Mahabang katahimikan ang namagitan sa pagitan namin ni Myra. Somehow she wants me to think things over kaya siguro hinayaan nya akong manahimik.
Para naman akong nalunod sa sakit ng mga salitang binitawan nya. Iyong kanina na umaapaw ako ng tiwala sa aking sarili na mababawi ko si Charm, lahat naglaho dahil na rin sa sinabi ni Myra.
She's right. If I was not that over confident and too proud of myself, we wouldn't be here. Charm wouldn't be with Jin in the first place.
I looked at them as they slowly going down the stage. Their faces show that they are happy with each other, if not, Charm will not smile like that for sure. I bit my lip to avoid from cursing when I saw Jin's hand wrapped around Charm's waist. It should be me! I should be the only one to touch her!
Tinalikuran ko na sila at naupo sa bar stool. Nag-uumpisa na namang mamuo ang luha sa aking mga mata. How can I be so careless when it comes to Charm? How can I be so damn stupid to take her for granted? Damn it Alex!
"Did I offend you, Alex?"
Tipid akong ngumiti nang tingnan ko si Myra. She had that concerned look of a bestfriend. "No! You just slapped me with the truth, My!"
"I'm sorry." Hinawakan nya ako sa aking balikat at marahan itong pinisil.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinitigang mabuti ang wine na nasa baso habang pinaikot-ikot ito. "Don't be, Myra. I took all the blame."
Biglang naging tahimik ang paligid. For sure, Dyosa is coming. Nawala na rin kasi ang waiter na nasa harapan ko.
"Mukhang hindi ka na nasasabik sa pagdating ko Alexandra. Ayaw mo na ba akong makita?"
Bagaman hindi ako nakatingin sa kanya at nakatuon pa rin ang atensyon ko sa kopita na may lamang wine, mababakas naman sa tinig nya ang amusement. Saglit ko lang siyang sinulyapan nang maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
"Anong meron sa awra mong napakalungkot?"
I turned my seat to face her. "Anong meron sa aura ko?!" Napapalatak ako saka itinuro ang aking sarili. "Look at me, Dyosa?! Hindi ba kaawa awa ako?! Tang-ina! Nasa akin na si Charm, pero pinakawalan ko pa!" Mabilis kong pinahid ang luhang pumatak sa aking mata. Muli kong hinarap ang baso ng wine at ininom ito ng derecho. I'm so pathetic!
Narerevive ko man ang nakaraan at naitatama ko man ang mga kasalanan at pananakit na nagawa ko kay Charm, patuloy naman akong nasasaktan ng kasalukuyan. I feel like going back from the past doesn't change a thing at the present time.
"Nangangahulugan ba na gusto mo ng ihinto ang pagbabalik mo sa nakaraan?"
Nakakunot ang noo ko nang balingan ko ulit si Dyosa. May kakaiba sa kanyang ngiti na hindi ko mabasa.
"Napagdesisyunan mo na bang sukuan na lang ang babaeng mahal mo?"
Napalunok ako at napaisip. Is that what I really want? I closed my fist. I can't imagine that I will lose Charm for the rest of my life. Everything about me shouts for her.
"Bakit biglang hindi ka na naging sigurado, Alexandra?"
Nakataas na ang kanyang kilay at tila ba may gusto pa siyang halukayin sa buong pagkatao ko.
"What if hindi ko na mabago ang lahat sa kasalukuyan? What if I still ended up being alone and Charm being with Jin?"
Nagkibit balikat si Dyosa at nginitian ako ng makahulugan. "Sa ilang beses mong nakabalik sa nakaraan, ano ba ang talagang layunin mo?"
Sinamantala nya ang pananahimik ko. Things are getting complicated that I just can't quiet comprehend. I just want Charm back!
Napailing-iling si Dyosa. Halata sa mukha nya ang pagkadismaya. Kung para saan, hindi ko alam.
