito nakita ay labis din ang kanilang pag-alala. Lalo na ang mga babae.
DINALA ni Jake si Rheanne sa clinic ng paaralan upang ipagamot ang braso. Oo, nasugatan ang dalaga. Hindi niya alam na may dala palang patalim ang lalaki. At nahiwaan pa ang kanang braso.
HABANG ginagamot ang braso ni Rheanne ay nagsipasukan naman sina Christian. Siyam ang grupo ni Ace. Apat ang babae na galing kay Thalia na kambal nga niya. At limang lalaki kasali na ang dalawang pinsan ni Rheanne.
Pagpasok nila ay agad nilang tiningnan si Rheanne. At tiningnan naman sila ni Rheanne ng malamig. Kaya napaatras ang mga ito. At ang nasa isip ng mga ito ay...
'Minsan ko ng nakita ang ganyang titig. Subalit, magkaiba nga lang sila ng kulay ng mata. Kaya imposibleng siya iyon.'
Bumuntong hininga si Rheanne saka tiningnan si Ace. Nagtama naman ang kanilang mata at si Rheanne ang unang umiwas atsaka ipinikit ang mga mata. Nagsiupo nalang ang mga ito sa sofa kung saan nakaupo si Jake.
Nang matapos gamutin ng isang nurse ang sugat na natamo ni Rheanne. "Bakit may sugat ka, Anne?" Tanong ni Jake sa dalaga. Ngunit hindi manlang ito sumagot o gumalaw. Kaya nairita si Jake. "Anne, alam kong gising ka. Sagutin mo ako." Iritadong saad ni Jake. Ngunit wala pa rin.
"Anne, isa." Sabat ni Christian. Ngunit, hindi pa rin ito natinag.
"Anne, ha. Dalawa, isusumbong kita sa daddy mo. Kapag hindi mo kami sasagutin." Saad na naman ni Jake.
Napabalikwas naman ng bangon si Rheanne. dahil narinig na niya ang salitang isusumbong siya ng mga ito sa kanyang ama. Ayaw na ayaw kasi ng ama niya na masugatan siya. Kaya't alagang-alaga nila ito at kaya takot din siyang malaman ng ama na nagkasugat siya. Marahil, pabalikin siya nito sa Switzerland, kung na'saan ang kanyang mga Lolo at Lola. Mahigpit pa naman ito sakanya, halos hindi na siya makalabas ng bahay dahil sa kahigpitan. Kaya ayaw na ayaw na niyang bumalik doon.
"Ano kasi..... Nabundol ako 'dun sa may library. Tapos may bakal pala doon na matulis. Kaya ayun, nadaplisan ako dito sa braso." Paliwanag ni Rheanne at pilit na hindi mautal.
At dahil sa kanyang sinagot ay nagkatinginan ang magka-kaibigan. Hindi sila makapaniwala sa dinahilan ni Rheanne. Dahil alam nilang hindi naman talaga ito totoo. Kasi buwan-buwan ito tinitingnan ng mga tauhan ng paaralan. Kung wala bang mga matutulis na bakal sa paaralan na naiwan ng mga trabahanti. Kaya, kahit nagtataka pa rin ay pilit na lang silang tamango at hindi na nagtanong. Pumikit na ulit si Rheanne, upang magpahinga.
Ace sigh. "I will go to the CCTV Room later. I will made sure that she told us the truth." Saad ng binata at tumayo. " I'll go now. i have my class. I don't want to missed it. Dad will be mad at me. Thalia, let's go." Tawag ni Ace sa kakambal. Agad namang tumayo si Thalia at si Eunice. At naglakad na papuntang pintuan.
Napatingin naman si Eunice at Thalia kina Sam ng hindi ito sumunod sakanila. "Aren't you two will follow us?" Tanong ni Thalia sa dalawa. Agad namang nagsi-iling ang mga ito.
"Nope, hihintayin namin siyang magising." Nakangiting sabi pa ni Dannica. Kaya napatango naman sina Eunice at tuluyan ng lumabas sa Clinic.