"Kung iyon lang pala ang gusto mo, bakit kailangan mo pang bumalik sa nakaraan? Hindi ba nag-aaksaya ka lang ng oras at pagod? Hindi ba mas mabuti pang ituon mo ang buong atensyon sa kasalukuyan para mapasa'yo siya ulit?"
"I-I f-feel h-hopeless in this present time." I don't have a grasp of the current situation. It's like I'm fighting for something that I'm sure I can't win at. I guess, what I really want is just to ease the pain that I've caused her. Truth be told, I don't like Charm to remember the 'old me', who never really cared for her, who never see her worth. Because, I love her, so much I don't even know how to unlove her.
"Makinig kang mabuti Alexandra..." Mataman niya akong tinitigan. "Hindi porke nabigyan ka ng pagkakataon na makabalik sa nakaraan ay nangangahulugan na mapapasa'yo siya ulit. Katulad ng nasa isip mo, hindi ba mas mabuti na ang maaalala ni Charm kapag nababanggit ang pangalan mo ay iyong masasayang sandali na magkasama kayo at hindi iyong mga bagay na nakasakit sa kanya na nagiging dahilan para malungkot siya at tuluyang lumayo ang loob nya sa'yo?"
I covered my face with my both hands in frustration. "Ano bang dapat kong gawin?" I feel helpless.
"Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na itama ang mga pagkakamali nila. At dahil ramdam ko ang sobrang pagsisisi mo at ang kagustuhan mong iayos ang lahat, hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka." Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha saka marahang tinapik ang aking pisngi. "Huwag mo sanang aksayahin ang pagkakataon. Kung hindi ka man magtagumpay na muli siyang mapasa'yo, huwag mo ng ipagkait sa kanya ang magagandang ala-ala na kasama ka."
Muli siyang naglaho at nagbalik ulit ang mga tao. Nagkaroon na ulit ng ingay sa buong lugar.
"Alexandra mabuti naman at nakarating ka!"
I reluctantly stand and tried to fake a smile when I face them. I'm starting to lose my energy in this party.
"Ikaw pa ba naman ang hindian ko, Jin." I kissed her on the cheek and glance at Charm. I tried to hide the sadness in my voice when I opened my mouth to greet her. "Happy birthday Charm." Hinalikan ko siya sa pisngi. Should I just let her go?
"Salamat Alex." Tipid niyang sabi saka tumingin kay Myra na nasa tabi ko pa rin. "Bantayan mo iyang kasama mo, My, alam mo na."
"Hon ano ka ba, pinapahiya mo naman si Alex. Alam na niya 'yan." Singit naman ni Jin at kumindat pa sa akin.
Tipid lang akong ngumiti. "Wine lang naman ito." Itinaas ko pa ang hawak kong kopita. "Hindi ito nakakalasing." Why do I have this feeling that Jin is not being real to me? Or am I just feeling like this because she's the one with Charm right now?
"I know right!" Sabat naman ni Myra na napapalatak pa.
"Hon punta muna tayo kina Tita." Baling naman ni Jin kay Charm. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagyakap ng kamay nya sa bewang ni Charm. "Excuse us lang ha?" Ngiti pa ni Jin saka kami pinagsalitang tingnan ni Myra.
"Sure! Sure! Alam ko kung gaano kayo kaabala sa pag-eestima ng mga bisita nyo." Sabi naman ni Myra.
Lumapit si Charm kay Myra at nakipag beso. "Thank you sa pagpunta My ha? See you again." Binalingan naman nya ako at marahan lang tumango. "Halika na." Baling naman niya kay Jin at nagpaakay na papunta sa Tita na sinasabi ng babae.
Sa unti-unting pagtalikod ni Charm sa akin, naramdaman ko ang puwang sa puso ko. Hindi ko maiwasan na malungkot dahil sa paglipas ng mga araw nawawala na ako sa mundo niya. At kahit nagpupumilit pa rin akong makapasok sa buhay nya, nadodoble lang ang sakit sa dibdib ko dahil tuwina pinapamukha niya na si Jin na ang nagmamay-ari ng lahat na dati ay akin.
Ayokong sukuan si Charm. Ayokong talikuran ang mundong ginawa namin. Ayokong kalimutan ang mga ala-ala at pangarap na binuo namin. Pero sa tuwing susubukan kong ayusin ang mga bagay na nasira na sa pagitan namin, pakiramdam ko unti-unti ring may nawawala sa akin.
"Alex!"
Bigla akong natauhan at napatingin sa nag-aalalang si Myra.
"Why the hell are you crying?!" Magkasalubong na ang kanyang kilay.
Nasapo ko naman ang aking pisngi na basa na pala ng luha. Agad kong tinanggap ang panyong iniabot nya at pinunasan ang aking mukha. Goodness! Mabuti na lang hindi ako masyadong nag make up. Ano na ang magiging hitsura ko kapag nagkataon?!
Mabilis akong hinila ni Myra sa isang sulok ng venue at sinapo ang aking pisngi. "God, Alex! Are you okay?"
Marahan akong tumango saka tipid na ngumiti. Hinawakan ko ang kamay nyang nakasapo sa aking pisngi. "Tayo na lang kasi, Myra!" I tried to joke out.
Marahas naman niyang hinaklit ang kanyang kamay at hinampas ako! "Alexandra, please!" She rolled her eyes and smirked. "You're not my type!"
Napahalakhak ako sa tinuran niya. Mabuti na lang at parating nandyan si Myra. In everything that happened, Myra never leave my side. I remembered so well that there were those times when she picked me up in some good for nothing bar because I was so wasted to go home. She got mad at me and always reminded me that it's not the end of the world. And that I should fix my life and move on.
As for me, I'd just keep quiet and cried in silent while listening to her words that really wounded me. And when she saw me in those circumstances she'd run for me and held me tight.
"'My.."
"Hmm?" Tipid siyang ngumiti at hinintay ang sasabihin ko.
"Should I stop here." Sinalubong ko ang nagtatanong nyang mga mata dahil hindi niya agad nakuha ang ibig kong sabihin. I'm well aware that my lips curved a smile but didn't reach my eyes. "Should I just give up and stop hoping that Charm will come back to me?" Ang bigat ng mga salitang binitawan ko ngayon ay dumadagdag sa nadudurog kong puso. At kahit iba ang sinisigaw nito, pakiramdam ko iyon na ang pinakatamang gawin.
"Masaya na ako kay Jin. At mas magiging masaya ako kapag nakita kong masaya ka na rin Alex. Let go of me so you can let go of yourself also. "
Those words of Charm keep taunting me. And I felt like the more that I wanted to hold unto her, the more that she drifts away.
Gusto kong manliit sa paraan ng pagkakatingin sa akin ngayon ni Myra. She pitied me. Hinawakan nya ang aking kamay at pinisil ito.
"Alex.." Her voice seems to crack. "You're my bestfriend! And I hate to see you like this. But I want you to be happy." She shrugs. "Wether you let go of her or you run after her, I don't really care. What I care the most is you." She tiptoed and kissed me on the head. "Follow what this says." She then pointed my heart.
Muli na namang tumulo ang aking mga luha na mabilis ko ring pinahid dahil ayoko ng makakuha pa ng atensyon ng ibang bisita.
My eyes roamed in the place and suddenly met those eyes of Charm. How did we end up being far away from each other?
Charm, please give me something to hold on to. Please..
Natigil ang aking pag-iisip nang mawala sa paningin ko si Charm. Nagbalik ang katahimikan ng lugar at mula sa may dulong bahagi ng stage lumabas si Dyosa.
"Akala ko nakapag-isip isip ka na, Alexandra."
Akalain mo nga naman na binigyang justice nya ang kulay na brown. I am not really fan of this color but seeing Dyosa wearing this motif color, I guess I will start to like it now. Kanina pa ba nyang suot yang damit na 'yan?
Ngumiti siya ng makahulugan. Ilang segundo lang ang lumipas at nagawa niyang makalapit agad sa akin. Ngayon ay halos isang dipa na lamang ang distansya namin sa isa't-isa.
"Gusto mo pa bang ituloy ang pagbabalik mo sa nakaraan o mas gusto mong hindi na ako magpakita ulit sa'yo Alexandra?"
Hindi agad ako nakapagsalita. Dapat na ba akong sumuko? Napapikit ako nang mariin at nakuyom ko ang aking palad.
"Alexa.."
Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Sinalubong ako ng mga matang iyon na kulay brown at may katamtamang laki. Ang tangos ng ilong nya na bumagay sa hugis puso nyang mukha. At ang mga labing natural na mapupula. Marahang pinapayid ng hangin ang lampas balikat niyang buhok na nakaipit sa dalawang tenga nya. Pamilyar ang kanyang mukha pero hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita.
"Bakit mo ako tinatawag? Kilala mo ba ako?" Pasimple pa akong lumingon sa aking paligid kung may iba pa bang tao. Pero para bang may mga sariling mundo ang mga kapwa ko estudyante.
Muli ko siyang tiningnan. Para bang kinakabahan siya sa kabila ng nakangiti niyang mga labi.
Tumikhim siya at humakbang palapit sa akin. "H-Happy V-Valentines Day, Alexa.." Mula sa kanyang likod, inilabas niya ang nakatago niyang kamay at iniabot sa akin ang isang piraso ng puting rosas.
Napalunok ako at napatitig sa rosas na inaabot nya. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong pangyayari. May mangilan-ngilan din naman kasing nagkakagusto sa akin. At sanay na rin naman ako sa mga babaeng lantarang pinapakita ang pagkagusto sa akin.
Pero sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko namula ang aking pisngi at lumakas ang t***k ng aking puso. Unti-unti kong inabot ang bulaklak at muling sinalubong ang mga mata niya na parang ang daming gustong sabihin.
Ngunit hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa. Tinawid nya ang natitirang pagitan sa aming dalawa at hinagip nya ang nakaawang kong labi.
Saglit na saglit lang nyang inilapat ang kanyang mga labi, pero hindi ko naiwasang mapapikit at damhin ito. So soft.
At nang imulat ko ang aking mga mata she had that shy looked on her face. And she can't even look me in the eye.
"G-Gusto k-kita Alexa.." Sabi niya sa mahinang boses. Hindi siya nakatingin sa akin at bahagyang nakatungo ang kanyang ulo. "N-Noon pa.."
Inangat ko ang kanyang ulo sa pamamagitan ng pagtaas sa kanyang baba at hinuli ko ang kanyang mga mata. Ngumiti ako saka inipit ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabon sa kanyang mukha. Bagman ang lakas lakas ng t***k ng aking puso, hindi ko ito ipinahalata sa kanya.
Then she smiled.
And right at that very moment I realized... What love means.
Pag mulat ko ng aking mga mata sinalubong ako nang nakangiting si Dyosa.
"Humiling at baka sakaling ika'y dinggin.." Ngumiti pa siya nang makahulugan.
Ginantihan ko siya ng ngiti bago ako pumikit at itinaas ang dalawa kong kamay. Kumembot ako ng pakaliwa at pakanan.
"Dyosa ng kagandahan, pagbigyan ang aking kahilingan! Ibalik ako sa nakaraan!"
Pagmulat ko, lalong nagdilim ang kalangitan. At kasabay ng pagkidlat ay ang malakas na pagkulog.
Napasama na naman ako sa isang ipo-ipo.
"Chaaaaaarrrmmmm!!! Aaaaaaaaahhhhh!